Aralin 5- Ikalawaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang Markahan.pptx

MICHAELOGSILA2 0 views 33 slides Oct 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 33
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33

About This Presentation

dfghjgfdcvbnmhjgrfdsfghjkuytrewdsfgbnhjyhtgrfdfvbghggfdscvbgfd


Slide Content

Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Modernisasyon  

Pagtalakay sa aralin ukol sa paggamit ng wika sa Panahon ng Modernisasyon

SURIIN

SURIIN

SURIIN Rebisco “Sarap ng filling mo.”

Kahit na ang usapin natin ay sitwasyong pangwika sa panahon ng modernisasyon ito pa rin ang maiisip natin. "WALANG PERMANENTE MALIBAN SA PAGBABAGO"

Kaalinsabay ng mga pagbabagong yan nagkakaroon din ng iba't ibang pangangailangan, naroong tumataas ang pangangailangan ng higit lalo sa paggamit at paglinang ng ating kasanayan sa paggamit ng wikang dayuhan tulad ng wikang Ingles at maaaring ito ay nagiging dahilan para pabayaan o hindi na linangin ang sarili nating kasanayan para sa sarili nating wika na wikang Filipino.

Bagamat nagkaroon ng mga pagbabago at walang permanente maliban sa pagbabago dapat patuloy at isinasabay din natin sa pagbabago ang ating wikang Filipino. Nagbabago ang paligid at mga pangangailangan pero wag nating kalimutan ang una nating instrumento sa pakikipag-ugnayan ay ang ating unang wikang natutunan kung alin ang wikang Filipino.

Komunikasyon ang pangunahing salik upang mapaunlad ang ating wika. Ngunit sa pagsulpot ng mga cellphone at mabilis na pag-¬upgrade nito, mabilis din ang pagkawala ng personal na interaksyon sa mga tao. Umaasa na lamang sa nauuso at ‘trending´ sa ating lipunan. Napakabilis nitong kumalat na akala mo ay isang epidemya.dahil na rin sa patuloy na pagbabalita nito mapatelebisyon, radyo at pahayagan. Dahil kailangan mong makahabol sa mabilis na pagbabago, ito ay gagamitin mo.

Halimbawa ay ang mga gay lingo na hindi lamang ang mga bakla ang gumagamit, mapababae o lalaki man, bata o matanda, nakatapos ng pag-aaral o hindi. May isang pagkakataon pa na kahit sa loob ng senado ay nagkaroon ng gay lingo war sa pagitan nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda at tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay na si Joey Salgado na hindi umano magandang ehemplo sa kabataan.

Nagpapatunay lamang ito na hindi nananatili sa isang grupo ang salita at ito ay tinatangkilik, mapapropesyonal man o hindi kahit saanmang sektor ng lipunan. Sa kabuuan, malaki ang impluwensya ng social at mass media sa ating wika. Hindi man ito nakasasama ngunit huwag sana na ipagsawalang bahala na tayo ay may wikang pambansa na ginagamit nang wasto sa mga pagkakataong kailangan natin.

IMPLUWENSIYA NG MASS MEDIA

Ito ay mula sa konsepto at imbensyon ng ibang bansa at kaakibat ng pagdadala ng teknolohiya sa ating bansa ilang mga teknikal na salita mula sa kanilang wika at itong mga salitang ito ay nagiging bahagi ng ating pang- araw - araw na pagsasalita at pakikipag-ugnayan isa yan sa mga nagiging impluwensya sa ating sitwasyong pangwika ng wikang Filipino sa panahon ng modernisasyon .

  Kaya't nagpapatuloy na nagkakaroon ng modernisasyon umuunlad ang ating paligid dapat isabay din natin ang pag-unlad ng ating wika bagamat ito ay may kaakibat na paggamit ng ibang wika.

Wag natin hayaan na hilahin tayo pababa nito o hilain ang wika natin pababa nito bagkus isabay natin sa paglinang ang ating wikang pambansa ang pag-unlad ng ating teknolohiya .

Bagamat maraming wika o salita ang naghahalo -halo na dahil sa pakikipagkomunikasyon dahil din sa teknolohiya tayo bilang mga Pilipino, tayo bilang mga mag- aaral ay maging mapagmasid sa tamang paggamit ng wikang Filipino at iiwasan kung hindi kinakailangan ang code switching lalo na kung ano ang antas ng paggamit kung ito ba  ay pormal o di pormal na paggamit ng wika bagama't tayo ay kabilang sa panahon ng modernisasyon .

PAG USBONG NG ATING WIKA Ano ang magagawa mo bilang isang mag- aaral sa usaping pag-usbong ng mga bagong wika ?

