ARALIN 2: Mga Karapatang Pantao.......

LutherKimManigbas1 11 views 33 slides Sep 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 33
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33

About This Presentation

Sa araling ito, bibigyang-pansin ang
mga karapatang pantao na taglay ng bawat
mamamayan. Tatalakayin din ang bahaging
ginagampanan ng mga karapatang ito
upang maging aktibong mamamayan na
tutugon sa mga isyu at hamon ng lipunan.


Slide Content

ARALIN 2:
Mga Karapatang
Pantao
LUTHER KIM V. MANIGBAS

Sa araling ito, bibigyang-pansin ang
mga karapatang pantao na taglay ng bawat
mamamayan. Tatalakayin din ang bahaging
ginagampanan ng mga karapatang ito
upang maging aktibong mamamayan na
tutugon sa mga isyu at hamon ng lipunan.
Ang paggiit ng mga karapatan ng
mamamayan ay ang esensiya ng lumawak
na pakahulugan ng isang mamamayan.
Binibigyan nito ng kapangyarihan ang
mamamayan para maging aktibong kalahok
sa lipunan.
Panimula

Maraming pagkakataon na nababasa sa
mga pahayagan, naririnig sa radyo, napanonood
sa telebisyon, at napag-uusapan ang paksa
tungkol sa karapatang pantao. Kung bibigyan ka
ng pagkakataong magtanong sa mga taong iyong
masasalubong kung ano ang ibig sabihin ng
karapatang pantao, iba’t ibang sagot ang iyong
makukuha. Ito ay dahil sa iba’t ibang karanasang
humubog sa kanila batay sa kinaaanibang
relihiyon, uri ng kultura at lipunang kanilang
kinabibilangan.
Mga Karapatang Pantao

Taglay ng bawat tao ang mga karapatang
nakabatay sa prinsipyo ng paggalang sa isang
indibiduwal. Lahat ng nabubuhay naindibiduwal ay
may taglay na mga karapatan dahil bawat isa ay
nararapat na tratuhin nang may dignidad. Saklaw ng
tao ang kaniyang mga karapatan sa aspektong sibil,
poltikal, ekonomikal, sosyal, at kultural.
Makikita sa kasunod na diyagram ang
kontekstong historikal ng pag unlad ng konsepto ng
karapatang pantao mula sinaunang panahon
hanggang sa pagkabuo ng Universal Declaration of
Human Rights ng United Nations noong 1948.

539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng
Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng
Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at
ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling
relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantay
pantay ng lahat ng lahi. Nakatala ito sa isang
baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na
“Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito bilang
“world’s first charter of human rights.”
Kasaysayan ng
Karapatang Pangtao

Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa
karapatang pantao ang iba pang sinaunang
kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
Ang mga itinatag na relihiyon at
pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism,
Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism,
Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng
mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan
tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito
sa kaniyang kapwa.

Paglagda sa Magna Carta
Noong 1215, sapilitang lumagda si
John I, Hari ng England, saMagna Carta,
isang dokumentong naglalahad ng ilang
karapatan ng mga taga-England. Ilan sa
mga ito ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang ari-
arian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa
dokumentong ito, nilimitahan ang
kapangyarihan ng hari ng bansa.

Noong 1628 sa England, ipinasa ang
Petition of Right na naglalaman ng mga
karapatan tulad nang hindi pagpataw ng
buwis nang walang pahintulot ng
Parliament, pagbawal sa pagkulong nang
walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara
ng batas militar sa panahon ng kapayapaan.

Noong 1787, inaprubahan ng United
States Congress ang Saligang-batas ng
kanilang bansa.Sa dokumentong ito,
nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad
noong Disyembre 15, 1791. Ito ang nagbigay-
proteksiyon sa mga karapatang pantao ng
lahat ng mamamayan at maging ang iba
pang taong nanirahan sa bansa.

Noong 1789, nagtagumpay ang
French Revolution na wakasan ang
ganap na kapangyarihan ni Haring
Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng
Declaration of the Rights of Man and
of the Citizenna naglalaman ng mga
karapatan ng mamamayan.

Noong 1864, isinagawa ang
pagpupulong ng labing-anim na Europeong
bansa at ilang estado ng United States sa
Geneva, Switzerland. Kinilala ito bilang The
First Geneva Convention na may layuning
isaalang-alang ang pag-alaga sa mga
nasugatan at may sakit na sundalo nang
walang anumang diskriminasyon.

Noong 1948, itinatag ng United Nations
ang Human Rights Commissionsa
pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng
yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng
United States. Sa pamamagitan ng naturang
komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang
dokumentong tinawag na Universal
Declaration of Human Rights.
Universal Declaration of
Human Rights

Mga Organisasyong Nagtataguyod
Sa Karapatang Pantao

Malaki ang bahaging ginagampanan
ng mga organisasyong nagtataguyod sa
mga karapatang pantao. Sa tulong ng mga
mamamayan at ng pamahalaan,
nakaiimpluwensiya ang mga pandaigdigan
at lokal na samahang ito upang magkaroon
ng isang lipunang nagtataguyod ng mga
karapatang pantao.

Karaniwan sa matatagumpay na
pandaigdigang samahang nagtataguyod ng
mga karapatang pantao ay nagmula sa mga
NGO o nongovernmental organization
kung saan pinangungunahan ng mga
karaniwang mamamayan at hindi ng mga
opisyal ng pamahalaan ang mga samahang
ito.

Amnesty International – ito ay isang
pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang
umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto
nito ay “It is better to light a candle than to curse the
darkness.” Pangunahing adhikain nito ang magsagawa
ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng
mga karapatang pantao sa buong daigdig. Gayundin
ang mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng
paglabag sa karapatang pantao. Aktibo Aktibo ang
organisasyong ito sa Pilipinas.

