DULA Isang uri ng Panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo . Pinakalayunin nitong maitanghal sa isang tanghalan o entablado .
Matutunan at mauunawaan ng isang manunuri ang dula sa pamamagitan ng panonood .
DULA Kalimitang hango sa totoong buhay maliban na lamang sa ilang likha ng malikhain at malayang kaisipan .
Sangkap ng Dula Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinasaad sa dula .
Sangkap ng Dula 2. Tauhan – Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula ; sa kanila umiikot ang mga pangyayari .
Sangkap ng Dula 2. Tauhan – Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula ; sa kanila umiikot ang mga pangyayari .
Sangkap ng Dula 4. Saglit na Kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng tauhan sa suliraning nararanasan . 5. Tunggalian – paglalabang nagaganap sa dula 6. Kasukdulan – Climax sa Ingles; sa bahaging ito pinakamatindi ang damdamin at tunggalian . 7. Kakalasan - Unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin .
Elemento ng Dula Iskrip – pinakakaluluwa ng dula;walang dula na walan iskrip 2. Aktor – o gumaganap ang nagsasabuhay sa tauhan sa iskrip ; sila ang bumibigkas ng dayalogo .
Elemento ng Dula 3. Tanghalan – Anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula .
Elemento ng Dula 4. Direktor – o tagadirehe , siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip
5. Eksena at tagpo Eksena – ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan Tagpo – ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula
6. Manonood – Hindi maituturing na dula ang isang dula kung walang manonood .