Aralin 5 Ang Conative , Informative , at Labeling na Gamit ng Wika
Layunin ng Talakayan mabigyang -kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika na conative , informative , at labeling ; mailahad ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na conative , informative , at labeling ; makabuo ng mga pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika na conative , informative , at labeling ; at makasulat ng sanaysay tungkol sa naobserbahang gamit ng wika sa pagbabalita sa telebisyon .
Daloy ng Talakayan Ang Conative na gamit ng wika ; Ang Informative na gamit ng wika ; at Ang Labeling na gamit ng wika .
Suriin ang Larawan Ano ang ibig sabihin ng “ bawal tumawid ?” Ano ang ipinahahatid ng pahayag na “ may namatay na dito ”? Ano ang gamit ng wika sa pahayag na “ Bawal tumawid may namatay na dito ”?
Ang Conative na Gamit ng Wika Sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos , conative ang gamit natin ng wika . Nakikita rin ang conative na gamit ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat , may gusto tayong mangyari , o gusto nating pakilusin ang isang tao .
Halimbawa Bawal Tumawid May Namatay Na Dito Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota ! Ano pang hahanapin mo ? Dito ka na ! Bili na ! Magtulungan po tayo para sa pag -unlad ng ating bayan . Ang Conative na Gamit ng Wika
Ang Informative na Gamit ng Wika Sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao , nagbibigay ng mga datos at kaalaman , at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin , informative ang gamit natin ng wika .
Halimbawa Bagong Bayani ni Dolores R. Taylan Sa kabila ng hindi magandang mga balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang maraming Pilipino sa pangingibayang-bayan upang magtrabaho . Bakit nga ba napipilitang umalis angmga Pilipino sa Pilipinas ? Ano ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan at magpasyang sa ibang lupain na lamang magtrabaho at mag - alay ng kanyang lakas , galing , at talino ? Sa tanong na ito , marami kaagad ang mga susulpot na kasagutan . Pinakakaraniwan nang maririnig ang sagot na para maghanap ng mas magandang kapalaran o “greener pasture.” Marami ang nagsasabi na para kumita ng dolyar , mapag-aral ang mga anak , makapagpatayo ng sariling bahay , makabili ng sasakyan , makaipon ng perang pangnegosyo , at iba pa. Kung susumahin ang mga pahayag na ito , halos lahat ay patungo sa iisang dahilan lamang — ang paghahanap ng mas mabuting oportunidad sa trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya . Kahirapan ang pinakakaraniwang dahilan ng aksiyon ng mga Pilipino, lalo nang kababaihan , na lisanin ang Pilipinas at iwan ang pamilya para maghanapbuhay sa ibang bansa . Ang Informative na Gamit ng Wika
Subalit , ano ang karaniwang kinahihinatnan ng mga Pilipino pagsapit nila sa bansang kanilang nakatakdang pagtrabahuhan ? Lahat ba ng kanilang pangarap para sa kanilang pamilya ay nabibigyang-katuparan ? Gumaganda nga ba ang buhay ng mga OFW pati na ng kanilang pamilya dahil sa kanilang pangingibang-bayan ? Bagama’t hindi maikakailang may mga Pilipinong nagtatagumpay at nakakamit ang katuparan ng mga pangarap sa labas ng bansa , malungkot isiping mataas ang bilang ng mga Pilipinong ang kinauuwian ay ang kabaligtaran ng lahat ng kanilang pinapangarap at inasahan . Gayunman , sinisikap naman ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na magkaroon ng hanapbuhay sa Pilipinas upang hindi na mangibang-bayan pa ang maraming Pilipino. Sa pagdalaw ng pangulo sa iba’t ibang bayan , iniimbita niya ang mga mangangalakal na magtayo ng negosyo sa Pilipinas upang makadagdag sa trabaho ng mga Pilipino sa bansa . Sinisikap din ng pamahalaan na matugunan ang pangangailangan ng mga OFW lalo na yaong hindi maganda ang sinapit na kapalaran . Hindi sila pinababayaan sapagkat sila ang mga bagong bayani ng ating bayan . Ang Informative na Gamit ng Wika
Ang Labeling na Gamit ng Wika Labeling ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay . Madalas , nagbibigay tayo ng bagong pangalan , tawag , o bansag sa mga tao , batay sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila . Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin — ang kanilang ugali , pisikal na anyo , trabaho , hilig , gawi , at iba pa. Ang pagsusuri natin sa kanila ang nagbibigay-daan para bansagan o bigyan natin sila ng label o ng katawagan .
Halimbawa King of Comedy pasaway bagong bayani terror Jejemon Fallen 44 pambansang kamao walking calculator fashionista Queen of all Media jologs Asia’s Song Bird Jack of all Trades PNoy Iskolar ng Bayan Lasalista Ang Labeling na Gamit ng Wika
Maging magalang tayo sa gamit na conative kung nag- uutos tayo . Tiyakin nating tama at totoo ang gamit natin ng informative kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at impormasyon . Higit sa lahat , iwasan natin ang pagbibigay ng negatibong bansag o label sa ating kapuwa na maaaring makasakit ng damdamin . Tandaan