ARALIN 4(2) ABSTRAK - PAGSULAT SA FILIPINO SA LARANGAN NG AKADEMIK.pptx
jdbucayan3009
0 views
17 slides
Oct 07, 2025
Slide 1 of 17
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
About This Presentation
PAGSULAT NG ABSTRAK - MGA HAKBANG AT DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
Size: 29.73 MB
Language: none
Added: Oct 07, 2025
Slides: 17 pages
Slide Content
PAGSULAT SA FILIPINO SA LARANGAN NG AKADEMIK Arellano University - Andres Bonifacio Campus MAGANDANG ARAW! SUBJECT TEACHER G. JOHN DANIEL A. BUCAYAN
BALIK-ARAL
ABSTRAK ARALIN 4:
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin (CS_FA12PU-0d-f-92); LAYUNIN NG ARALIN Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: Nabibigyang halaga ang wastong kasanayan sa pagsulat ng abstrak. Nakagagawa ng abstrak batay sa mga susuriing mga pananaliksik o akademikong sulatin.
PAGSUSURI NG MGA SULATIN PANUTO: Hahatiin ang klase sa iba’t ibang mga grupo. Magpapakita ang guro ng mga halimbawa ng mga abstrak ng mga aktwal na pananaliksik at ito’y kanilang babasahin at susuriing mabuti. Batay sa abstrak na inyong sinuri, tukuyin ang mga pahayag na nagpapakita ng mga sumusunod na elemento o bahagi: LAYUNIN, METODOLOHIYA, RESULTA, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
ABSTRAK #1 Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin kung paano nakaaapekto ang paggamit ng gamified learning applications tulad ng Kahoot at Quizizz sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Physics. Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng quasi-experimental method na may pre-test at post-test sa dalawang grupo: experimental at control. Ipinakita sa resulta na may makabuluhang pagtaas ng scores ang experimental group. Lumabas din sa panayam na mas motivated ang mga mag-aaral kapag interactive at masaya ang paraan ng pagtuturo. Inirerekomenda ang integrasyon ng ganitong apps sa pagtuturo ng mahihirap na konsepto sa agham.
EPEKTO NG GAMIFIED LEARNING APPS SA PAGKATUTO NG PHYSICS SA SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin kung paano nakaaapekto ang paggamit ng gamified learning applications tulad ng Kahoot at Quizizz sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Physics . Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng quasi-experimental method na may pre-test at post-test sa dalawang grupo: experimental at control . Ipinakita sa resulta na may makabuluhang pagtaas ng scores ang experimental group . Lumabas din sa panayam na mas motivated ang mga mag-aaral kapag interactive at masaya ang paraan ng pagtuturo . Inirerekomenda ang integrasyon ng ganitong apps sa pagtuturo ng mahihirap na konsepto sa agham .
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK 3. Buuin gamit ang mga talata ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin . Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito ng kabuuan ng papel. 4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table at iba pa maliban na lamang kung sadyang kailangan.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK 5. Limitahan ang mga salitang gagamitin. Tandaan na ang isang abstrak ay karaniwang binubuo lamang ng 200-250 salita . 6. Basahing mabuti ang abstrak. Suriin kung may nakaligtaaang mahahalagang kasipan na dapat isama. 7. Isulat ang pinal na sipi nito.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA ABSTRAK
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA ABSTRAK Binubuo ng 200-250 na salita . Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na kayang makatayo bilang isang yunit ng impormasyon na madaling intindihin. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel at kumpleto ang mga bahagi. Nauunawan ng target na mambabasa.
MGA ELEMENTO O BAHAGI NG ABSTRAK LAYUNIN: A ng kakayahan ng kombinasyon ng katas ng bayabas (Psidium guajava ) at luya ( Zingiber officinale ) bilang likas na panlaban sa Streptococcus mutans , pangunahing sanhi ng tooth decay . METODOLOHIYA: A gar well diffusion method; Pagsukat ng laki ng inhibition zones sa bacterial culture. RESULTA: Mas malaki ang inhibition zone sa pinagsamang katas kaysa sa alinman sa dalawang sangkap nang paisa- isa. KONGKLUSYON: REKOMENDASYON: PAKSA:
PAGSUSURI SA ANTIBACTERIAL PROPERTIES NG KATAS NG BAYABAS AT LUYA LABAN SA STREPTOCOCCUS MUTANS Tinutukoy ng pananaliksik na ito ang kakayahan ng kombinasyon ng katas ng bayabas (Psidium guajava ) at luya ( Zingiber officinale ) bilang likas na panlaban sa Streptococcus mutans , pangunahing sanhi ng tooth decay . Gamit ang agar well diffusion method, sinukat ang laki ng inhibition zones sa bacterial culture . Batay sa resulta , mas malaki ang inhibition zone sa pinagsamang katas kaysa sa alinman sa dalawang sangkap nang paisa- isa . Ipinapakita ng pag-aaral ang potensyal ng halamang gamot bilang basehan ng natural na mouthwash . Iminumungkahi ang paglinang ng pormulasyong ito para sa dental hygiene .
PAGSULAT NG ABSTRAK (PANGKATANG-GAWAIN) PANUTO: Gagawa ang bawat grupo ng isang abstrak batay sa kopya ng aktwal na pananaliksik o tesis na maitatalaga sa kanila.