Aralin 1 TALUMPATI (URIO AT KUMPAS NA GINAGAMIT SA TALUMPATI) - Linggo 1.pptx
ShainaMarieGarcia
89 views
33 slides
Sep 07, 2025
Slide 1 of 33
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
About This Presentation
Aralin 1
Size: 1.77 MB
Language: none
Added: Sep 07, 2025
Slides: 33 pages
Slide Content
TALUMPATI Talumpati ang tawag sa isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng madla . Ang layunin ng isang talumpati ay mapaniwala ang mga nakikinig sa pangangatuwirang ibinibigay ng kaalaman ng nagsasalita o kaya ay humihimok na gawin ang isang bagay ayon sa kaniyang paniniwala at higit sa lahat , mabago ang paniniwala ng mga nakikinig .
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao . Layunin nitong humikayat , tumugon , mangatwiran , magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala . Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig .
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig .
Mga Anyo ng Talumpati Ang panandaliang talumpati ( extemporaneous speech ) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbigay ng sariling pananaw . Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong paligsahan .
Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati . Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa . ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati . Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita .
Maaari ring binabasa , sinasaulo o binabalangkas ang talumpati . Sa binabasang talumpati , inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig .
sinaulong talumpati , inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig .
Mga Uri ng Talumpati Talumpati na Nagpapaliwanag Layunin ng talumpati na magbigay ng impormasyon o paliwanag sa pamamagitan ng pag-uulat at paglalarawan . Simple at direkta ang paglalahad ng impormasyon upang madaling maunawaan ng mga tagapakinig .
Talumpati na Nanghihikayat Layunin nitong makaimpluwensiya sa pag-iisip at kilos ng mga tagapakinig . Nagbibigay ng sapat na mga katibayan upang mahimok ang mga tagapakinig na paniwalaan ang sinasabing idea o pananaw . Kinakailangang maalam ang nagsasalita sa kaniyang pinupunto o sinasabi .
Talumpati ng Pagpapakilala Isinasagawa ito upang ipakilala ang isang panauhin sa isang pagtitipon o gawain batay sa kaniyang mga karanasan at posisyon upang mabigyan ng kaalaman ang mga tagapakinig tungkol sa kaniyang buhay at upang maihanda ang mga tagapakinig sa sasabihin ng magtatalumpati .
Talumpati ng Pagsalubong Madalas itong isinasagawa sa mga programa o okasyon . Ito ang paunang pagbati at pagpapaliwanag sa kahalagahan at layunin ng idinaraos na okasyon bago ito isagawa .
Talumpati ng Pamamaalam Isinasagawa ito sa huling bahagi ng isang programa o okasyon . Laman nito ang mensahe ng pasasalamat sa mga dumalo at panghihikayat sa mga panauhin na pahalagahan ang layunin ng isinagawang programa .
Paano ang Pagsulat ng Mabisang Talumpati ? Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng paksa . Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikapagtatagumpay ng isang pagtatalumpati . Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati ?
Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na layunin : magturo , magpabatid , manghikayat , manlibang , pumuri , pumuna at bumatikos Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan .
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati Paghahanda sa Pagsulat – Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at mga idea para sa sulatin . Dito isinasagawa ang pagpaplano sa paglikha , pagtuklas , pagdedebelop , pagsasaayos at pagsubok sa mga idea.
Aktwal na pagsulat – Sa hakbang na ito isinasalin mga idea sa mga pangungusap at talata . Malayang gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng mga ideya . Maaari ring magdagdag at magbawas ng mga impormasyon o ideya na angkop sa pangunahing paksa o tema ng ginagawang talumpati .
Pagrerebisa at Pag-eedit – Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin , muling pagbasa , muling pag-iisip , muling pagbubuo ng mga kaisipan upang masigurong handa na ang talumpati . Ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman sa organisasyon ng mga idea at sa estruktura ng mga pangungusap at talata .
Mga Bahagi ng Talumpati Panimula – Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig . Kadalasang gumagamit ng anekdota o mga linya / pahayag na panawag-pansin ang nagtatalumpati upang pukawin ang interes ng mga tagapakinig .
Paglalahad – Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati . Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay . Dito rin ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang layunin ng kaniyang talumpati sa mga tagapakinig .
Paninindigan – Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kaniyang mga katuwiran hinggil sa isyu . May layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig .
Pamimitawan / Konklusyon – Sa bahaging ito binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng isang talumpati . Kailangan din magtaglay ito ng masining na pangungusap upang mag- iwan ng kakintalan sa mga tagapakinig .
