MAHALAGANG
TANONG
•Paano nakatulong ang dulang
makabayan upang maihatid
ang mensahe ng isang tunay
na pag-ibig para sa bayan at
para sa sinisinta?
MAHALAGANG
TANONG
•Paano mo makikilala o
malalaman na tama at tunay
ang isang pag-ibig?
Ang “Walang Sugat” ay ang
dulang nagpatanyag kay Severino
Reyes. Sinasabing nang unang
itanghal ang dulang ito ay
inumaga sa lansangan ang mga
manonood.
Naaliw sila sa panood dahil sa
mga awit at tugtugan nitong
nakapagbigay-lugod sa kanila na
kaiba sa moro-morong madalas
nilang mapanood na pawang
labanan at sigawan ang tema.
Ang dulang ito ay dalawang
ulit na isinapelikula noong
mga taong 1939 at 1957.
SEVERINO REYES
•Kilala sa tawag na
“LOLA
BASYANG”.
•Ang sumulat ng
Sarsuwelang
“Walang Sugat”.
SEVERINO REYES
•Isinilang sa Sta.
Cruz, Maynila
noong Pebrero
12, 1861.
•Mayroon siyang
5 kapatid.
SEVERINO REYES
•Ang kanyang mga
magulang ay sina
Rufino Reyes at
Andrea Rivero.
•Kilala rin siya
bilang “Ama ng
Sarsuwelang
Tagalog.”
SEVERINO REYES
•Siya ay naging
patnugot ng
lingguhang
magasing
LIWAYWAY at
nagtatag ng Gran
Compaña de
Zarzuela Tagala.
SEVERINO REYES
•Nagsimula siyang
magsulat ng dula noong
1902.
•Sinikap niyang mapaunlad
ang dulang Tagalog dahil
nakita niyang ang moro-
moro at komedya na
siyang tanyag na uri ng
dula noon ay walang buti
at kapaki-pakinabangang
dulot sa manonood.
TEATRO LIBERTAD
❑Dito unang naipalabas
ang dulang “Walang
Sugat” noong 1902.
WALANG SUGAT
❑Tungkol ito sa kawalan ng
hustisyang tinamasa ng
mga Pilipino noong
panahon ng mga Kastila.
MGA TEMANG GINAMIT
❑Pagmamahalan sa gitna ng
digmaan.
❑Sakripisyo
❑Pagkawalay sa mga minamahal
❑Kontradiksyon ng indibidwal sa
pamilya.
WALANG SUGAT
❑Isinulat ito ni Severino Reyes upang
ipakita sa lahat ang kanyang pahayag
laban sa Imperyalismo.
❑Ang orihinal na musikang kasama nito
ay nagmula kay FULGENCIO
TOLENTINO.
PAUNANG GAWAIN
Pahina 102-103
❑Simulan Natin
❑Payabungin Pa Natin A at B
SIMULAN NATIN
Sa nakaraang yunit ay napag-usapan
ang paksang “PAG-IBIG”. Baon ang
iyong mga natutuhan tungkol sa
salitang ito ay bigyan mo naman ito
ngayon ng sariling depinisyon o
pagpapakahulugan.
SIMULAN NATIN
Para sa akin, ang pag-ibig
ay…__________________
______________________
______________________
______________________
PAYABUNGIN NATIN
A.Nagagamit ang panandang konteksto sa
pagbibigay-kahulugan ng salita (gamit ng salita
sa pangungusap)
PANUTO: Piliin sa kahon ang
kasingkahulugan ng mga salitang
nakasulat nang pahilis sa bawat bilang
batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.
PAYABUNGIN NATIN
B. Nagagamit ang angkop na salita sa
pagbuo ng pangungusap batay sa depinisyon
nito.
PANUTO: Unawaing Mabuti ang
depinisyon ng salitang hiram sa loob
ng kahon. Gamitin ang mga ito
upang mabuo ang pangungusap sa
bawat bilang.
WALANG SUGAT
❑Ito ay dulang umiikot sa pag-iibigan ng dalawang
nagmamahalang napakaraming hadlang. Kilalanin ang
mga pangunahing tauhang sina Julia at Tenyong nang
minsan pang mapatunayang walang makahahadlang
sa tunay na pag-ibig.
