Itago ang cellphone Makinig Sumagot kung tatawagin ang pangalan Itaas ang kamay kung magsasalita Respetuhin ang bawat isa sa klase
B__W__S
EM_L_YAD_
P_OD_K_YO_
_ A_AHA_A_N
PATAKARANG PISKAL
Ano ang patakarang piskal ? Ayon kina Balitao , Bernard R. et al. sa kanilang aklat sa ekonomiks Araling Panlipunan para sa Mag- aaral , ang patakarang piskal ay tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya .
Ano ang Buwis ? Ang buwis ay ang perang nanggagaling s mamamayan at ito rin ang nagbibigay buhay sa pamahalaan . Ang buwis na nalilikom ay napupunta sa iba’t ibang programa at proyekto ng pamahalaan upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa .
Dalawang Pamamaraan sa Ilalim ng Patakarang Piskal 1. Expansionary Fiscal Policy 2. Contractionary Fiscal Policy
Expansionary Fiscal Policy Ito ay isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa na kung saan ay mababa sa inaasahan ang dahil hindi nagagamit ang lahat ng resources.
Expansionary Fiscal Policy Sa kondisyong ito ay karaniwang mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan at walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon . Ito ay nagdudulot ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis para sa pamahalaan .
Expansionary Fiscal Policy Ang Pamahalaan ay nagpapatupad ng mga desisyon upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya . Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis .
Kailan pinapairal ang expansionary fiscal policy?
Contractionary Fiscal Policy Ito ay ipinatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya dahil lubhang masigla ito na maaaring magdulot ng overheated economy na mayroong mataas na pangkalahatang output at employment.
Contractionary Fiscal Policy Overheated Economy - Labis ang sigla ng ekonomiya kung saan mataas ang employment at output.
Contractionary Fiscal Policy Ano ang ginagawa ng pamahalaan ukol dito ?
Contractionary Fiscal Policy Ang pamahalaan ay nagbabawas ng gastusin upang mahila pababa ang kabuuang demand.
Contractionary Fiscal Policy Ano ang resulta sa mga hakbang na ito ng pamahalaan ?
Contractionary Fiscal Policy H ihina ang produksiyon dahil mawawalan ng insentibo ang bahay-kalakal na gumawa ng maraming produkto .
Contractionary Fiscal Policy Magdudulot ito ng pagbagal ng ekonomiya , liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at makokontrol ang implasyon .
Kailan pinapairal ang expansionary fiscal policy?
Kailan pinapairal ang contractionary fiscal policy?
Gawain 4: Talento mo , Show mo ! Panuto : Pangkatin ang klase sa apat na pangkat . Bubuuin ninyo ang nagulong salita , at bigyang interpretasyon ito sa pamamagitan ng paggawa ng kanta , tula , poster, o slogan. Ipresenta ang inyong gawa sa harap ( 15 minuto )
Ano kaya ang gampanin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng patakarang piskal ?
Gawain 5: Pagpipili Panuto : Basahin ng mabuti ang bawat tanong at sulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang .
1. Ito ay ipinatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya na maaaring magdulot ng overheated economy. a.Buwis b. Patakarang Piskal c. Expansionary Fiscal Policy d.Contractionary Fiscal Policy
2. Ito ay patakarang nauukol sa pagpapataas ng output ng ekonomiya sa pamamagitan ng pamahalaan at pagbawas ng buwis . Sa ganitong paraan ay tumataas and demand, ang presyo ang produksyon at empleo . a.Buwis b. Patakarang Piskal c. Expansionary Fiscal Policy d.Contractionary Fiscal Policy
3 . Ito ay patakarang nauukol sa pagbawas sa kasiglahan ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbawas sa gastos ng pamahalaan at pagpapataas ng buwis . Sa ganitong paraan ay baba ang demand,ang presyo,ang produksyon at empleo . a.Buwis b. Patakarang Piskal c. Expansionary Fiscal Poly d.Contractionary Fiscal Policy
4. Ito ay kumokontrol sa expansionary fiscal Policy at contractionary Fiscal Policy. a. Presyo b. Demand c. Empleyo d. Pamahalaan
5. Kapag nadagdagan and kapital nga mga namumuhunan ay tataas ang _______. a.Buwis b.Presyo c. Produksyon d.Demand
Takdang Aralin : Panuto : Magsaliksik sa internet kung ano ang mga programa ng gobyerno na ipinapatupad sa ilalim ng Expansionary Fiscal Policy at Contractionary Fiscal Policy.