Human Rights Action Center (HRAC) –
Itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang
human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito
ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at
nagsilbing-boses ng mga walang boses at
tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong
daigdig. Nakikipag-ugnayan din ang HRAC sa mga
pinuno ng pandaigdigang sining tulad sa musika,
teatro, pelikula, at maging ng printed material
upang maipalaganap ang kahalagahan ng
karapatang pantao.

Global Rights –Pangunahing layunin ng
pandaigdigang samahang ito na itaguyod at
pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang
gaanong boses sa lipunan at pamahalaan.
Pinalalakas din nito ang mga aktibong kalahok ng
samahan na itala at ilantad ang mga pang-aabuso
sa karapatang pantao at makapagtaguyod ng mga
repormang patungkol sa karapatang pantao at
makapagbigay ng serbisyong-legal.

Asian Human Rights Commission
(AHRC) – Itinatag ito noong 1984 ng mga
tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban
para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin
ng samahang ito ang magkaroon ng higit na
kamalayan tungkol sa karapatang pantao at
pagsasakatuparan nito sa buong Asya.

African Commission on Human
and People’s Rights – Ito ay isang quasi-
judicial body na pinasinayaan noong 1987
sa Ethiopia. Layon nitong proteksiyonan at
itaguyod ang karapatan ng mga tao at
magbigay ng interpretasyon sa African
Charter on Human and People’s Rights.

Sa Pilipinas, ang Commission on
Human Rights (CHR) ang may pangunahing
tungkulin na pangalagaan ang mga
karapatang pantao ng mga mamamayan.
Kinikilala ang CHR bilang “National Human
Rights Institution (NHRI)” ng Pilipinas.
Sanggunian: www.chr.gov.ph. Retrieved
February 14, 2017 Nilikha ito ng Konstitusyon
ng Republika ng Pilipinas alinsunod sa
Seksyon 17 (1) ng Artikulo XIII.

Nagkakaloob ang CHR ng mga
pangunahing programa at serbisyo upang
maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat
Pilipino. Ilan sa mga ito ay pagdodokumento at
pangangasiwa ng mga reklamo tungkol sa
paglabag sa karapatang pantao, pagbigay ng
tulong at serbisyong legal sa mga biktima,
pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at
rehabilitation center kung may kaso ng paglabag
sa karapatang pantao, at pagsasagawa ng mga
forensic at medico-legal service.

Maliban sa CHR, naging aktibo rin
ang ilan sa mga nongovernmental
organization sa pagtaguyod ng mga
karapatang pantao ng mga Pilipino.

Philippine Alliance of Human
Rights Advocates (PAHRA) – itinatag ang
alyansang ito noong 1986 at nilahukan ng
mahigit sa 100 organisasyon mula sa iba’t
ibang bahagi ng bansa. Nilalayon ng
PAHRA na itaguyod, pangalagaan, at
isakatauparan ang tunay na pagkakamit ng
karapatang pangtao.

Philippine Human Rights Information Center
(PhilRights) – isang organisasyon na nakarehistro
sa SEC simula pa noong 1994. Konektado ito sa
United Nations Department of Public Information
(UNDPI) at sa UN Economic and Social Council.
Hangad ng PhilRights na magkaroon ng bansang
may kultura ng pagkaka pantay-pantay ng tao.

KARAPATAN: Alliance for the Advancement
of People’s Rights – ito ay alyansa ng mga
indibidwal, organisasyon, at grupo na itinatag
noong 1995. Itinataguyod at pinangangalagaan nito
ang mga karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan sa
mga programa ng alyansa ang magkaroon ng
mataas na antas ng kamalayan ang mga
mamamayan sa kanilang mga karapatan, maging
aktibo sa pagsuporta sa mga gawaing
magtataguyod sa karapatang panta

Free Legal Assistance Group (FLAG) – ito ay
isang pambansang grupo ng mga human rights
lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga
karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina
Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker
Arroyo. Ilan sa mga adbokasiya ng FLAG ay ang
paglaban sa pag-usig sa mga indibidwal sa
kadahilanang politikal, pang-aabuso ng militar at
kapulisan, at parusang kamatayan.

Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) –
Itinatag ito noong 1974. Sinimulan ito na may adhikaing
matulungan ang mga political prisoner. Nagkakaloob din
ang samahan ng suportang legal, pinansiyal, at moral sa
mga political prisoner at kanilang pamilya.

Gawain 9.Human Rights Declared

Magsaliksik tungkol sa mahahalagang probisyon
ng sumusunod na dokumentong naglalahad ng
mga karapatang pantao. Isulat ang mga
probisyong nakapaloob sa bawat dokumento sa
pangalawang kolum.

Pamprosesong mga Tanong
1.Bakit mahalaga ang mga binanggit na
dokumento sa pag-unlad ng konsepto ng
karapatang pantao?
2.Ano-ano ang pagkakatulad sa nilalaman ng
mga dokumento batay sanabuongtsart?
3.Ano ang iyong nabuong konklusyon
tungkol sa pag-unlad ng karapatang
pantao sa iba’t ibang panahon?

Gawain 10. Connecting Human Rights Then and Now
Pumili ng isang karapatang pantao na nakapaloob
sa alinman sa tinalakay na dokumento. Magbigay ng
halimbawa, situwasiyon o pangyayari sa iyong
komunidad na nagpapatunay na nagaganap o
ipinatutupad ito sa kasalukuyan. Ipakita ang gawaing
ito sa malikhaing paraan. Pagsasalaysay, paggawa ng
tula, awit, poster or vlog.

Thank You!
Tags