Araling Panlipunan 9-q2 m1- Konsepto ng Demand.pptx

NorieAnnAGanal 0 views 22 slides Sep 24, 2025
Slide 1
Slide 1 of 22
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22

About This Presentation

AP9-Q2M1- Konsepto ng Demand


Slide Content

Suriin mong mabuti ang larawan at sagutin ang mga katanungan .

Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan Modyul 1: Demand

Tula- nalysis : Basahin at unawaing mabuti ang tula at sagutin ang mga katanungan .

ANG KONSEPTO NG DEMAND Demand ang tawag sa dami ng handa at kayang bilhing kalakal o serbisyo ng isang mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon . Mamimili ang tawag sa mga bumibili ng mga produkto at serbisyo . Gumagawa ito ng desisyon sa tuwing namimili sapagkat may mga pangangailangan at kagustuhan na kailangang matugunan .

Batas ng Demand (Law of Demand) ito ay isang ekonomikong konsepto na nagpahahayag sa ugnayan ng presyo at dami ng demand. I sinasaad sa batas ng demand na ang presyo at ang quantity demanded o dami ng demand sa mga produkto at serbisyo ay mayroong inverse relationship o magkasalungat na ugnayan . I big sabihin , kapag tumaas ang presyo (D) ng isang partikular na produkto o serbisyo , ang quantity demanded (QD) ay bababa . ngunit , kapag bumaba naman ang presyo nito , tataas ang quantity demanded (ceteris paribus).

Batas ng Demand (Law of Demand) Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo ng mga kalakal at dami ng demand ay may inverse relationship. Kapag ang presyo ay mababa , mataas ang demand; pero kapag mataas ang presyo mababa ang demand.

ceteris paribus ay nangangahulugang tanging ang presyo lamang ang nakaaapekto sa pagtaas o pagbaba ng demand. W alang ibang salik o dahilan ang maaaring makapagpabago o makaaapekto sa dami ng demand.

Ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at ng dami ng demand ay maaaring maipaliwanag sa dalawang epekto . 1 . substitution effect Ipinaliliwanag nito na kapag mataas ang presyo ng isang produkto , ang konsyumer ay naghahanap ng kapalit na produktong katulad nito pero mas mababa ang presyo . Halimbawa , ay mabenta at mataas ang presyo ng mga produktong multivitamins. Maghahanap ang mga mamimili ng kapalit nito na mas mura .

Ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at ng dami ng demand ay maaaring maipaliwanag sa dalawang epekto . 2. INCOME EFFECT ayon dito , mas lumiliit ang halaga ng kita ng tao kapag mataas ang presyo ng mga produkto . Pero kapag mas mababa ang presyo ay mas marami ang pwede 8 bilhin ng mamimili dahil tataas ang kaniyang kakayahang bumili . Halimbawa , sa sweldong php 500.00 ay makakabili ka ng tatlong bote ng 100 ml. Rubbing alcohol kung ang presyo ay php 150.00 bawat isa. Pero ngayong pandemya , sa pagtaas ang presyo ng rubbing alcohol sa php 250.00 ay malilimitahan na lang sa dalawa ang iyong pwedeng bilhin .

Iskedyul ng Demand (Demand Schedule) Ang demand schedule ay isang talahanayan na nagpapakita sa ugnayan ng kalakal at dami ng demand ng mamimili sa iba’t ibang presyo . Tunghayan ang halimbawa sa talahanayan

Kurba ng Demand (Demand Curve) Ang demand curve ay isang paglalarawan sa demand schedule gamit ang grapikong presentasyon para makita ang di- tuwiran o magkasalungat na ugnayan ng presyo ng produko at ng quantity demanded nito .

Pagbabago ng Kurba ng Demand (Shift of the Demand Curve) Sa pagbabago ng presyo , nagbabago rin ang demand natin sa mga produkto . Ito ay mapapansin sa paglipat ng punto sa iisang kurba ng demand. Sa panahong hindi nagbabago ang presyo ng isang produkto , may pagkakataon pa ring nagbabago ang demand dahil sa iba’t ibang salik . