ARALIN 5 PANITIKAN - ANG MUNTING BARILES.ppt

ndumdum 15 views 63 slides Sep 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 63
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63

About This Presentation

ARALIN 5 PANITIKAN - ANG MUNTING BARILES.ppt


Slide Content

Ang Munting Bariles
(Maikling Kuwento Mula sa Pransiya)
"Maging maingat sa mga
kasunduang kaugnay ng pera
Dahil baka buhay at
kapahamakan mo ang maging
dala."

Mahalagang Tanong:
Bakit mahalagang maging
mapanuri sa mga alok o
kasunduang may tila
napakaganda o halos di kapani-
paniwalang benepisyo o iyong
tinatawag na “too good to be
true” bago sumang-ayon dito?

Pagpapalalim na Gawain:
Sa araling ito’y
mararanasan mong
magsaliksik at maglahad
ng mga paraan ng pag-
iwas sa mga lifestyle
disease.

SIMULAN NATIN
Pahina 82-83

PANUTO
Ano ang gagawin mo kung
may nag-alok sa iyo ng
sumusunod na mga
kasunduan?

Si Henri Rene Albert Guy de
Maupassant ay isang tanyag na
manunulat na Pranses at
itinuturing na isa sa mga ama ng
modernong maikling kuwento.
Itinuturing din siyang
pinakadakilang manunulat na
Pranses.
ALAM MO BA?

Ang mahigit tatlong daang maikling
kuwento at anim na nobelang
kanyang isinulat ay nagpapakita sa
makukulay na detalye ng pang-araw-
araw na buhay ng Pransya noong
ika-19 na siglo.
Siya ay isinilang sa Chateau de
Miromesniel, Dieppe, Seine-
Inferieure noong Agosto 5, 1850.
Alam Mo Ba?

TAUHAN
JULES CHICOT
- tagapamahala ng Spreville
Hotel
- isang matalino at tusong
negosyante
-nasa edad apatnapu (40)
NANAY MAGLOIRE
- isang matandang nasa
edad pitumpu't dalawa
(72), napakapayat,
kulubot na kulubot na
ang balat at kuba na
subalit nagtataglay pa ng
lakas ng isang kabataan.

BUOD
Si JULES CHICOT ang tagapamahala ng
SPREVILLE HOTEL. Siya’y isang lalaking
matangkad, nasa edad 40, may
mapulang mukha at malaki at bilog na
tiyan. Ang mga nakakakilala sa kanya’y
nagsasabing siya’y isang matalino at
tusong negosyante.

BUOD
Isang araw ay huminto ang
kanyang karwahe sa tapat ng
bahay ni NANAY MAGLOIRE at
pagkatapos niyang maitali ang
kabayo sa isang poste ay agad
siyang pumasok sa tarangkahan
ng bahay.

BUOD
Si Chicot ay may-ari ng mga
lupaing katabi ng lupa ng matandang
babae. Ang lupa nito ay matagal na
niyang pinagnanasaang maangkin
kaya’t hindi lang miminsang nag-alok
siyang mabili ito subalit lagi siyang
tinatanggihan ng matanda.

BUOD
“Dito ako ipinanganak, dito
rin ako mamamatay,” ang lagi
niyang sagot kay Chicot.

BUOD
Nang hapong iyon ay nadatnan
siya ni Chicot na nagbabalat ng patatas
sa labas ng kanyang bahay. Si NANAY
MAGLOIRE ay isang matandang nasa
edad 72, napakapayat, kulubot na
kulubot na ang balat, at kuba na
subalit nagtataglay pa ng lakas ng
isang kabataan.

BUOD
Masayang tinapik ni Chicot
ang likod ng matanda na tila
ba matagal na silang
magkaibigan at saka sila sabay
na naupo sa isang bangko.

BUOD
“Nay, kumusta na?” Ang bati ni
Chicot sa kanya. “Natutuwa akong
makita kayong masaya at malusog,”
dugtong pa niya.
“Mabuti naman ako at walang
problema, salamat sa iyong
pagtanong. Kumusta ka rin, Ginoong
Chicot?” ang sagot naman ng matanda.

