Mga Paksang Tatalakayin Awiting Bayan Epiko Kuwentong Bayan Karunungang Bayan Matandang Baybayin
Layunin ng Pag- aaral Naiisa -isa ang mga awiting bayan, epiko , kuwentong bayan, unang dula , karunungang bayan at matandang baybayin .
Awiting Bayan Isa sa mga kultura na pinangalagaan mula sa ating mga ninuno . “ Kantahing Bayan” ang ibang katawagan .
Awiting Bayan Nasa anyong patula ngunit may kasama itong tugtog . Inaayon ito sa karanasan , damdamin at kaugalian ng sinumang gumawa nito .
Ang awiting bayan na ginawa ng ating mga ninuno ay patungkol sa : Iba’t ibang pamumumhay Pag- iisip Ugali Damdamin ng mga tao Awiting Bayan
Soliranin : awit ng mangingisda Talindaw : awit ng mga bangkero Oyayi : ginagamit na pampatulog ng mga bata Diona: para sa mga kinakasal Ang mga naturang katutubong awitin ay napangkat ayon sa tinutukoy nito gaya ng sumusunod :
6. Kumintang : awit sa digmaan 7. Sambotani : inaawit kapag tagumpay ang pakikipagdigma . 8. Dalit: awit sa simbahan 9. Kundiman: awit ng pag-ibig
Epiko Ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan . Ito’y nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan .
Kuwentong Bayan B ahagi ng isang kalinangan na binabahagi ng isang partikular na pangkat ng mga tao ; Kabilang dito ang tradisyong pasalita tulad ng mga salaysay , alamat , tradisyunal na kaalaman at iba pa.
Karunungang Bayan Sangay ng panitikang nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan ng bawat kultura ng isang tribo . Mayaman na tayo sa mga karunungang bayan na dapat nating pagyamanin at pag-ingatan bilang mga Pilipino.
Bugtong Isa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung tawagin sa Ingles ay “riddles”. Ito ay mga palaisipang ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang makakahula ng palaisipan . Halimbawa : Langit sa itaas , langit sa ibaba , tubig sa gitna Sagot : Niyog
Salawikain Kilala rin sa Ingles na Proverbs simple, konkreto , at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan . Halimbawa : Ang ginagawa sa pagkabata , kadalasan ay nadadala sa pagtanda .
Idyoma Isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya . Ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan . Halimbawa : Makati ang paa – mahilig sa gala o lakad .
Kasabihan Nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang araw-araw natin na mga gawain , kilos, o desisyon sa buhay . Halimbawa : Putak , Putak Batang duwag Matapang ka’t Nasa Pugad
Palaisipan Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa karaniwan . Halimbawa : May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw ang sombrero? Sagot : Butas ang tuktok sa sombrero
Matandang Baybayin Baybayin - sinaunang alpabeto ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Español . “Baybay” sa wikang Tagalog na nagangahulugang lupaing nasa gilid ng dagat at “ pagbaybay ” na nangangahulugan ng ispeling .
Matandang Baybayin Ito ay nasa anyong pantigan na may tatlong patinig (a, e- i , o-u) at 14 na katinig . Isang ebidensiya ng baybayin ang iniukit na sulat sa isang matandang palayok na natagpuan ng mga arkeologo sa Calatagan, Batangas.
Matandang Baybayin Paul Rodriguez Verzosa - tinawag niyang alibata ang sinaunang alpabeto . Sa kaniyang saliksik , ito ay hango sa alpabetong Arabe na alif, ba , ta . Napatunayang ang baybayin ay hindi nagpapakita ng katangian ng wikang Arabe kaya hindi na ipinagamit ang salitang alibata .
Matandang Baybayin
Batayang Panukat sa Pagsasadula PAMANTAYAN SA PAGSASADULA Puntos Kawastuhan ng damdamin 30 Kabisadong-kabisado ang linya ng bawat karakter 30 Kahusayan sa pag-arte at pagpapakita ng ekspresyon 40 Kabuuan 100
Batayang Panukat sa Paggawa ng Bugtong,Salawikain,Palaisipan PAMANTAYAN Puntos Maayos na nailalahad ang mensahe ng ginawang bugtong, salawikain, palaisipan 40 Naging matalino at kawili-wili ang pagkakabuo ng bugtong, salawikain at palaisipan 30 Kahusayan sa Presentasyon 30 Kabuuan 100
Batayang Panukat sa Presentasyon ng Awit PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG AWIT Puntos Kawastuhan ng Pagbigkas 30 Nasa tamang tono ang paraan ng pag-awit 30 Maayos na nailalahad ang Presentasyon 40 Kabuuan 100
Batayang Panukat sa Presentasyon ng Matandang Baybayin PAMANTAYAN SA PRESENTASYON NG MATANDANG BAYBAYIN Puntos Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga baybayin 30 Detalyado at angkop ang pagpapaliwanag 30 Kahusayan sa presentasyon, malinis at maayos na pagkakasulat 40 Kabuuan 100
Buod ng Aralin Batid natin na bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa ay may sarili nang panitikan ang ating mga ninuno . Mayaman ang bansang Pilipinas sa mga karunungang bayan. May sariling baybayin na ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop .
Sanggunian Sant o s , A ng el in a L. a t Taya g , Danilyn A. ( 2 1 1 ). Pa nu n u r ing pampanitikan. Depar ta m e n t o n g F i l i p ino at Ib a n g mga W i k a. M S U - Il i gan I nsti tu t e o f Tec hno l o gy. Il i gan City. Peralta, Romulo N.,et al ( ). Panitikang Asyano. Kagamitan ng mag-aaral sa Filipino. Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) T o rres - Y u, R os a r i o . (2 6 ). Pa nu n u r ing pamp a ni tikan n g Pi l i p ina s . Q uez o n City. University of the Philippines Press. Vi l lafue r te, P a t r icio V. Pa nu n u r i n g Pampani ti k an ( T eorya at Pag s a s anay). Mutya Pu b l i s h i n g H o use, Veln z uela City , Ph i l i pp in e s , 2 00 .