Ang Wika at ang Lipunan Tulad ng ating paghinga at paglakad , kadalasan ay hindi na natin napapansin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay . Ayon kay Durkheim (1985) isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook . Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan . Tinukoy ng lingguwistang si W.P Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang Language and Social Behavior (1972). Ito ay ang mga sumusunod :
(1) Pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao , panlipunang pagkakakilanlan , at ugnayan ; (2) Pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan . Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba’t ibang gamit ang wika .
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at layunin . Maaari itong gamitin upang magtakda ng isang kautusan , magpalaganap ng kaalaman , kumumbinse ng kapwa na gawin o paniwalaan ang isang bagay , bumuo at sumira ng relasyon , kumalinga sa mga nahihirapan at nasisiphayo , at sa marami pang kaparaanan . Ayon nga sa Australyanong linggwista na si M.A.K. Halliday, may iba’t ibang gamit ang wika .
Pitong (7) Gamit ng Wika at mga halimbawa nito : 1. INSTRUMENTAL - gamit ng wika ay nakatuon sa pagpapahayag ng pangangailangan ng tao , tulad ng anumang kahilingan kaugnay ng pagkain , inumin at iba pa. Halimbawa : “Gusto ko ng gatas .”
2. REGULATORI O REGULATORYO - nakapokus sa paggamit ng wika sa pagbibigay ng utos o pagbibigay ng gabay sa posibleng gagawin ng ibang tao . Halimbawa : “ Ilipat n’yo ang channel ng TV.”
3. INTERAKSYONAL - gamit ng wika ay nagbibigay-pansin sa pagpapahayag kaugnay ng pagbuo ng ugnayan o relasyon , o anumang gawain ng pakikisalamuha sa ibang tao . Halimbawa : “Share tayo sa chocolate.”
4. PERSONAL - gamit ng wika ay tumutukoy naman sa pagpapahayag ng damdamin , opinion, at indibidwal na identidad . Halimbawa : “ Mabait ako .”
5. HEURISTIKO - ang pagpapahayag ay nakatuon sa pagkalap ng impormasyon o kaalaman tungkol sa kapaligiran ng nagsasalita . Halimbawa : “ Paano ginagawa ang ice cream?”
6. IMAHINATIBO - ito ay may kaugnayan sa pagpapahayag ng kwento at joke, at sa paglikha ng kapaligirang imaginary ( kathang-isip ). Halimbawa : “ Parang bulsa ni Doreamon ang wallet ni daddy.”
7. REPRESENTASYON O REPRESENTATIBO - tumutukoy sa pagpapahayag ng datos at impormasyon . Halimbawa : “ Nagpunta sa palengke si tatay .” Kapansin-pansin sa paliwanag ni Halliday na ang mga halimbawang ginamit ay pawang angkop sa sitwasyon ng mga bata ay unti-unting umuunlad .
Si Jakobson (2003) naman ay nagbabahagi rin ng anim na paggamit ng wika : 1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE) Saklaw nito ang pagpapahayag ng saloobin , damdamin , at emosyon .
2. PANGHIHIKAYAT (CONATIVE) Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap .
3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (PHATIC) Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan .
4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERENTIAL) Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maparating ng mensahe at impormasyon .
5. PAGGAMIT NG KURO-KURO (METALINGUAL) Gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas .
Gawain 1 Sagutan ang mga sumusunod na katanungan . Kailangang ito’y binubuo ng tatlo hanggang limang pangungusap . 1. Bakit kailangang maunawaan ang bawat salitang binibigkas sa tuwing nakikipag-usap ? 2. Ilarawan ang epekto ng wika sa lipunan . 3. Ano ang gampanin ng emosyon sa pagbabahagi ng nararamdaman o opinyon ? 4. Bilang isang Pilipino, paano mo mas mapapayabong ang iyong wikang kinagisnan kung nakatira ka sa ibang bansa ?
Gawain 2 Sagutan ang mga sumusunod na katanungan . Kailangang ito’y binubuo ng tatlo hanggang limang pangungusap . 1. Paano nakakaapekto ang kultura sa komunikasyon ? Patunayan ang sagot . 2. Ano ang kahalagahan ng kakayahang pangkomunikatibo ? 3. Paano nakakatulong ang di berbal na komunikasyon sa pang- araw - araw na pakikipagtalastasan ng tao ? 4. Ano ang sinisimbolo ng berbal na komunikasyon ? Ipaliwanag ang sagot .