BUOD
“Ay maayos po ako, maliban sa
paminsan-minsang
pagsumpong ng aking
rayuma.”
“Mabuti naman kung gayon.”

BUOD
Tumahimik na ang matandang babae
at ipinagpatuloy ang ginagawa habang
nakamasid si Ginoong Chicot.
Pinagmamasdan niya ang mga kulubot at
puro ugat na kamay na halos kasintigas na
ng sipit ng mga alimanging napakabilis sa
pagbalat ng mga patatas na kinukuha
mula sa timba at inilulubog agad sa
mangkok na may tubig pagkatapos
mabalatan.

BUOD
May dalawang matapang na
ibong nag-uunahan sa pagtuka sa mga
pinagbalatang nasa kanyang
kandungan at saka nanakbo nang
mabilis palayo pagkatapos.
Tila nahihiya, biglang naumid si
Chicot. Iniisip kung paano sasabihin
ang gusto sanang sabihin sa matanda.

BUOD
“Makinig kayo, Nanay
Magloire-”…
“Tungkol saan ang iyong
sasabihin?”
“Sigurado na ba kayong ayaw
niyo ngang ipagbili ang iyong
lupain?”

ARAL NG KUWENTO

UNANG TANONG:
Bakit panay ang dalaw ni
Chicot kay Nanay Magloire?
Anong bagay ang gusting-
gusto niyang mabili mula sa
matanda? Bakit ganoon na
lamang ang kagustuhan
niyang mabili ito?

IKALAWANG TANONG:
Anong kasunduan ang
inialok niya sa matanda?
Bakit kahit nakatutukso ang
alok ay hindi agad niya
napapayag ang matandang
babae?

IKATLONG TANONG:
Ano ang ginawa ng matanda
bago siya nagdesisyong
tanggapin ag alok ni Chicot?
Ano ang naging epekto ng
ginawa niyang ito sa paglaki ng
salaping matatanggap niya
buwan-buwan?

IKAAPAT NA TANONG:
Kung ikaw ang matandang
babae, papaya ka ba sa
kondisyong inilatag ni Chicot?
Sa iyong palagay, makatwiran
nga kaya ang ganitong
kondisyon sa pagbili ng ari-
arian? Bakit oo o bakit hindi?

IKALIMANG TANONG:
Kung ikaw si Nanay Magloire
na nagdesisyon na ring ipagbili
ang ari-arian, anong kondisyon
ang ilalatag mo para maging
patas at walang sinuman sa
inyo ang malalamangan sa
bilihang magaganap?

IKAANIM NA TANONG:
Ano kaya ang tunay na
dahilan sa pag-aalok ni
Chicot sa matandang
maghapunan sa kanyang
tahanan?

IKAPITONG TANONG:
Bakit siya nadismaya
nang hindi kumain nang
marami ang matanda?
Ano ang ugnayan ng
pagkain sa binabalak niy?

IKAWALONG TANONG:
Anong bagay ang
kanyang inialok na hindi
nito natanggihan? Bakit
ang pinakamasarap na
alak ang ipinatikim ni
Chicot sa matanda?

IKASIYAM NA TANONG:
Anong bitag o patibong ni
Chicot ang hindi naiwasan
ng matandang babae? Ano
ang ibinunga ng
pagkagumon niya sa
bisyong ipinakilala ni Chicot?

IKASAMPUNG TANONG:
Bakit nagsimula nang
iwasan ni Chicot ang
matanda nang matiyak
nitong gumon na siya sa
pag-inom ng alak?

TAKDANG-ARALIN
Pagsulat ng Journal

May kasabihan sa Ingles na: "If an
offer sounds to be so good to be
true, it probably is ." Bakit
mahalagang maging mapanuri at
pag-isipang mabuti ang alok o
kasunduang may tila napakaganda
o halos di kapani-paniwalang
benepisyo bago sumang-ayon dito?

PANUTO
Isulat ang iyong sagot
sa iyong kuwaderno.
Sagutin ito sa loob ng
5-10 pangungusap.
Tags