1. Anong sitwasyon ang makikita sa larawan? 2. Ano ang kahalagahan ng mga pulong o pagpupulong sa isang pangkat organisasyon? 3. Paano nangyayari sa isang pagpupulong ang mga sumusunod? Magbigay ng partikular na karanasan. A. Paggawa ng mga desisyon, mosyon o boto. B. Pagpaplano ng mga hakbang na kailangang gawin C. Pagtukoy at pagsubaybay ng mga problema at aksyon 4. Paano malalaman at mauunawaan ng mga hindi nakadalo ng pagpupulong ang mga napag-usapan at napagkaisahan sa mismong pulong?
Katitikan ng Pulong
Ito’y isang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon na karaniwang sinusulat ng kalihim. Mga talang napag-usapan sa isang pulong na dapat nairerekord sa isang log book. Kahulugan
Masusing binubuo ang layunin ng pulong . Dito itinatakda ang mga inaasahang makakamit . Isinasagawa ang pulong upang tugunan ang mga sumusunod na layunin : (1) pagpaplano para sa organisasyon ; (2) pagbibigay ng impormasyon ; (3) pagkokonsulta ; (4) paglutas ng problema ; at (5) pagtatasa Kahuluga Pag-oorganisa ng Pulong / Mga Elemento ng Pulong Pagpaplano Pagpaplano
Bawat kasapi ng organisasyon ay may kanya- kanyang gampanin sa paghahanda : Tagapangulo – Sa kanya nagmula ang agenda. Siya ang magdidisenyo kung paano patatakbuhin ang pulong at kung paano tatalakayin ang lahat ng isyu . Paghahanda
Kalihim – kailangan niyang ihanda ang katitikan ng pagpupulong o talaan noong nakaraang pulong at iba pang mga ulat at kasulatan ng organisasyon . Tungkulin niyang ipaalaala ang mga paksa sa agenda upang masiguradong matatalakay lahat. Siya rin ang susulat ng mga imbitasyon kung kinakailangan at hinihingi ng pagkakataon . Paghahanda
Mga kasapi ng pulong – Kailangang pag-aralan nila ang adyenda o mga bagay na pag-uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok . Paghahanda
Sa paanyaya ( maging pasalita o pasulat ), kailangan sabihan ang mga taong dapat dumalo sa pulong : kung kailan ( petsa at oras ), saan ( lugar ng pulong ), at ano ang agenda ( mga bagay na pag - uusapan ) na tatalakayin . TANDAAN
1. Petsa- Ito’y nagtatakda kung kailan magaganap ang pagpupulong. 2. Oras- Ito’y naglalaman ng oras ng pagsisimula at pagtatapos ng isang pagpupulong. 3. Pook- Ito’y naglalaman ng lugar kung saan magaganap ang pulong. 4. Kalahok- Ito’ naglalaman ng mga taong dumalo at di-dumalo sa pagpupulong. 5. Paksa- Nakatala rito ang mga paksang napag-usapan at mga aksyon na naibigay ng mga dumalo sa pagpupulong. Mga Bahagi ng Katitikan ng Pulong
Narito ang mga patakarang itinakda sa pagpupulong : Quorum – bilang ng mga kasapi na kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong . Madalas ito ay 50% +1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong . PROSESO NG PAGSULAT
Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon kung saan tinitiyak na nagkakaisa ang lahat ng mga kasapi sa pulong sa anumang pasya . PROSESO NG PAGSULAT
Pagtatala - Ang kalihim ang maghahanda ng opisyal na tala ng pulong o ng katitikan . Ito ang rekord ng mga desisyon at pinag-uusapan sa pulong . PROSESO NG PAGSULAT
Dapat Isaalang-alang Sa Pagsulat Ng Katitikan Ng Pulong
gamit sa pagsulat ng katitikan ng pulong dahil dahil ito ay mahalagang dokumento . WIKA
– May konsistensi dapat sa estilong gagamitin . Pormal ang estilo dahil pormal din ang paksa at wika ESTILO
Ilagay ang pinakapamagat ng dokumento . Kasunod ang pangalan ng organisasyon o kagawaran na nagpulong , petsa , lugar at oras ng simula at pangwakas ng pulong . Nilalaman
Isulat ang pangalan ng mga dumalo nang paalpabeto , tungkulin / posisiyon sa samahan o kaya’y ayon sa pagpirma sa attendance sheet. Isulat din ang pangalan ng mga liban . Isaayos ang pagkakasunod-sunod ng tinalakay . Kung ano ang naunang tinalakay ito ang unang ilagay sa katitikan . Nilalaman
Ibatay sa adyenda na pinagtibay ng mga dumalo . Isulat ang mga napag-usapang pinagtibay ng mga dumalo , ulat ng mga miyembro , mosyon , patakaran , mungkahi , mga kasunduan o palisi , mga tiyak na impormasyon at iba pa nang ayon sa adyenda sa pagpupulong . Tanda ito ng pananagutan ng kawastuan , kasapatan , at kalinawan ng mga presentasyon ng nilalaman at panlabas na anyo . Nilalaman
Nakatala sa katitikan ng Pulong
Mga Nakatala sa Katitikan ng Pulong I. Paksa ng Pagpupulong II. Petsa ng Pagpupulong III. Oras ng Pagpupulong IV. Pook na Pagdarausan ng Pagpupulong V. Mga Taong Dumalo at Hindi Dumalo sa Pulong VI. Panukalang Adyenda
VII. Call to Order a. Oras ng Pagsisimula b. Panalangin VIII. Roll Call IX. Pagbasa ng Nakaraaang Katitikan ng Pulong X. Pagbasa ng Adyenda
XI. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda XII. Iba pang Napag-usapan XIII. Iskedyul ng Susunod na Pagpupulong XIV. Adjournment o Pagtatapos
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Bago ang Pulong Ihanda ang sarili bilang tagatala Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat . Basahin na ang inihandang adyenda upang madali na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pagpulong . Mangalap ng impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong , sino na ang mga dumating at iba . Maaaring gumamit ng lapis, o bolpen , laptop o tape recorder.
Habang Isinasagawa ang Pagpupulong Magpokus sa pang- unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon at rekomendasyon . Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang mga ito , hindi pagkatapos . Hindi kailangang itala ang bawat salitang marinig sa pulong . Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong , hindi irekord ang bawat sasabihin ng kalahok .
Pagkatapos ng Pulong Repasuhin ang isinulat . Kung may mga bagay na hindi maintindihan , lapitan at tanungin pagkatapos ng pulong ang namamahala rito .