IBA’T IBANG URI NG KUMPAS 1. Palad na itinataas habang nakataob - nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin . 2. Nakataob na palad at biglang ibababa - nagpapahayag ito ng marahas na damdamin . 3. Palad na bukas at marahang ibinababa - nagpapahiwatig ng mababang uri ng kaisipan o damdamin . 4. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad - nagpapahayag ito ng pagkapoot o galit at pakikipaglaban . 5. Paturong kumpas - ang kumpas na ito ay nagpapakilala ng panduduro , pagkagalit at panghahamak .
6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti unting itinitikom - nagpapahiwatig ng matimping damdamin ang uring ito . 7. Ang palad ay bukas , paharap sa nagsasalita - ito ay pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita . 8. Nakaharap sa madla , nakabukas ang palad - ipinahihiwatig nito ang pagtanggi , pagkabahala at pagkatakot . 9. Kumpas na pahawi o pasaklaw - nagpapahayag ng pagsaklaw ng isang diwa , tao o pook . 10. Marahang pagbababa ng dalawang kamay - ito ay ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas .
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGTATALUMPATI Tinig - Ito ay mahalagang puhunan ng isang mambibigkas . Narito ang buhay ng isang talumpati . Ang paglakas o paghina ng tinig ay dapat na naaayon sa diwa ng talumpati . Ang paglalapat ng tindi o bigat sa tinig ay mahalagang sangkap sa pagbigkas . Kailangan malaman ng isang mambibigkas kung kalian lalakipan ng tindi o bigat ang kanyang tinig .
Tikas o Tindig – Ang katauhan sa tanghalan ng mambibigkas ay agad nakikilala sa kanyang tikas . Ang tikas ay nakikita sa pagtindig , pagkilos at pagkumpas ng isang mambibigkas sa pagtindig , ang bigat ng katawan ay kailangan nakasalalay sa nauunang paa . Kung patag ang tindig , ang bigat ay nasa dalawang paa . Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang katawan . Sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks . Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para makuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig . Ang ganitonng uri ng anyo ay nakapagpapahiwatig na handang-handa ang tagapagsalita .
Panuunan ng Paningin – Ang isang mambibigkas ay nagkakaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan sa kanyang madla , kung alam niya ang pagtutuunan ng kanyang paningin upang maging malawak ang masasaklaw nito . Karaniwan nang ang panuunan ng paningin ng isang mambibigkas ay sa gitna , sa gawing likuran nagsisimula . Kung nais niyang baguhin ang panuunan ng paningin niya , malilipat ito sag awing likuran sa kanan o kaliwa ngunit hindi niya malalaktawan ang gawing gitna .
Pagbigkas – Ang maliwanag na pagbigkas ng mga salita ay isa sa mga dapat isagawa ng mahusay na mambibigkas . Kailangang magkaroon siya ng tatas sa malinaw na pagbibitaw ng salita na naaayon sa pagkakapantig-pantig nito at sa wastong diing taglay ng salitang binibigkas . Bigkasin ng malinaw ang bawat pantig hanggang sa huli . Ang mga dalumpatinig ay dapat bigyang-pansin sa pagbigkas .
Galaw – Ang galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga tagapakinig . Nasasaklaw ng galaw ang mata , ekspresyon ng mukha , tindig , galaw ng ulo at katawan . Lahat ng ito ay nakatutulong sa paghahatid ng mensahe .
Kumpas ng mga kamay - Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa pagbibigay-diin sa sinasabi . Halimbawa , karaniwang itinataas ang hintuturo o braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinion o puntos ng talumati o pananalita . Ginagamit din ang mga kumpas ng kamay para bigyan ng pagtutumbas ang ideya . Halimbawa , kung binabanggit ang dalawang magkaibang katwiran ay maaaring itaas ang kanan at kaliwang kamay sa kumpas sa pagpapatuloy ng diwa , imbis na “umm , saka , bale” ang lumalabas sa tuwing may kailangang alalahanin sa pananalita , ginagamit ang galaw ng kamay bilang di-verbal na komunikasyon . Kailangang tumpak , tiyak , tiyak at maayos ang kumpas ng mga kamay . Ginagamit lamang ito bilang pantulong sa pananalita . Hindi dapat makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita .
Pagkumpas – Ang kumpas ay ginagamit upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang inilalahad nito . Ang mga kumpas ay mahalagang sangkap ng sining ng pagbigkas .
Pagkumpas – Ang kumpas ay ginagamit upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang inilalahad nito . Ang mga kumpas ay mahalagang sangkap ng sining ng pagbigkas .
GAWAIN 1: Panuto : Sumulat ng isang talumpati na may temang , “ Tugon ng mga Kabataaan sa mga Isyu ng Lipunan sa Kasalukuyan ”. Isaalang-alang ang mga pamamaraan sa pagsulat at pagbuo nito . Pamantayan sa Pagmamarka : Nilalaman : 5 PUNTOS Kaisahan ng mensahe : 5 PUNTOS Orihinalidad : 10 puntos KABUUAN: 20 PUNTOS