Walang makahahadlang sa pag-ibig na tunay , Ito’y ipaglalaban hanggang sa huling sandali ng buhay .
MAHALAGANG TANONG Paano nakatulong ang dulang makabayan upang maihatid ang mensahe ng isang tunay na pag-ibig para sa bayan at para sa sinisinta ?
MAHALAGANG TANONG Paano mo makikilala o malalaman na tama at tunay ang isang pag-ibig ?
Ang “Walang Sugat” ay ang dulang nagpatanyag kay Severino Reyes. Sinasabing nang unang itanghal ang dulang ito ay inumaga sa lansangan ang mga manonood .
Naaliw sila sa panood dahil sa mga awit at tugtugan nitong nakapagbigay-lugod sa kanila na kaiba sa moro-morong madalas nilang mapanood na pawang labanan at sigawan ang tema .
Ang dulang ito ay dalawang ulit na isinapelikula noong mga taong 1939 at 1957.
Pagkilala sa May- akda
SEVERINO REYES Kilala sa tawag na “LOLA BASYANG” . Ang sumulat ng Sarsuwelang “ Walang Sugat ”.
SEVERINO REYES Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861 . Mayroon siyang 5 kapatid .
SEVERINO REYES Ang kanyang mga magulang ay sina Rufino Reyes at Andrea Rivero . Kilala rin siya bilang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog.”
SEVERINO REYES Siya ay naging patnugot ng lingguhang magasing LIWAYWAY at nagtatag ng Gran Compaña de Zarzuela Tagala.
SEVERINO REYES Nagsimula siyang magsulat ng dula noong 1902. Sinikap niyang mapaunlad ang dulang Tagalog dahil nakita niyang ang moro-moro at komedya na siyang tanyag na uri ng dula noon ay walang buti at kapaki-pakinabangang dulot sa manonood .
Ito ay isang makasaysayang grupo ng teatro na itinatag noong 1902 ni Severino Reyes. Layunin nitong itanghal ang mga sarsuwela — mga dulang may awitin at sayaw — na isinulat sa wikang Tagalog, bilang tugon sa mga banyagang anyo ng teatro tulad ng moro-moro at komedya . GRAN COMPAÑA DE ZARZUELA TAGALA
TEATRO LIBERTAD Dito unang naipalabas ang dulang “Walang Sugat” noong 1902.
WALANG SUGAT Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila .
MGA TEMANG GINAMIT Pagmamahalan sa gitna ng digmaan . Sakripisyo Pagkawalay sa mga minamahal Kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya .
WALANG SUGAT Isinulat ito ni Severino Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa Imperyalismo . Ang orihinal na musikang kasama nito ay nagmula kay FULGENCIO TOLENTINO.
PAUNANG GAWAIN Pahina 102-103 Simulan Natin Payabungin Pa Natin A at B
SIMULAN NATIN Sa nakaraang yunit ay napag-usapan ang paksang “PAG-IBIG”. Baon ang iyong mga natutuhan tungkol sa salitang ito ay bigyan mo naman ito ngayon ng sariling depinisyon o pagpapakahulugan .
SIMULAN NATIN Para sa akin, ang pag-ibig ay…____________________________________________________________________________________
PAYABUNGIN NATIN Nagagamit ang panandang konteksto sa pagbibigay-kahulugan ng salita ( gamit ng salita sa pangungusap ) PANUTO: Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilis sa bawat bilang batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap . Isulat lamang ang titik ng tamang sagot .
PAYABUNGIN NATIN B. Nagagamit ang angkop na salita sa pagbuo ng pangungusap batay sa depinisyon nito . PANUTO: Unawaing Mabuti ang depinisyon ng salitang hiram sa loob ng kahon . Gamitin ang mga ito upang mabuo ang pangungusap sa bawat bilang .
WALANG SUGAT Ito ay dulang umiikot sa pag-iibigan ng dalawang nagmamahalang napakaraming hadlang . Kilalanin ang mga pangunahing tauhang sina Julia at Tenyong nang minsan pang mapatunayang walang makahahadlang sa tunay na pag-ibig . Ating alamin kung anong koneksiyon ng pamagat na “Walang Sugat” sa kabuoan ng dulang siguradong magpapahanga sa iyo sa husay ng manunulat nito .
Bakit “Walang Sugat” ang pamagat ???
Sa huling bahagi ng Walang Sugat , dumating si Tenyong na sugatan mula sa labanan at pinilit niyang ipakasal agad si Julia bago siya umano’y pumanaw . Sa kasal , ipinahinto niya ang seremonya at sumigaw ng “Walang sugat !” – isang pagbubunyag na hindi pala totoo ang kanyang malubhang sugat .
Pagkilala sa May- akda
SEVERINO REYES Kilala sa tawag na “LOLA BASYANG” . Ang sumulat ng Sarsuwelang “ Walang Sugat ”.
SEVERINO REYES Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861 . Mayroon siyang 5 kapatid .
SEVERINO REYES Ang kanyang mga magulang ay sina Rufino Reyes at Andrea Rivero . Kilala rin siya bilang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog.”
