Ang Tao at Ang Paghihinala ( Makabagong Tanaga ) Clodualdo del Mundo (a) Iyang paghihinala Ay biglang paniwala Malayo sa tiwala Katuwas pa ng laya . (b) Naghihinalang puso Laging nasisihapyo Bintang di maitago Buti’y di maisuno . (c) Ang naghinala dili Ay gawang walang muni Laging baka sakali At walang hunusdili (d) Hinala’y walang lingap Sa ano mang banaag Maanong maging hanap Ang kislap ng liwanag .
(e) Ang hinala’y panimdim Balana’y dinidilim Tiwala ay dukalin Ang buti’y pakislapin . (f) Ang bintang ay mithiin Na kagyat na limiin Kahit masalamisin Ay walang aanihin . (g) Hinala’y walang tawad Na lumikhang sugat Wala siyang katulad Kahit budhi’y ibayad . (h) Maghimala’y hinapis , Na hinagupit sa dibdib Mariing itinitik Pasadyang itinirik . ( i ) Ang hinalang panata Wala namang kapara Kahit na nga umaga Hintay pa ri’y ligaya . (j) Maghinala sa langit Ay buhay na walang punit Darampian ng hapis Kakamtin ay ligalig .
Napansin mo ba ang bilang ng pantig sa bawat taludtud ? Ilang taludtud sa bawat saknong ?
TANAGA Ang ganitong uri ng tula ay tinatawag na tanaga . Ang Tanaga ay isang uri ng tulang tagalog noong panahon na sa katipunan ang pamamaraan ay maiaagapay sa haikyu ng mga Hapones bagama’t lalong maikli ang haikyu . Ang uri ng tulang ito ay binuhay ni Ildefonso Santos noong panahon ng mga Hapones . Ang tanaga , tulad ng haikyu , ay may sukat at tugma . Ang bawat taludtud ay may pitong pantig . Ang pagkakahawig lamang ay ang pangyayaring kapwa maikli at nagtataglay ng talinhaga na siyang nagpaparikit sa dalawang uri ng tulang ito .
Pagbibigay ng Reaksiyon sa Pananaw,Tono , Layunin , at Saloobin ng May- akda
Anuman ang iyong binabasa , nadarama mo ang damdaming nais ipabatid nito sa iyo . Maaring ito ay nagpapatawa , nagpapasaya , nangangamusta , nakikiramay , nanghihikayat at iba pa. Ito ay dahil nakapagbibigay ka ng angkop na reaksiyon sa pananaw , tono , layunin , at saloobin ng awtor na sumulat ng akda .
Saan Patungo Ang Langay-Langayan ? B.S. Medina Jr.
Ano ang Eupemistikong Pahayag ?
Eupemistikong Pahayag Ito ay pananalita o pahayag na ginagamit upang hindi makasakit ng damdamin ng taong kausap o nakikinig . Ito ay ipinapalit sa mga bulgar na salita . Ang eupemistikong pahayag ay pahayag na nagbibiga-linaw o kahulugan sa mga salitang ginagamit o naririnig sa araw-araw . Halimbawa : patay – binawian ng buhay Hinimatay – nawalan ng malay tao