Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa

ChristineJaneWaquizM 21,727 views 20 slides Apr 19, 2024
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

3Q_pangatnig kahulugan at mga halimbawa


Slide Content

PANGATNIG

Ano ang pangatnig ? Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag- uugnay sa dalawang salita , parirala , o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag .

Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng pangungusap . Ang pangatnig ay maaari ring magbukod , manalungat , maglinaw , manubali , magbigay halintulad , magbigay sanhi , at magbigay ng pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap .

Uri ng Pangatnig . 1. Pangatnig na Panlinaw Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit . Maaari itong gamitan ng mga salitang kung kaya , kung gayon , o kaya .

Halimbawa 1. Nag- usap na kami sa baranggay kung kaya ang ang kasong ito ay tapos na. 2. Umamin na si Mando kaya makakalaya na ang napagbintangang si Rico. 3. Ang prinsipal ay umuwi na , kung gayon ay maaari na rin tayong umuwi . 4. Nagpaalam na si Ambo sa mga magulang ni Selya kung kaya silang dalawa ay magpapakasal na. 5. Ginawa ko na sa paaralan ang aking takdang aralin kaya pag - uwi sa bahay ay maglalaro na lang ako .

2. Pangatnig na Panubali Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan . Maaari itong gamitan ng mga salitang kung , sakali , disin sana , kapag , o pag .

Halimbawa : 1. Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung ayaw mong mapalo . 2. Sakaling hindi ako makapunta bukas , sabihin mo na lang sa akin ang mapag-uusapan sa pulong . 3. Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho , disin sana‘y may maiipon ka bago mag- pasko . 4. Hindi naman mahirap ang buhay kung marunong ka lang dumiskarte . 5. Kapag sumama si Judy ay sasama na rin ako .

3. Pangatnig na Paninsay Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito . Maaari itong gamitan ng mga salitang ngunit , datapwat , subalit , bagaman , samantala , kahiman , o kahit .

Halimabawa : 1. Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay pinagalitan ako ni Nanay . 2. Yumaman si Arriane kahit galing siya sa hirap . 3. Nakakuha ako ng mataas na marka sa pagsusulit bagaman hindi ako nakapag -review. 4. Magarbo ang handaan ngunit baon naman sa utang. 5. Nakapag-asawa siya ng mayaman kahit siya ay mahirap lamang .

4. Pangatnig na Pamukod Ginagamit ito upang ihiwalay , itangi , o itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan . Maaari itong gamitan ng mga salitang o , ni , maging , at man .

Halimbawa : 1. Ni tumawag ni mangumusta ay di man lang nya ginawa . 2. Ako man ay ayaw rin sa liderato niya . 3. Mahal kita maging sino ka man. 4. Ako ba o siya ang pipiliin mong makapareha sa sayaw ? 5. Mapa-luma o bagong empleyado ay ayaw sumali sa Christmas party presentation.

Tukuyin ang pangatnig sa bawat pangungusap . 1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase . 2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo . 3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon . 4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya . 5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya . 6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya .

7. Si Ate Rita ay bumili ng sariwang gulay at mga hinog na mangga sa palengke . 8. Si Tatay o si Kuya Martin ang susundo sa inyo sa paaralan mamayang hapon . 9. Dapat sabihin ko sa kanya ang katotohanan ngunit ayaw kong magalit siya sa akin. 10. Si Janice ang kakanta dahil siya ang pinakamagaling na mang-aawit sa klase natin . 11. Hindi niya makuha ang tamang sagot bagama’t nakinig siya sa sinabi ng guro .

Ibigay ang tamang pangatnig sa bawat pangungusap . 1. Aling kamiseta ang isusuot mo, ang puti ____________ ang asul ? 2. Mahusay gumuhit ____________ magpinta si Tom. 3. Maganda nga ang dalaga _________________ masungit naman siya . 4. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit ____________ nag- aaral siya gabi-gabi . 5. Mag- iipon ako ng pera ____________ makabili ako ng mga bagong aklat para sa pasukan .

6. Kumakanta ang babae ____________ pinapaliguan niya ang kanyang sanggol . 7. Sasama ako sa inyo manood ng sine ____________ papayagan ako ng aking mga magulang . 8. Gusto ni Ben matutong lumangoy __________________ natatakot siya sa malalakas na alon ng dagat . 9. Maliligo ka na ba ____________ magsisipilyo ka muna ? 10. Bibisitahin natin si Lola sa Sabado ____________ ipagdiriwang natin ang kanyang ika-siyamnapu’t na kaarawan .

5. Panapos = ito ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita halimbawa nito / sa wakas,upang , sa lahat ng ito , sa di kawasa Halimbawa : Matagal ang ginawang pagtatalumpati ng isang kandidato sa wakas natapos din ito .

6. Pananhi = ito ay nagbibigay ng dahilan o katuwiran para sa pagkakaganap ng kilos halimbawa nito / sapagkat , dahil sa,sanhi sa,mangyari Halimbawa : Mapapatawad ko lahat ng ginawa niya , sapagkat mahal ko siya .

7. Panimbang = Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan halimbawa nito / anupat,at saka,pati Halimbawa ; Si Enso pati si Selya ay isinama ng kanilang lola sa pagsimba .

8. Pamanggit = ito ay gumagaya o nagsasabi lamang ng iba,tulad ng daw,raw,di umano,sa ganang akin Halimbawa ; Si Laurence daw ay tumama sa lotto ng jackpot. .

Gumawa ng 10 pangungusap gamit ang ibat-ibang uri ng pangatnig . Bilugan ang pangatnig sa bawat pangungusap na inyong ginawa .
Tags