Epiko at Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari ARALIN 4
EPIKO
Epiko Isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga pangyayari ay pawang kababalaghan at di- kapani - paniwala . Isa itong salaysay sa layong patula o kuwento na punumpuno ng kagila-gilalas na mga pangyayaring kasasalaminan ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito na maipagmamalaki .
Mga Halimbawa ng Epiko sa Pilipinas Labaw Donggon ( Epiko ng Bisaya ) Ibalon ( Epiko ng Bicol) Biag ni Lam- ang ( Epiko ng Ilokano ) Bantugan ( Epiko ng Mindanao) Indarapatra at Sulayma n ( Epiko ng Maguindanao ) Humadapnon ( Epiko ng Panay) Bidasari ( Epiko ng Mindanao) Darangan ( Epiko ng Maranao )
HINUHA
Hinuha Isang kasanayan ang pagbibigay ng hinuha na nagpapakita ng talas at bilis ng pag-iisip sa pagmamasaid , pag-unawa ay pagbibigay-kahulugan sa mga pangyayaring nakasaad sa akda . Sa pagbibigay ng hinuha malaya mong maipapahayag ang saloobin o opinyon batay sa iyong sariling basehan , kaalaman at karanasan . Ang hinuha ay sariling ideya o isipan . Walang maaaring magsabi na ito ay mali dahil ito ay sariling sapantaha .
SANHI AT BUNGA NG MGA PANGYAYARI
Sanhi at Bunga Sa pagbibigay ng sanhi , tinutukoy natin ang dahilan ng isang bagay o pangyayari . Sa pagbibigay naman ng bunga , tinutukoy natin ang epekto o ang kinalabasan ng bagay o pangyayari . Naipapahayag ang sanhi at bunga sa pamamagitan ng paggamit ng mga hudyat .
Hudyat ng Sanhi at Bunga Ang mga sumusunod ay ang mga hudyat o tinatawag din natin na pangatnig upang maipahayag ang sanhi gayundin ang bunga ng pangyayari : Dahil Sapagkat Kasi Kaya Kung Habang Ngunit Palibhasa Dangan