Ambag ng mga Kastila at Amerikano sa Panitikang Pilipino
Size: 6.77 MB
Language: none
Added: Sep 07, 2025
Slides: 29 pages
Slide Content
Ano ang pinakamalaking pagkakaiba ng layunin ng mga Kastila at Amerikano sa kanilang pananakop sa Pilipinas ? KASTILA- pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pagkontrol sa yaman ng bansa AMERIKANO- pagpapalaganap ng edukasyon , demokrasya , at pagpapakita ng impluwensiyang pangkultura .
Pananakop ng mga Amerikano Kumpara sa Pananakop ng mga Kastila at ang Katangian ng Panitikan
Pananakop ng mga KASTILA
Mula 1565 hanggang 1898 ay tumagal nang 333 taon na nasakop ng mga Kastila ang Pilipinas gamit ang dahas at relihiyon . Mula naman 1898 hanggang 1935 ay sinakop din ng Amerika ang Pilipinas gamit ang dahas at edukasyon .
Karamihan sa mga panitikang nasulat sa panahon ng mga Kastila ay tungkol sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo magmula sa koridong Ibong Adarna, mga Pasyon at iba pang akdang pansimbahan . Noong 1872- Sa panahon ng Kilusang Propaganda , nagsimula ang mga akdang nananawagan ng reporma at puna sa pamamalakad ng mga Kastila gaya ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal.
Noong 1892 hanggang 1896- Sa panahon ng Katipunan naman nagsimula ang mga akdang pumapaksa sa kalayaan mula sa mga sinulat nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Marcelo H. del Pilar, Antonio Luna at marami pang iba.
Ang krus at espada ay sumisimbolo sa dalawang pinakamahalagang sandata ng mga Kastila sa pananakop ng Pilipinas : 1. Krus Sumisimbolo sa Kristiyanismo at Simbahan . Ginamit ito upang ipalaganap ang relihiyon at makuha ang tiwala ng mga Pilipino. Naging paraan ito upang mapasunod at makontrol ang isipan at damdamin ng mga tao sa pamamagitan ng pananampalataya . Ang mga prayle ang nagsilbing kinatawan ng krus at nagkaroon ng kapangyarihan sa pamahalaan , edukasyon , at lipunan .
Espada Sumisimbolo sa kapangyarihang militar at puwersa . Ginamit upang supilin ang mga Pilipinong tumutol at naghimagsik laban sa mga Kastila . Puwersa ng baril , kanyon , at hukbo ang nagpatibay sa pananakop . Ang espada ay naging pananakot at paminsan-minsan ay parusa upang mapanatili ang kaayusan ayon sa kagustuhan ng kolonisador .
Pananakop ng mga AMERIKANO
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano mula 1898- hindi kataka-takang ang paksa pa rin tungkol sa Kalayaan ang mga nasulat na akda , dahil inagaw ng mga Amerikano ang kalayaang abot-kamay na ng mga Pilipino.
Ang mga dula tulad ng “ Kahapon , Ngayon at Bukas” (1903) ni Aurelio Tolentino, “ Tanikalang Ginto ” (1902) ni Juan F. Abad at “Walang Sugat” (1898) ni Severino Reyes ay pumapaksa pa rin sa kalayaan kaya ipinagbawal ng mga Amerikano sa bisa ng Sedition Act noong 1901.
Isa rin sa naging tanyag na tula ng pagtutol sa pananakop ng Amerika ay ang “Bayan Ko” na simulat ni Jose Corazon de Jesus noong 1928 at nilapatan ng melodiya ni Constancio de Guzman. Ang awit na ito ang itunuturing na pangalawang pambansang awit ng Pilipinas at naging awit protesta rin sa diktaduryang Marcos mula 1972 hanggang 1986.
Isa pang tula mula naman kay Amado V. Hernandez, ang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” na nalikha noong 1930 ang inawit naman ng grupong Inang Laya sa mga kilos- protesta kasama ng tula ni Andres Bonifacio na “Pag- ibig sa Tinubuang Lupa” na nilapatan ng melodiya ni Luis Salvador Jorque noong 1979.
Kung relihiyon ang ginamit ng mga Kastila upang kontrolin ang ating mga ninuno , bukod sa dahas ay edukasyon naman ang ginamit ng mga Amerikano .