UPUANG GAWAIN # 4 1. Ito ang naging epekto ng pagsulpot ng makabagong teknolohiya tulad ng mga gadgets sa mga mamam a yan. A. Marami ang natutong maglaro sa online. B. Naging masikap at masigasig ang nakararaming mamamayan. C. Nawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang tao. D. Nawala ang personal na interaksiyon ng mga tao.  

UPUANG GAWAIN # 4 2. Ito ang naging impluwensiya ng social media sa wika Filipino. A. Matalinhaga at masining ang kahulugan. B. Naging impormal ang paggamit ng wika. C. Napababaw ang kahulugan nito. D. Umunlad at yumabong ang ating wika.    

UPUANG GAWAIN # 4 3. Ang wika ay sinasabing nagbabago, ito at dulot ng pag-usbong na mga salitang ginagamit sa social media sa kasalukuyan. Pinatunayan lamang na; A. Malikhain ang mg Pilipino na paglikha ng mga salita. B. Masayahin ang mga Pilipino. C. Nakabubuo ng salita na sila lamang ang nagkakaunawaan. D. Nakabubuo subalit hindi sila nakauunawa.    

UPUANG GAWAIN # 4 4. Sa pag-unlad ng teknolohiya, anong wika ang niyakap sa mga nakararaming kabataan sa panahon ng modernisasyon? A. mga balbal na salita B. mga kolokyal na salita C. mga salitang pambansa D. lahat nang nabanggit    

UPUANG GAWAIN # 4 5. Kapag ang wika ay hindi na nagagamit, ito ay tuluyan nang; A. nagbabago B. namamatay C. natutunaw D. nauubos    

UPUANG GAWAIN # 4 6. Sa pagsulpot ng iba’t ibang barayti ng wika, matutukoy na ang wika ay . A. bunga ng makabagong panahon B. patuloy na umuunlad C. mahalaga at makabuluhan D. napag-iiwanan ng panahon    

UPUANG GAWAIN # 4 7. Sa pamagat na “ Kalagayang Pangwika sa Panahon ng Modernisayon ”mahihinuha natin na ang nilalaman nito ay . A. pagbibigay ng impormasyon sa teknolohiya B. pagkakaiba ng teknolohiya sa panahon ngayon C. paglalarawan sa teknolohiya D. pagsabay sa pag-unlad ng teknolohiya  

UPUANG GAWAIN # 4 8. Ang pagsulat sa ganitong uri ng pahayag “ At tumigil ang mundo! Behind the Scenes with #MissUniverse My Baby ” ay karaniwan nating makikita sa __ . A. Email B. Radyo C. Social Media D. Telebisyon  

UPUANG GAWAIN # 4 9. Ang SONA ay isang halimbawa ng pagsulat na . A. Argumentatibo B. Deskriptibo C. Impormatibo D. Naratibo  

UPUANG GAWAIN # 4 10. Ang mga babasahing pampanitikan ay mauuri sa tekstong __ . A. Argumentaibo B. Deskriptibo C. Impormatibo D. Persweysib    

UPUANG GAWAIN # 4 11. Ang mga salitang nauuso ngayon tulad ng “churva”, “waley”, “sinetch itey”ay mga halimbawa ng . A. gay lingo B. jejemon C. kolokyal D. slang words    

UPUANG GAWAIN # 4 12. Ang mga flat forms na nakatutulong sa pagpapalaganap ng wika ay ang . A. Advertisement B. Mass Media C. Mass Media at Social Media D. Social Media    

UPUANG GAWAIN # 4 13. Ang salik na nakatutulong upang mapaunlad ang wikang Filipino ay . A. debate B. komunikasyon C. pagbasa D. pakikinig    

UPUANG GAWAIN # 4 14. Ang “trending” ay salitang nakilala sa social media na ngangahulugan ng . A. mainit na balita sa pahayagan B. pagpapailanlang sa radio C. pagsikat at pinag-uusapan sa social media D. pagsikat sa telebisyon    

UPUANG GAWAIN # 4 15. Ayon sa pag-aaral ng wearesocial.com noong 2015, may 44.2 milyon o 44% mula sa 100.8 miyong Pilipino ang aktibong gumagamit ng internet kaya tinawag ang Pilipinas na __ . A. Mass Media Capital of the World B. Social Media Capital of the World C. Texting Capital of the World D. Wala sa nabanggit    

UPUANG GAWAIN # 4 MGA SAGOT 1. D 11. A   2. B 12. C   3. A 13. B 4. D 14. C 5. B 15. B 6. B 7. A 8. C 9. C 10 . B
Tags