PAGSASALIN NG PILING TEKSTONG MAKABULUHAN SA DALUMAT NG/SA FILIPINO
TRANSFER IT!
Panuto : Kumuha ng dalawang bote na walang laman . Lagyan ng tubig ang isang bote at pagkatapos ay isalin ito sa kabilang bote na walang laman .
1. Sa tingin ninyo , naisalin ba ang lahat ng tubig mula sa isang bote patungo sa boteng walang laman ? Oo o Hindi, Bakit ? 2. Mayroon bang tumapon na tubig habang ito ay i sinalin ? 3. Ano ang mga bagay na isinaalang-alang habang isinasalin ang tubig sa isa pang boteng walang laman ? 4. Sa tingin mo ba ay naging maingat ka sa iyong ginawang pagsasalin ? Ipaliwanag . 5. Naging madali ba o mahirap ang ginawang pagsasalin ? Bakit?
LAYUNIN Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya . Makagawa ng mga malikhain , mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto . Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya at praktika sa pananaliksik
DOCTRINA CHRISTIANA (1593) Ang unang aklat na salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng simbahang katoliko na kailangan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bagong sakop ng kapuluan .
THEODORE H. SAVORY “Sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako , isinasagawa ang mga salin alang-alang sa mg adalisay na layuning utilitaryo at walang ibang nasa ang tagasalin maliban sa pag-alis ng hadlang na maghihiwalay , dahil sa pagkakaiba ng mga wika , sa manunulat at mambabasa .”
KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN Malaki ang naging tungkulin ng pagsasalin at palitan ng kultura’t kaalaman sa buong mundo . Kasangkapan ang pagsasalin para ganap na makinabang ang isang bansa o pook sa isang sentro o sulong na wika .
LIVIUS ANDRONICUS Isang aliping Griyego na nagsalin ng pinakamatandang salin na ODYSSEY sa bersyong latin .
ALEXANDRIA Isang halimbawa ng sentrong pagnenegosyo noong araw bilang lugar din na palitan ng kultura . Nagtampok ng pinakamataas na pag-unlad ng saliksik at agham sa Griyego .
IKAWALO’T IKASIYAM NA DANTAON Sinasabing ang pagsulong ng karunungang Arabe ay bunga ng masiglang pagsagap sa pamamagitan ng salin tungo sa Arabe sa mga sinulat nina Aristotle , Plato , Galen , Hippocrates , at iba pang Griyego .
IKAWALO’T IKASIYAM NA DANTAON Nang manghina ang karunugan at kapangyarihang Arabe , sumigla naman ang pag-aaral sa Europa. Sa Toledo, Espanya , natipon ang mga iskolar na nagsalin tungo sa mga aklat sa Arabe . Dito natutuwang isipin na ang isang akda ni Aristotle ay posibleng isinalin sa Arabe sa Baghdad upang pagkaraan ay maisalin naman sa Latin sa Toledo. Sa panahong ito ginawa sa Toledo ni Robert de R etines ang unang salin ng Koran (1145-1143)
IKA-12 NA SIGLO Masiglang-masigla ang mga pagsasalin sa mga wika ng lumitak na mga bansa sa Europa. Bibliya at akdang panrelihiyon ang unang pokus ng pagsasalin sa panahong ito . Ang unang salin sa Ingles ng Bibliya ay ginawa ni John Wycliffe at unang lumabas noong 1382.
IKA-12 NA SIGLO Pinakamatingkad na salin sa German ang ginawa ni MARTIN LUTHER noong 1522 at 1534 na sinasabing naging pamantayan sa pagkatatag ng Wikang Pambansa ng Germany.
IKA-12 NA SIGLO Hindi laging mula sa orihinal na wika ng akda ibinabatay ang pagsasalin . Halimbawa ay ang “MGA BUHAY NG BANTOG NA ROMANO” ni Plutarch ay isinalin sa German noong 1579 ni JACQUES AMYOT. Si JACQUES AMYOT ay Obispo ng Amyot at may bansag “PRINSIPE NG TAGASALIN”
WIKA NG PAGBIBINYAG Watak-watak sa iba ’ ibang pangkatang etniko na may kanikanilang wikang katutubo ang mga Filipino ng sakupin ng Espanya . MEMORIAL DE LA VIDA CRISTINA EN LENGUA TAGALA - ni Fray Francisco de San Jose at unang aklat na may orihinal na mga piraso ng tula .
WIKA NG PAGBIBINYAG VOCABULARYO DE LENGUA TAGALA- ni Fray Pedro de San Buenaventura at ito ay unang diksyunaryo na isa ng kasangkapan para matuto ng Tagalog ang mga Espanyol .
TEKSTONG KRISTIYANO Isang makabuluhang mohon sa pagsasalin ng MEDDICIONES CUN MAGNA MAHALA na may pagninilay sa sadia sa sanctong pag Exercisios (1645) ni Fray Pedro De Herreran at ito’y isang malaking sikap sa pagsasalin .
TEKSTONG KRISTIYANO Ang MEDICATIONES ay unang salin sa Tagalog ng mga gawaing espiritwal o Exercitia Espiritualia ni San Ignacio de Loyola mula Espanyol ni Fray Francisco de Salazar.
TEKSTONG KRISTIYANO MANGA PANALANGIN PAGTATAGOBILIN SA CALOLOVA NANG TAUONG NAGHIHINGALO - ni Gaspar Aquino de Belen, isang Batanggenyo na nagtrabaho sa imprenta ng mga Heswita . Ang libro ay salin ng Recommendacion del alma (1613) ni Tomas de Villacastin .
SALIN SA TANGHALAN AT ALIWAN IKA-18 SIGLO Ang pagsasalin ay magagawi sa mga akdang tuwirang gamit sa simbahan at seminaryo . Ang AWIT AT KORIDO ay naging babasahing popular at aliwan sa tahanan .
SALIN SA TANGHALAN AT ALIWAN IKA-19 DANTAON Naging magandang sanayan ang naturang panitikang salin o halaw tungo sa totoong malikhaing pagsulat nitong ika-19 dantaon . Noong 1875, lumabas ang isang nobena ni Fray Francisco na isina -Tagalog ni M elchor Fernandez at isina-Bikol ni Ibo Mella .
SALIN SA TANGHALAN AT ALIWAN Ang orihinal na akdang “Urbana at Feliza ” (1854) ni Modestro de Castro ay nagkaroon ng salin sa Ilokano ni Jacinto Caoile Mariano at nailmbag sa Maynila noong 1866 saka isinalin sa Bikol ni Fruto del Prado at nailathala sa Maynila noong 1892.
SALIN SA TANGHALAN AT ALIWAN Sa VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA (1754) nina Fray Juan de Noceda at Fray Pedro de Sanlucar ay gumamit ng mga bugtong saliwakain , dalit , tanaga , diona at iba pang maikling tulang Tagalog para maipaliwanag ang gamit ng ilang lahok sa diksyunaryo .
GAWAIN 1: Panuto : Magtala ng mga salita / impormasyon na naiisip mo kapag narinig / nakita ang salitang pagsasalin . Punan ang mga bilog na nasa ibaba . Maari mo pa itong dagdagan . Pagkatapos ay pag ugnay-ugnayin ang mga salita / impormasyon na iyong isinulat .