Aralin 7: Mga Bagay at Kaisipang Pinagbatayan sa Pagkilala sa Sinaunang Kabihasna Second Quarter Month2
Aralin 8: Ang mga Relihiyon at Paniniwalang Asyano
Brahman – tagapaglikha, kinikilala bilang 'diyos ng mga diyos' at walang kamatayang
nilalang ng mga Hindu. Kinikilalang lumikha ng sangkatauhan at sanhi ng lahat ng bagay sa
daigdig.
"Vishnu" ang pangalang ikinabit kay Brahman bilang diyos na tagapangalaga na
sumusuporta at tumutulong sa mga Hindu sa panahon ng pangangailangan.
Shiva -"diyos na tagapuksa"
Vedas - banal na aklat ng mga Hindu na naglalaman ng mga panalangin, awit, at mga
pelosopiya.
Caste -sa ilalim ng sistemang ito, naniniwala ang mga Hindu na kung ang isang tao ay
ipinanganak sa isang Brahmin, siya ay pinagkalooban ng isang magandang karma bunga ng
nagawang kabutihan sa kanyang nakaraang buhay.
-nagtatakda ng sumusunod: ang kanilang pagkain at kung paano ito kinakain, kanilang
personal na kalinisan, paraan ng pananamit, at mga taong makakasalamuha nila.
Ritwal ng Hinduism
Ganges -ipinapalagay ng mga Hindu bilang banal na pook ng relihiyong Hinduism. -
tradisyon ng mga Hindu ang dumayo dito kada taon upang maligo sa paniniwalang ang
gawaing ito ay maaaring makalinis sa kanilang katawan at kaluluwa.
Tarpan -isang ritwal para sa kapayapaan ng kaluluwa ng nangamatay
Mga Selebrasyon ng Hindu
Holi -ipinagdiriwang ng mga Hindu tuwing tagsibol. -ito ay ginaganap bilang paggalang kay
Shiva. Ginaganap ito sa pamamagitan ng maingay at makulay na pagpaparada.
Divali -bagong taon ng mga Hindu. Ito ay ginaganap upang ipagdiwang ang kasaysayan ng
buhay ng kinikilala nilang si Rama at ng kanyang asawa.
Buddhism
Isa sa mga relihiyong nangingibabaw sa Asya.
Sa kasalukuyan, maraming Buddhist ay naninirahan sa Timog -silangang Asya, Sri Lanka,
at Japan.
Mayroong iba't ibang sekta ang relihiyong ito, ngunit ang lahat ng sektang ito ay nagkakaisa
sa pananalig sa aral ni Budha - ang dharma.
sumilang sa India noong ika-16 na siglo.
Dharma - simbolo ng Buddhism. Sinasabing ang gulong na ito ay pinagalaw ni Buddha
nang una niyang gawin ang pangangaral na inilalarawan ng isang gulong.
Ayon sa alamat, nagsimulang maguluhan si Gautama nang mamalas niya ang
pagpapakasakit at ang tanging paraan upang matakasan o makaligtas sa pagpapakasakit na
ito ay sa pamamagitan ng pagtatamo ng karunungan. Si Gautama ay naglakbay habang
nagninilay-nilay at nanalangin hanggang sa minsan ay dagli niyang nadama ang katotohanan
ng buhay habang nakaupo sa lilim ng punong Bodhi. Dahil dito, siya ay kinilala bilang
"Ang Isang Naliwanagan" o "The Enlightened One."
Four Noble Truths
1.ang buhay ng tao ay puno ng pagpapakasakit at kalungkutan
2.ang pagpapakasakit at kalungkutan ay sanhi ng kasakiman ng tao sa kasiyahan at mga
materyal na bagay,
3.matatapos lamang ang pagdadalamhati ng tao sa pamamagitan ng pagwawaksi sa labis
na pagnanais sa kasiyahan at materyal na bagay.
Ang nirvana ay maaabot lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa Eightfold Path at Middle
Way, ang buhay sa labis na pagnanais at pagpapakasakit sa sarili.
Ritwal ng Buddhism
Monghe ang tawag sa mga taong nagtatalaga ng kanilang buhay sa mga aral ni Buddha. ang
mga monghe ay inaasahang mamuhay sa kahirapan, sa pagninilay-nilay, at sa pag-aaral.
kinakailangang mamalimos ang mga monghe ng kanilang makakain. -bawal sa mga monghe
ang makipag-usap sa sinumang taong magbibigay sa kanila ng limos.
Pag-aalay ng insenso, prutas, at bulaklak kay Buddha bukod sa pag-awit ng sutras (sitting
meditation).
Ang Paglaganap ng Buddhism
Sa katunayan, hindi balak ni Gautama na magtatag ng relihiyon, ngunit sa kanyang
pagkamatay, ipinangaral at ipinalaganap ng kanyang mga disipulo ang kanyang mga aral.
Ito ay lumaganap mula sa pinagmulan nito sa Hilagang India patungong Sri Lanka, Burma,
Thailand, Indochina, at iba pang bansa sa Timog-silangang Asya. At lumaganap din ito
7 | P a g e M a l a s i q u i C a t h o l i c S c h o o l ,
I n c