ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH_122555.pptx

MaebelLeeYhanCalugda 2 views 71 slides Sep 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 71
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71

About This Presentation

Ap


Slide Content

Aralin 5 ANG DISASTER MANAGEMENT AT ANG DALAWANG APPROACH SA PAGTUGON SA MGA HAMONG PANGKAPALIGIRAN

BALIK-ARAL Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura at pagsira sa kalikasan. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning pangkapaligiran.

Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran na ating nararanasan? Ito ba ay tungkulin ng pamahalaan o ng mamamayan? Sa araling ito ay pagtutuunan ng pansin ang disaster management at ang dalawang approach na ginagamit sa pagbuo ng disaster management. PANIMULA

SANDALING ISIPIN! Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong lugar, alam mo ba iyong gagawin, saang ligtas na lugar ka maaaring lumikas at kung kanino ka hihingi ng tulong?

Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Disaster Management

Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Disaster Management

MGA KONSEPTO UKOL SA DISASTER MANAGEMENT (Disaster Risk Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama, 2008)

Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan HAZARD

Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao tulad ng maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard Natural Hazard

ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon DISASTER o KALAMIDAD

Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan, tsunami, storm surge o gawa ng tao tulad ng digmaan, polusyon, pagbaha at sunog. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. DISASTER o KALAMIDAD

20 hanggang 26 ng bagyo ang pumapasok sa PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon–taon. Ito ay binabantayan at pinag-aaralan ng PAG-ASA. DISASTER o KALAMIDAD

Tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales. VULNERABILITY

Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad. RISK

Ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad. RESILIENCE

Ito ay mga kilos o hakbang na naglalayong bawasan ang mga elementong nakapagpapalala sa negatibong epekto ng sakuna . MITIGATION

Ito ay mga kilos o hakbang na ginagawa upang maaangkop ang mga tao sa mga negatibong epekto ng sakuna. ADAPTATION

Gawain 1: Situational Analysis

Gawain 2: BULAGAAN 2018 Ang apat na pangkat ay isasagawa ang gawaing bulagaan gamit ang mga konseptong nasa ibaba. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng marka gamit ang rubrik na nasa ibaba: G1 – Hazard G2 – Disaster G3 – RISK G4 - RESILIENCE Kooperasyon – 10 Kaangkupan sa paksa- 5 Impak – 5 KABUUAN – 20 puntos

PAGLALAHAT Nakapaloob sa Disaster Management ang proseso, pagpaplano, pag-ooranisa, pagtukoy ng mga kasapi , pamumuno at pagkontrol. Ang mga batayang konsepto tungkol sa disaster management ay napakahalaga na maunawaan upang maihanda ang sarili, pamilya, komunidad at bansa sa pagharap sa kalamidad at sa huli ay mabawasan ang pinsalang maaaring idulot nito.

Sa inyong tahanan, paano mo at ng iyong pamilya inoorganisa at pinaplano ang pagharap sa isang kalamidad? Nakikibahagi ba ang iyong pamilya sa pagpaplano ng inyong komunidad upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng kalamidad? Ipaliwanag. PAGPAPAHALAGA

1. Mahalagang maging palaging handa sa pagharap sa kalamidad. Sa pigiging handa, nababawasan ang pinsalang maaaring idulot ng isang kalamidad. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng Disaster Management. Ang Disaster Management ay tumutukoy sa mga sumusunod maliban sa: A. Kabilang dito ang mga mamamayan at mga pribado at pampublikong sektor B. Isang proseso ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi at pagkontrol C. Mga gawain upang lubusang makabangon mula sa kalamidad ang mga tao sa isang lugar D. Aktibong proseso ng paglutas sa mga suliraning pangkapaligiran upang maiwasan ang pagkakaroon ng kalamidad PAGTATAYA

2. Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng ibat’-ibang termino sa pag-aaral ng disaster management. Ilan sa mga termino/konseptong kauganay nito ay Hazard, Anthropogenic Hazard, Natural Hazard at Disaster. Ang Anthropogenic Hazard ay isang uri ng Hazard na tumutukoy sa __________. A. Mga hazard na dulot ng kalikasan B. Mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao C. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao D. Mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. PAGTATAYA

3. Walang sinuman ang nakaalam kung kalian maaaring tumama ang isang kalamidad. Gayunpaman, maaaring mabawasan ang pinsalang maidudulot nito kung ang bawat isa at bawat pamayanan ay magkakaroon ng sapat na kakayahan at kaalaman sa pagharap sa kalamidad. Anong konseptong kaugnay ng Disaster Management ang inilalarawan? A. Risk B. Hazard C. Vulnerability D. Resilience PAGTATAYA

