Aralin 6 Ang Phatic , Emotive , at Expressive na Gamit ng Wika
Layunin ng Talakayan mabigyang -kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika na phatic , emotive , at expressive ; matukoy ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na phatic , emotive , at expressive ; makapagbigay ng mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika na phatic , emotive , at expressive ; at makasulat ng naratibo ng sariling karanasan sa gamit ng phatic , emotive , at expressive na wika .
Daloy ng Talakayan Ang Phatic na gamit ng wika ; Ang Emotive na gamit ng wika ; at Ang Expressive na gamit ng wika .
Ang Phatic na Gamit ng Wika Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng , “ Kumain ka na ?” ; mga pahayag na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapuwa gaya ng , “ Natutuwa talaga ako sa‘yo !” ; at mga ekpresyon ng pagbati gaya ng , “ Magandang umaga !” , pagpapaalam gaya ng , “ Diyan na muna kayo, uuwi na ‘ ko .” ay phatic na gamit ng wika .
Halimbawa ng Nagtatanong o Nagbubukas ng Usapan “ Uy , napansin mo ba ?” “ Kumusta ka ?” “ Masama ba ang pakiramdam mo ?” “May problema ka ba ?” Ang Phatic na Gamit ng Wika
“ Baka makatulong kami. ” “ Mabuti naman , Sol, at okey ka lang.” Halimbawa ng Nagpapakita ng Mabuting Pakikipagkapuwa -Tao o Pakikipag - Ugnayan sa Kapuwa Ang Phatic na Gamit ng Wika
Ito ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot , takot , at awa . Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang ating nararamdaman , emotive ang gamit natin ng wika . Ang Emotive na Gamit ng Wika
Halimbawa “ Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring ‘ yan . ” “ Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera . ” “ Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay .” Ang Emotive na Gamit ng Wika
Sa ilang usapin , personal man o panlipunan , nababanggit natin ang ating mga saloobin o kabatiran , ideya , at opinyon . Sa mga usapang ganito , expressive ang gamit natin ng wika . Ang Expressive na Gamit ng Wika
Halimbawa “ Paboritong-paborito ko pa naman sila . ” “… kahit may pera akong pambili , hindi pa rin ako manonood ng concert na ‘ yan . ” “Hindi ako mahilig sa foreign artists. ” “Mas gusto kong tangkilin ang mga kanta at concert ng local artists natin . ” “ Palagay ko , kani-kaniya naman talagang hilig ‘ yan .” Ang Expressive na Gamit ng Wika