Agosto 21, 1901- 346 na gurong lalake at 180 gurong babae ang dumating sa Pilipinas sakay ng U.S. Army Transport Thomas . Nirekrut ang mga gurong Amerikano mula sa 193 paaralan at 43 estado ng Amerika para magturo sa Pilipinas . Sa pangalan ng sinakyan nilang barko kinuha ang tawag na Thomasites .
Pinalitan ng mga Thomasites ang medium of instruction mula Spanish patungong English. Layunin ng mga Thomasites: Magturo ng iba’t ibang asignatura tulad ng Agham, Matematika , at Kasaysayan gamit ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo . Magpalaganap ng sistemang pampublikong edukasyon sa Pilipinas . Magturo ng wikang Ingles sa mga Pilipino. Ihanda ang mga Pilipino na maging bahagi ng isang demokratikong lipunan sa ilalim ng pamahalaang Amerikano .
Mga Ambag ng mga Thomasites: Pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas . Pagsasanay sa mga Pilipinong guro upang maipagpatuloy ang pagtuturo . Pagbibigay-diin sa sekular na edukasyon ( hindi nakatuon lamang sa relihiyon gaya noong panahon ng Kastila ). Pagpapalaganap ng kultura at impluwensiyang Amerikano sa pamamagitan ng wika at kaalaman . Pagpapakilala ng sistemang grade level sa edukasyon .
Sa madaling sabi , ang Thomasites ang nagpasimula ng malawakang edukasyong pampubliko sa Pilipinas , at sila rin ang dahilan kung bakit Ingles ang naging isa sa mga pangunahing wika ng bansa hanggang ngayon .
Ang gurong si Teodoro Asedillo mula sa bayan ng Kalayaan, Laguna ang unang tumutol sa paggamit ng English sa mga paaralan noong 1921 sapagkat alam niyang ang motibo ng mga mananakop ay kontrolin ang puso at diwa ng mga batang Pilipino.
Dahil sa kanyang pagtutol ay tinanggal siya sa kanyang pagiging guro at nang malaon ay nag- armas upang labanan ang mga pamahalaang Amerikano sa Pilipinas hanggang sa mapatay siya noong 1935.
Upang supilin ang apoy ng paghahangad ng mga Pilipino sa kalayaan , pinaigting ng mga Amerikano ang impluwensiya ng romantisismo sa panitikan . Ayon kay Rubin (2006) ang romantisismo sa akda ay lubhang emosyunal , malabis ang pagkamoralistiko , sadyang sumusumang sa hindi kayayang abutin ng isipan , dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan , gumagamit ng matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili .
Bukod sa paggamit ng English, ipinakilala rin ng mga Amerikano ang iba pang anyo ng sining sa larangan ng musika , sayaw , teatro , pelikula at iba pa habang sinusupil ang mga akdang tungkol sa Kalayaan at ibinibilanggo ang mga manunulat ng dulang protesta .
Ipinasara rin ang mga pahayagang nagpapakita ng simpatiya sa mga progresibo at rebolustunaryo tulad ng La Independencia , El Renacimiento , El Nuevo Dia at marami pang iba .
KASTILA
AMERIKANO
Mas mapanganib ang pananakop na parang regalo . Kapag lantad ang pananakop , malinaw sa mga tao na sila’y inaapi at mas madali silang nagkakaisa upang lumaban . Halimbawa , noong panahon ng Kastila , malinaw ang kanilang pang- aabuso kaya’t nagkaroon ng mga rebolusyon .
Samantalang ang pananakop na parang regalo — gaya ng ginawa ng mga Amerikano sa pamamagitan ng edukasyon , demokrasya , at “ tulong ”—ay mas mapanganib dahil hindi agad nakikita ang tunay na layunin . Unti- unti nitong binabago ang kaisipan at kultura ng mga tao , kaya’t maaaring mawala ang sariling pagkakakilanlan nang hindi nila namamalayan . Ito ang tinatawag na malambot na pananakop ( soft power ), na nag- iiwan ng pangmatagalang epekto sa wika , kaugalian , at paraan ng pag-iisip ng mga susunod na henerasyon .
Ang lantad na pananakop ay nakakasugat ng katawan , ngunit ang pananakop na parang regalo ay nakakasugat ng isipan at pagkatao — na mas mahirap gamutin . Sa madaling sabi :