4. Ang ating bansa ay nakararanas ng iba’t ibang kalamidad. May mga kalamidad na bunga ng pang-aabuso ng tao at meron ding dulot ng kalikasan. Ilan sa mga ito ay ang bagyo, lindol, storm surge, at landslide. Ang mga nabanggit na kalamidad ay mga halimbawa ng anong uri ng hazard? A. Natural hazard B. Unusual Hazard C. Anthropogenic hazard D. Human-Induced Hazard PAGTATAYA

5. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad. Ito ay maaaring human risk or structural risk. Ang risk ay tumutukoy sa _______________. A. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. B. Inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. C. Inaasahang kalamidad na mararanasan ng isang lugar dahil sa kalagayang heograpikal nito D. Resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. PAGTATAYA

Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna, subalit maaring paghandaan ang mga epekto. Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para sa sakuna ay “ DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT “ O DRRM Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal, pambansa, rehiyunal at pandaigdigang saklaw. PANIMULA

SANDALING ISIPIN! Tuwing may malakas na pag-ulan sa inyong lugar o barangay, nakaririnig ka ba ng iba’t ibang ingay o signal. Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Kanino ka hihingi ng tulong kung maririnig mo ang mga signal na ito.

Kasama sa mga naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na may dalawang pangunahing layunin: PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT OF 2010

(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad (2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard. PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT OF 2010

Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan na ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, NGOs, at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM). PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT OF 2010

Ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian (Abarquez at Zubair, 2004) COMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT

Napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan na siyang may pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard at kalamidad. Subalit, higit itong magiging matagumpay kung aktibo ring makikilahok ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng mga hazard at kalamidad. COMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT

Pinakamahalagang layunin ng PDRRM Framework ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan. Ibig sabihin, ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran. Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisasagawa ang CBDRM Approach. BAKIT MAHALAGA ANG CBDRM APPROACH?

GAWAIN 3: PLUS OR MINUS

GAWAIN 4: PAMPHLET Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang pamphlet na nagpapakita ng konsepto at mga bagay na dapat isa-alang-alang bago, tuwing at pagkatapos ng kalamidad gamit ang DRRM Manual. Maaring pumili ang mga mag-aaral mula sa mga uri ng kalamidad na makikita sa susunod na slide. Ang gawain ay bibigyan ng marka gamit ang rubric na nasa ibaba: 1. Kawastuhan - 7 2. Nilalaman - 6 3. Organisasyon - 4 4. Pagkamalikhain – 3 KABUUAN: 20

GAWAIN 4: PAMPHLET Bagyo (Typhoon) Tornado Thunderstorm Pagbaha (Flood) Storm Surge Landslide Global Warming Lindol (Earthquake) Extreme Climatic Variabilities Heat Wave Tsunami Volcanic Eruption Sunog (Fire) Vehicular-related Accident Chemical Spill Electrical Blackout Water Pollution Bomb Threat

PAGLALAHAT Ang PDRRMF ay naitatag upang magbigay diin sa pagiging handa ng bansa at komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Samantalang ang CBDRMA ay tumutukoy sa direktang partisipasyon ng mga mamamayan at lahat ng sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang disaster management plan.

May kaalaman ka ba sa plano ng inyong komunidad sa pagharap nito sa isang kalamidad? Ilahad ang mga ito. PAGPAPAHALAGA

1. Mahalaga ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan. Dahil ditto, naitatag ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF). Ilan sa mga layunin at binibigyang diin sa pagkakatatag nito ay ang mga sumusunod maliban sa ____________. A. Ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan. B. Paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao sa isang partikular na komunidad. C. Ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng isang kalamidad. D. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad kundi maging sa pagpaplano at paghahanda. PAGTATAYA

2. Sa pagharap sa kalamidad, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan na naninirahan sa komunidad. Dahil dito, naitatag ang Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM). Ito ay tumutukoy sa mga sumusunod maliban sa ___________. A. Binibigyang kahalagahan ang partisipasyon ng mamamayan at ng lahat ng sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang disaster management plan. B. Dinamikong proseso kung saan pinangungunahan ito ng pamahalaan sapagkat sa kanila nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging disaster-resilient ang buong bansa. C. Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. D. Ang Disaster Management plan ay produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, Non-governmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. PAGTATAYA

3. Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan. Ano ang ibig sabihin nito? A. Ang lahat ng pagpaplano at paghahanda sa pagharap sa kalamidad ay may layuning mabigyang pansin ang gampanin ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pinsalang maaaring idulot ng kalamidad. B. Ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran. C. Ang mga paghahanda bago, habang at pagkatapos ng kalamidad ay dapat na isinasagawa ng bawat miyembro ng lipunan. D. Ang isang disaster-resilient na pamayanan ay isang pamayanan na hindi makararanas ng anumang kalamidad dahil sa pagtutulungan ng pamayanan at ng pamahalaan sa pagtukoy at paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran. PAGTATAYA

4. Ang Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM) Approach ay isinusulong na gamitin sa bawat pamayanan dahil sa mga kabutihang dulot nito. Ang mga sumusunod ay kabutihang dulot ng paggamit ng Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM) Approach maliban sa ________________________. A. Mas matutugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan at ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad ay hindi mapababayaan. B. Nabibigyang pansin ang karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang komunidad. C. Mas magiging epektibo ang pagpaplano at paghahanda sapagkat mga eksperto sa pamahalaan ang mangunguna rito. D. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan. PAGTATAYA

5. Ang paggamit ng Top-Down Approach ay kinakitaan ng mga hindi magandang epekto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hindi mabuting dulot ng paggamit ng Top-Down Approach maliban sa _________________. A. Hindi nabibigyang pansin ng top-down approach ang karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang komunidad. B. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano. C. Hindi lahat ng mamamayan sa komunidad ay aktibong nakikilahok sa mga paghahanda at pagpaplano na isinasagawa para maging disaster-resilient ang isang komunidad. D. Hindi nagkakasundo ang pambansang pamahalaan at ng lokal na pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. PAGTATAYA

Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisasagawa ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach. Pero sino nga ba talaga ng kinakailangang manguna sa pagpaplano at paghahanda hinggil dito; ang pamahalaan nga ba o ang mga tao PANIMULA

SANDALING ISIPIN! Sa inyong palagay, sino kaya ang dapat na manguna sa pagpaplano at paghahanda sa pagdating ng isang kalamidad: ang mga tao o ang pamahalaan? Bakit?

ARTICLE ANALYSIS Basahin at suriin ang artikulo na hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay at sagutan ang mga pamprosesong katanungan sa susunod na slide.

ARTICLE ANALYSIS

ARTICLE ANALYSIS

ARTICLE ANALYSIS

ARTICLE ANALYSIS 1. Anong aral ang maaring matutunan sa karanasan ng paghahanda sa Albay? Ipaliwanag. 2. Anong approach kaya ang ginagamit ng Albay sa kanilang paghahanda sa kalamidad? 3. Masasabi mo bang tugma ang approach na ginamit ng Albay sa kanilang lugar sa pagharap sa kalamidad? Ipaliwanag.

TOP-DOWN APPROACH Ito ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Halimbawa, kung ang isang barangay ay nakaranas ng kalamidad, ito ay aasa lamang sa tugon ng Pambayan o Panlungsod na Pamahalaan.

TOP-DOWN APPROACH Binigyang-diin nina Shesh at Zubair (2006) na hindi natutugunan nito ang mga pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.

TOP-DOWN APPROACH Isa pang suliranin ng top-down approach ay may mga pagkakataon nahindi nagkakasundo ang Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

BOTTOM-UP APPROACH Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.

KATANGIAN NG BOTTOM-UP APPROACH Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad Nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan. Malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon

KATANGIAN NG BOTTOM-UP APPROACH Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.

GAWAIN 5: ARTICLE ANALYSIS Ang mga mag-aaral ay babasahin at susuriin ang artikulong Lacson blames DBM for ‘Yolanda’ failings. Matapos nito ay sasagutan ng mga mag-aaral ang mga pamprosesong katanungan: Ano sa tingin niyo ang naging pagkukulang ng pamahalaan ayon sa artikulong binasa? May katwiran kaya ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson?

GAWAIN 6: SWOT ANALYSIS (TOP-DOWN APPROACH) Ang apat na pangkat ay bubuo ng SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities at Threats) Analysis ng Top Down Approach. Ito ay iuulat sa harap ng klase.

GAWAIN 7: SWOT ANALYSIS (BOTTOM-UP APPROACH) Ang apat na pangkat ay bubuo ng SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities at Threats) Analysis ng Bottom-Up Approach. Ito ay iuulat sa harap ng klase.