SEVERINO REYES Siya ay naging patnugot ng lingguhang magasing LIWAYWAY at nagtatag ng Gran Compaña de Zarzuela Tagala.
SEVERINO REYES Nagsimula siyang magsulat ng dula noong 1902. Sinikap niyang mapaunlad ang dulang Tagalog dahil nakita niyang ang moro-moro at komedya na siyang tanyag na uri ng dula noon ay walang buti at kapaki-pakinabangang dulot sa manonood .
TEATRO LIBERTAD Dito unang naipalabas ang dulang “Walang Sugat” noong 1902.
WALANG SUGAT Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila .
MGA TEMANG GINAMIT Pagmamahalan sa gitna ng digmaan . Sakripisyo Pagkawalay sa mga minamahal Kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya .
WALANG SUGAT Isinulat ito ni Severino Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa Imperyalismo . Ang orihinal na musikang kasama nito ay nagmula kay FULGENCIO TOLENTINO.
WALANG SUGAT Ito ay dulang umiikot sa pag-iibigan ng dalawang nagmamahalang napakaraming hadlang . Kilalanin ang mga pangunahing tauhang sina Julia at Tenyong nang minsan pang mapatunayang walang makahahadlang sa tunay na pag-ibig . Ating alamin kung anong koneksiyon ng pamagat na “Walang Sugat” sa kabuoan ng dulang siguradong magpapahanga sa iyo sa husay ng manunulat nito .
Halina’t ating alamin at tuklasin kung bakit labis na naging tanyag ang kanyang dulang “Walang Sugat” na maituturing na isang akdang gumising sa kamalayan ng mga Pilipino upang higit na mahalin ang ating bansa at pahalagahan ang mga kultura ng ating lahi .
Walang Sugat
Mga Tauhan Julia Monica, alila ni Julia Mediko ng Batalyon Lucas, utusan ni Tenyong Isang Heneral Pilipino 1 2 3 4 5
Mga Tauhan 4 na Religioso Marcelo, Alkayde Isang Sarhento Padre Teban , Klerigo Isang Heneral Pilipino 6 7 8 9 10
Mga Tauhan Isang Teniente Mga Taong Bayan Mga Kawal Mga Bordadora Mga Bilanggo 11 12 13 14 15
Mga Tauhan Banda ng Musika ng Katipunero Juana, Ina Julia Miguel Tenyong Inggo , Ama ni Tenyong 16 17 18 19 20
Mga Tauhan Tadeo, Ama ni Miguel Putin, Ina ni Tenyong Isang Sakristan 21 22 23
Mga Pangyayaring Naganap sa Una at Ikalawang Bahagi ng Dula
Masayang nagbibiruan sina Tenyong at Julia tungkol sa panyong binurdahan ng dalaga para sa binatang minamahal nang biglang dumating si Lucas , ang utusan ni Tenyong .
Ibinalita nitong nadakip ang ama niyang si Kapitan Inggo dahil napagbintangan itong mason o filibusterong tulisan. Mabilis nilang pinuntahan ang ama kasama ang inang si Putin ngunit sa kasawiang palad ay namatay ito sa bilangguan dahil sa matinding pasakit at palong inabot sa mga Religiosong bantay nito .
Bunga ng pangyayaring ito ay hinikayat ni Tenyong ang mga kalalakihang kumuha ng gulok at magdala ng rebolber at tumungo sa kaparangan . Walang nakapigil sa kanya kahit pa si Julia.
Dumating din at pilit na sumasama ang batang si Pabling sa kaparangan ngunit hindi siya pinayagan ni Tenyong .
Madarama sa kanilang usapan ang matinding pagmamahal at pagnanasang makalaya ang bayan mula sa kamay ng mga mapang -aping Espanyol partikular sa mga Frayle na itinuturong pumatay sa kanyang ama.
Samantala habang magkalayo sina Julia at Tenyong ay dumating naman si Miguel, isang binatang mayaman at nag- iisang anak ni Tadeo na malaki ang pagkagusto kay Julia.
Lingid sa kaalaman ng dalaga’y nakipagkasundo na ang kanyang inang si Juana kay Tadeo para maikasal sila ni Miguel. Wala kasing alam ang ina sa kanilang sumpaan ni Tenyong .
Nang malaman ito ni Julia ay nagpadala siya ng sulat kay Tenyong sa tulong ni Lucas. Sinabi niya sa sulat para kay Tenyong ang pagkamatay ng ina nito at ang pakikipagkasundo ng kanyang inang ipakasal siya kay Miguel.
Humingi siya ng tulong dito upang hindi matuloy ang kanyang kasal at umasang hindi siya pababayaan ng minamahal . Nahanap naman ni Lucas ang kuta nina Tenyong at naibigay ang sulat ngunit hindi na ito nagawang sagutin pa ng binata dahil sa biglang pagsiklab ng labanan .
Mabilis na pinaalis na lamang ni Tenyong si Lucas upang hindi na ito madamay o masaktan sa gayon ay makauwi ito nang ligtas at masabi kay Juliang uuwi na lamang siya sa kanilang bayan ngunit di masabi anng eksaktong araw .