Aralin_8_Ang Interaksiyonal_Personal_at_Imahinatibong_Tungkulin_ng_Wika.pptx

virgiereyvalenzuela 2 views 12 slides Sep 22, 2025
Slide 1
Slide 1 of 12
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12

About This Presentation

fghjkl


Slide Content

Yunit II Mga Kaalamang Pangwika, Mas Palalimin at Palawakin!

Aralin 8 Ang Interaksiyonal, Personal, at Imahinatibong Tungkulin ng Wika

Layunin ng Talakayan mabigyang kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa interaksiyonal, personal, at imahinatibo; mapag-iba ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at imahinatibo; matukoy ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at imahinatibo sa pinanood na indie film ; maiugnay ang interaksiyonal, personal, at imahinatibong tungkulin ng wika sa pinanood na indie film ; at makapagsagawa ng diadic na talakayan ukol sa tungkulin ng wika sa pinanood na indie film .

Daloy ng Talakayan Ang wika, ayon kay Halliday; Transaksiyonal na Kahulugan at Funsiyonal (tungkulin) na konteksto Ang Interaksiyonal na tungkulin ng wika; Ang Personal na tungkulin ng wika; at Ang Imahinatibong tungkulin ng wika

Ang Wika, ayon kay Halliday Ayon kay Halliday (1973), ang pagkatuto ng wika ay pagkatuto kung paano bumuo ng kahulugan. Nasa pundasyon ng wika ang kultural at panlipunang anyo bunga ng kultural at panlipunang proseso na lumilikha ng kahulugan sa isang umiiral na kultura. Ang wika ay isang set ng tiyak at magkakaugnay na sistema ng mga semantikong pagpipilian na mauunawaan sa pamamagitan ng pananalita o leksikogramatikal na estruktura ng bokabularyo at sintaks. Ang wika ay isang moda ng pag-uugali at hindi isang purong elementong panggramatika.

Transaksiyonal na Kahulugan at Funsiyonal (tungkulin) na konteksto Transaksiyonal ang pagpapakahulugan ng dalawang taong nag-uusap sa magkabilang linya ng telepono ngunit ang panlipunang estruktura na nagtatakda ng wastong pagsisimula at pagtatapos ng isang pag-uusap ay malinaw na nagkokonsidera sa kontekstwal na tungkulin ng wika.

Ang Interaksyonal na Tungkulin ng Wika Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay may interaksiyonal na tungkulin. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid.

Halimbawa Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapuwa gaya ng, “ Mahal Kita,” “Kamusta?” “Nanay,” at “Mabuhay!” Ang Interaksyonal na Tungkulin ng Wika

Paano Mabisang Matatamo ang Mahusay na Interaksiyon? Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita, tulad ng kilos, tuon ng mata, at pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-kiling ng ulo, at iba pang mga kilos). Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung paiba-iba ang eskpresyon, tono, at intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa pakikipagusap. Ang Interaksyonal na Tungkulin ng Wika

Ang Personal na Tungkulin ng Wika Nagsisilbing gampanin naman ng personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang kaniyang mga personal na preperensiya, saloobin, at pagkakakilanlan.

Ang Imahinatibo na Tungkulin ng Wika Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika upang ipahayag ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig. Sa pagsulat ng mga malikhaing komposisyon, gumagamit ng tayutay at iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng mapang-akit na komunikasyon.

Halimbawa Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na kahulugan at damdamin. “Papupulis kita! – Ninakaw mo kasi ang puso ko.” “Password ka ba? – ‘Di kasi kita makalimutan.” Ang Imahinatibo na Tungkulin ng Wika
Tags