GAWAIN 8: PROCESS FRAMEWORK Ang apat na pangkat ay susuriin ang panukalang Process Framework nina Mercer at Gaillard (2010) sa pagsasanib ng dalawang approach sa pagbuo ng DRRM plan at ipapaliwanag sa harap ng klase: Unang Pangkat – Step 1 Ikalawang Pangkat – Step 2 Ikatlong Pangkat - Step 3 Ikaapat na Pangkat – Step 4

GAWAIN 8: PROCESS FRAMEWORK

PAGLALAHAT Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa sistemang ipatutupad ng disaster risk management. Hindi din kailangang kalimutan ang pananaw at karanasan ng mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management. Mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach upang mas maging matagumpay ang paghahanda at mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng kalamidad.

Paano makakatulong ang inyong pamilya sakaling gamitin ang top-down approach sa inyong pamayanan? Paano makakatulong ang inyong pamilya sakaling gamitin ang bottom-up approach sa inyong pamayanan? PAGPAPAHALAGA

1. Sa pagpaplano ng epektibong Disaster Risk Management, mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach: ang bottom-up at top-down. Bakit kaya mahalagang magamit ang dalawang approach? A. Dapat na unahin at huwag kalimutan ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management. B. Mahalagang magamit ang dalawang approach para mapunan ang kahinaan ng bawat isa at magdudulot ng matagumpay na Disaster Risk Management. C. Pinakamahalaga sa lahat ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad ng disaster risk management. D. Ang pagsasaalang-alang ng pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan at ng mga mamamayan ay maaaring magdulot ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad. PAGTATAYA

2. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay kasapi sa proyektong “Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR – SEA) Phase 4 (2008). Layunin ng programang ito na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Management Plan. Bakit kaya mahalaga ang nasabing proyekto? A. Masisiguro na ang mabubuong disaster management plan ay nakabatay sa kaalaman at kakayahanan ng mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa. B. Mas matutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga mamamayan at magagamit nang maayos ang mga tulong pinansyal mula sa iba’t ibang sektor. C. Mas magiging epektibo ang plano na binuo kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan at pambansang pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. D. Mabibigyan ng sapat na kaalaman at mahahasa ang kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan. PAGTATAYA

3. Marami ang nagsasabi na pinakamabuting gamitin ang pagsasanib ng dalawang approach: ang bottom-up at top-down para sa mas matagumpay na Disaster Risk Management Plan. Ano kaya ang posibleng mangyari kung isa lang sa dalawang approach ang gagamitin? A. Magiging matagumpay pa rin ang Disaster Risk Management Plan dahil sa epektibong pagsasagawa nito. B. Maaaring hindi lubusang maging matagumpay ang Disaster Risk Management Plan dahil sa ang bawat approach ay may mga kahinaan. C. Maaaring maging mabagal ang pagtugon sa pinsalang dulot ng isang kalamidad dahil sa hindi pagkakasundo ng pambansa at lokal na pamahalaan. D. Patuloy na magiging maayos ang Disaster Risk Management Plan dahil sa ang bawat approach ay mula sa kaalaman ng mga eksperto at ipatutupad ng mga eksperto. PAGTATAYA

4. Sa kabila ng kabutihang dulot ng paggamit ng mga kalakasan ng pinagsanib na Top-Down at Bottom-Up Approach, nagdesisyon pa rin si Panfilo Lacson na gamitin ang “bottom-up approach” sa pagtugon sa pinsalang dulot ng bagyong Yolanda. Ano kaya ang naging dahilan ni Panfilo Lacson sa paggamit niya ng Bottom-Up Approach? A. Mas maiiwasan ang katiwalian sa pambansang pamahalaan B. Mas mabilis na makababangon ang mga tao mula sa bagyong Yolanda C. Mas mapadadali ang kanyang trabaho para sa rehabilitasyon ng nasalantang lugar D. Mas magiging makabuluhan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan (Evaluation) PAGTATAYA

5. Malinaw na pinakamagandang gamitin ang pinagsanib na Top-Down at Bottom-Up Approach. Nakabubuting gamitin ang kanilang kalakasan sa pagtugon sa Disaster Risk Management. Ano kaya ang posibleng masamang dulot ng paggamit ng pinagsanib na approach? A. Posibleng walang kalidad ang tulong na maibibigay sapagkat hindi ito ginawa ng mga eksperto. B. Posibleng magkaroon ng katiwalian sa mga pinunong nangunguna sa Disaster Risk Management Plan. C. Maaaring hindi magkasundo ang pambansa at lokal na pinuno sa pagbuo ng Disaster Risk Management Plan. D. Maaaring mas maging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan dahil sa mahabang prosesong pagdadaanan ng Disaster Risk Management Plan. PAGTATAYA

SANGGUNIAN Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2017
Tags