❑Ating alamin kung anong koneksiyon ng pamagat na
“Walang Sugat” sa kabuoan ng dulang siguradong
magpapahanga sa iyo sa husay ng manunulat nito.
Bakit “Walang Sugat”
ang
pamagat???
Sa huling bahagi ng Walang Sugat,
dumating si Tenyong na sugatan mula sa
labanan at pinilit niyang ipakasal agad si
Julia bago siya umano’y pumanaw. Sa kasal,
ipinahinto niya ang seremonya at sumigaw
ng “Walang sugat!” – isang pagbubunyag
na hindi pala totoo ang kanyang malubhang
sugat.
Walang
Sugat
Mga Tauhan
Julia
Monica, alila ni Julia
Mediko ng Batalyon
Lucas, utusan ni Tenyong
Isang Heneral Pilipino
1
2
3
4
5
Mga Tauhan
4 na Religioso
Marcelo, Alkayde
Isang Sarhento
Padre Teban, Klerigo
Isang Heneral Pilipino
6
7
8
9
10
Mga Tauhan
Isang Teniente
Mga Taong Bayan
Mga Kawal
Mga Bordadora
Mga Bilanggo
11
12
13
14
15
Mga Tauhan
Banda ng Musika ng
Katipunero
Juana, Ina Julia
Miguel
Tenyong
Inggo, Ama ni Tenyong
16
17
18
19
20
Mga Tauhan
Tadeo, Ama ni Miguel
Putin, Ina ni Tenyong
Isang Sakristan
21
22
23
Mga
Pangyayaring
Naganap sa Una
at Ikalawang
Bahagi ng Dula
Masayang nagbibiruan sina
Tenyong at Julia tungkol sa panyong
binurdahan ng dalaga para sa
binatang minamahal nang biglang
dumating si Lucas, ang utusan ni
Tenyong.
Ibinalita nitong nadakip ang ama niyang si
Kapitan Inggo dahil napagbintangan itong mason o
filibusterong tulisan.
Mabilis nilang pinuntahan ang ama kasama ang
inang si Putin ngunit sa kasawiang palad ay
namatay ito sa bilangguan dahil sa matinding
pasakit at palong inabot sa mga Religiosong
bantay nito.
Bunga ng pangyayaring ito ay
hinikayat ni Tenyong ang mga
kalalakihang kumuha ng gulok at
magdala ng rebolber at tumungo sa
kaparangan. Walang nakapigil sa
kanya kahit pa si Julia.
Dumating din at pilit na
sumasama ang batang si Pabling
sa kaparangan ngunit hindi siya
pinayagan ni Tenyong .
Madarama sa kanilang usapan ang
matinding pagmamahal at
pagnanasang makalaya ang bayan
mula sa kamay ng mga mapang-aping
Espanyol partikular sa mga Frayle na
itinuturong pumatay sa kanyang ama.
Samantala habang magkalayo sina
Julia at Tenyong ay dumating naman
si Miguel, isang binatang mayaman at
nag-iisang anak ni Tadeo na malaki
ang pagkagusto kay Julia.
Lingid sa kaalaman ng dalaga’y
nakipagkasundo na ang kanyang
inang si Juana kay Tadeo para
maikasal sila ni Miguel. Wala kasing
alam ang ina sa kanilang sumpaan ni
Tenyong.
Nang malaman ito ni Julia ay nagpadala
siya ng sulat kay Tenyong sa tulong ni Lucas.
Sinabi niya sa sulat para kay Tenyong ang
pagkamatay ng ina nito at ang
pakikipagkasundo ng kanyang inang ipakasal
siya kay Miguel.
Humingi siya ng tulong dito upang hindi
matuloy ang kanyang kasal at umasang hindi
siya pababayaan ng minamahal.
Nahanap naman ni Lucas ang kuta nina
Tenyong at naibigay ang sulat ngunit hindi na
ito nagawang sagutin pa ng binate dahil sa
biglang pagsiklab ng labanan.
Mabilis na pinaalis na lamang ni
Tenyong si Lucas upang hindi na ito
madamay o masaktan sa gayon ay
makauwi ito nang ligtas at masabi kay
Juliang uuwi na lamang siya sa kanilang
bayan ngunit di masabi anng eksaktong
araw.