aralin-7.-1 sagisag ng bansa at tula.pptx

SHARONAUSTRIA1 0 views 21 slides Sep 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 21
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21

About This Presentation

tula


Slide Content

SAGISAG NG BANSA

Ano ang SAGISAG?

Ang sagisag ay isang bagay na nagrerepresenta , tumatayo o kaya naman ay nagpapahiwatig ng isang ideya , larawan , paniniwala , aksyon , o kaya naman ng isang bagay . Kinukuha ng mga simbolo ang anyo ng mga larawan , at ginagamit upang magpahiwatig ng mga kaisipan at paniniwala .

PAMBANSANG SAGISAG NG PILIPINAS

BARONG TAGALOG

Ang Barong ay isang pormal na kasuotang ginagamit ng mga Pilipino tuwing may mga okasyon . Mas kilala sa pangalang “barong” na mula sa salitang “ baro ” na ang ibig sabihin ay damit o dress. Gawa sa iba’t ibang materyales na tinatawag na “ jusi ” na mula sa balat ng saging . May mga barong tagalog din na gawa sa balat ng pinya . Ito ay ang mga barong na tinatawag ng karamihan na “piña barong ”.

Barong Tagalog Teo Antonio Inang huwag ka nang bumili ng Tela Na habi sa jusi o habing piña Inang , ako’y huwag nang ipagpatahi Ng sunod-sa-usong damit daw ng lahi .   Iukol na lamang ang naipong pilak Sa pang- araw - araw na tiisi’t hirap Bakit gagastusin ang iyong naimpok Sa marangyang barong ipinasusuot .   Kung damitin ko ma’y karaniwang polo Karaniwang tisert o kamisadentro , Akó rin ang bunsong lahing dalá-dalá Ang susun-suson mong alipusa’t dusa   Inay ‘di sa damit natin tinitimbang Ang ating pag-ibig sa lupang hinirang At hindi , hindi rin ang barong pambansa Ang siyang sukatan ng bayang Malaya. Manumba’t na sila’t sa aki’y mapoot Kung damit na iya’y ayaw kong isuot Ang baróng umano’y dapat tangkilikin Baróng noo’t ngayo’y damit din ng taksil .

Ano ang

Kalimitang sinasabi na ang tula ay likha at ang makata ang manlilikha . I sang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat . Binubuo ang tula ng saknong at taludtod . Ang tula ay maaring distinggihin sa tatlo na bahagi . Isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo , mga tunog , paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita .

Pagkilala sa Mahahalagang Salik ng Tula Isa sa mahalagang salik ng tula ay ang pagkakaroon ng malalim na kaisipan o makabuluhang diwa . Nasa makabuluhang mensahe ang tunay na diwa ng tula . Napapaloob din dito ang talinghagang likha ng matalinong kaisipan , pagkukuro , at guniguni ng makata .

Sa pagpapaliwanag sa iba’t ibang pakahulugang nakapaloob sa tula , may apat na paraang maaring ihanay . Ito ay ang pagpapakilala sa kahulugang : 1. Konseptuwal o ang pananaw na nabuo sa isip o tinatawag na imahe . 2. Proposisyunal o ang kakayahang makilala kung ang paksa o mensahe ay maaaring tanggapin o hindi . 3. Kontekstuwal o ang kahulugang literal na inihahatid ng tula . 4. Pragmatik o kahulugan ng mga simbolo o sagisag na ginamit sa tula sa tulong ng mga tayutay .

Sagisag ng Kultura Teresita P. Capili-Sayo   Hiniling sa akin ng isang dayuhan na ilarawan ko ang mahal kong bayan ; narito , dinggin mo at masisilayan sa napakatapat na paglalarawan .   Kung sa isang tagdan ay may makita ka na nakawagayway at napakaganda ; na isang bandilang puti , bughaw , pula . . . iyan ang bayan ko , nakikita mo ba ?   At sa himpapawid , kung may umilanlang na himig na lubhang matamis pakinggan ; at “ Bayang Magiliw ” ang naiuusal . . . iyan ang bayan ko . . . ang bayan ko’y iyan !

Sa baróng tagalog . . . sa barò at sáya ; at sa bulaklak kong ngala’y sampaguita ; sa aking kundiman, sa narra , sa maya . . . diyan ang bayan ko ay makikilala Kung may mga mutyang sa iyo’y tatambad kayumangging kupás ang kulay ng balát ; at ang mga ngiti’y kiming mamukadkad . . . iyan ang bayan kong minamahal nang tapat !   At kung lalaking hindi matatakot magbuwis ng búhay at dugo’y umagos ; dahil sa paglayang pinakaiirog . . . iyan ang bayan ko . . . bayan taga-ilog !
Tags