ORYENTASYON NG FILIPINO 10 Literaturang Pandaigdig
KABANATA 1: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYONG MEDITERRANEAN
Mediterranean- mula sa salitang Latin na mediterraneus ibig sabihin ay “inland” o gitna ng kalupaan ( medius , “ gitna at terra, “ lupa ”)
DAGAT MEDITERRANEAN Matatagpuan sa pagitan ng Hilagang Europa, Timog Africa, at Silangang Asya LOKASYON
DAGAT MEDITERRANEAN Dahil sa sukat at gitnang lokasyon , ito ay may 21 mga bansa sa 3 kontinente 1.TIMOG AFRICA - Algeria, E gypt , Libya, Morocco, at Tunisia . 2.SILANGANG ASYA - Cyprus, Israel, Lebanon, at Syria. 3.HILAGANG EUROPA -Albania, Bosnia at He rz egovina , Croatia, France ,Greece, Italy , Malta, Monaco, Slovenia , Spain, at Turkey SUKAT AT LAKI
Mula sa mga bansang ito ay umusbong ang mahuhusay na manunulat na nagbigay-daan sa mayamang panitikang lumaganap hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo . Hindi malilimutan ang koleksiyon ng mga mitolohiyang Griyego na kinagiliwan ng mga mambabasa mula noon hanggang ngayon .
Ang mga akdang isinulat ni Guy de Maupassant, isang tanyag na manunulat na Pranses at itinuturing na isa sa mga ama ng modernong maikling kuwento , ang mga parabula sa Bibliya kung saan ang Israel at ang Egypt ang karaniwang tagpuan , at iba pa.
Kahalagahan ng Rehiyong Mediterranean - Mga sinaunang sibilisayon sa paligid ng rehiyon . - Malawak ang ginagampanan sa ekonomiko at kultural na ugnayan ng mamamayan ng buong rehiyon . Pangunahing ruta ito ng mga manlalakbay sa kalakalan , kolonisasyon , at maging sa digmaan .
MAHAHALAGANG TANONG: Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Rehiyong Mediterranean? Paano makatutulong sa kabataang tulad mo na matutuhan ang uri ng kultura at pamumuhay ng mga mamamayan mula sa mga akdang babasahin mo ?