Aralin 4 Ang Heograpikal , Morpolohikal , at Ponolohikal na Varayti ng Wika
Layunin ng Talakayan maipaliwanag ang heograpikal , morpolohikal , at ponolohikal na varayti ng wika ; masabi kung ang mga halimbawang pangungusap ay nagpapakita ng varayti ng wika sa heograpiya , morpolohiya , at ponolohiya ; at makapagtala ng mga tiyak na halimbawa ng varayti sa heograpiya , morpolohiya , at ponolohiya partikular sa mga wika sa Pilipinas .
Daloy ng Talakayan Kultura at Wika ; Ang Heograpikal na varayti ng wika ; Ang Morpolohikal na varayti ng wika ; at Ang Ponolohikal na varayti ng wika ;
Bakit sa magkakahiwalay at magkakaibang lugar , ang iisang bagay o konsepto ay nagkakaroon ng magkaibang katawagan ? Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika . Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan , at napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan , hindi maiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama-samang naninirahan sa isang partikular na pulo o lugar . Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin ng wika sapagkat ang kultura ay kabuhol ng wika . Kultura at Wika
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika Ito ay ang pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba’t ibang lugar .
Halimbawa : A ng “ ibon ” sa Filipino ay “ langgam ” naman sa Sinugbuanong Binisaya . Kapag nasa Pampanga ka at naliligaw , at ibig mong magtanong ng direksiyon , “ mangungutang ” ka . Samantala , kung nasa Maynila ka , kapag ibig mong “ mangutang ,” nanghihiram ka ng pera . Ang “ maganda ” sa wikang Filipino ay “ mahusay ” sa Samar . Sa Pangasinan , ang salitang “ oras ” ay “ hugas ” ang ibig sabihin sa Filipino; samantalang may salitang “ oras ” din sa Filipino na panahon naman ang tinutukoy . Ang Heograpikal na Varayti ng Wika
Nangyayari rin na nagkakaroon ng magkaibang kahulugan sa magkahiwalay na lugar na may magkaibang kultura ang isang salita . Ang Heograpikal na Varayti ng Wika
Halimbawa : A ng salitang salvage ay nangangahulugang “ iligtas o isalba ” sa Ingles. Nang hiramin ng Filipino ang salitang ito , kabaligtaran ang naging kahulugan nito , dahil ang salvage ay naging “ pagpatay nang hindi nilitis .” Ang “ baka ” sa wikang Niponggo ay nangangahulugan ng “ bobo ” samantalang sa Filipino , ito ay isang hayop . Ang Heograpikal na Varayti ng Wika
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang katawagan para sa pulis . S aan-saang bansa ito ginagamit ? Pagsusuri sa mga Larawan 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Ang Heograpikal na Varayti ng Wika
Iba pang m ga Halimbawa Mga katawagan sa Tagalog- Maynila Katumbas na salita sa ibang lugar lupa mukha (Pampanga) lupa daga ( Ilokos ) lumiban tumawid (Tagalog- Batangas ) pating kalapati (Iloilo) hilom tahimik (Cebu) doon dito (Antique) iyo oo ( Bikol ) Ang Heograpikal na Varayti ng Wika
Ang Morpolohikal na Varayti ng Wika . Ito ay a ng pagkakaiba- iba sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi . Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang lugar , nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito .
Halimbawa Tagalog- Maynila kumain Tagalog- Batangas ( iba pang lalawigang Tagalog) nakain Camarines Sur makakan Legaspi City magkakan Aklan makaon Tausug kumaun Bisaya mangaon Pampanga mangan Ang Morpolohikal na Varayti ng Wika .
Bilang pangkalahatang tuntunin , masasabing nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ang salita batay sa panlaping ginamit . Halimbawa : Salitang ugat : bili Panlapi : - um- Nabuong salita : bumili ( sa Ingles, to buy ) Salitang ugat : bili Panlapi : mag - Nabuong salita : magbili ( sa Ingles, to sell ) May mga pagkakataon naman na kahit magkaibang panlapi ang ginamit , hindi pa rin nagbabago ang kahulugan ng salita . Tingnan natin ang mga panlaping I- ( unlapi ) at –IN ( hulapi ). Pareho lamang ang kahulugan ng mga sumusunod na salita : iluto lutuin iihaw ihawin iinit initin igisa gisahin Ang Morpolohikal na Varayti ng Wika .
Kasama sa mga varayti ng isang wika ang ispeling o baybay ng salita . Ang Morpolohikal na Varayti ng Wika .
Ang Ponolohiya na Varayti ng Wika Ito a ng pagkakaiba- iba sa bigkas at tunog ng mga salita . Sa paglikha ng kani-kaniyang wika , hindi maiwasang malikha rin ang magkakaibang tunog at bigkas sa mga salita . Nagkakaroon ng kani-kaniyang dialectal accent ang bawat lugar .
Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay hindi ekslusibo sa mga wika sa Pilipinas . Nangyayari rin ang mga ganitong pagkakaiba sa bigkas at tunog sa mga wika sa daigdig . Narito ang ilang halimbawa : often – / o-fen / vs . / of-ten/ organization – / or- ga - ni-za-tion / vs. /or- ga -nay- zey - tion / Adidas – / A-di-das/ ( mabagal ) vs. /Adidas/ ( mabilis ) Nike – / Nayk / vs. /Nay- ki / accurate – / a- kyu - reyt / vs. /a- kyu - rit / away – / a- wey / vs. /a-way/ today – / tu-dey / vs. / tu -day/ aluminum – / a- lu -mi- num / vs. /a- lu -min- nyum / Porsche – / Por-sha / vs. / Porsh / centennial – / sen -ten- yal / vs. /sin-tin- yal / millennium – / me- len - nyum / vs. /mi- lin - nyum / Ang Ponolohiya na Varayti ng Wika
Sa heograpikal na varayti , nasa katawagan at kahulugan ng salita ang pagkakaiba . Sa morpolohikal na varayti , ang pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa taglay na kahulugan nito . Samantala , sa ponolohika l na varayti , nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba . Tandaan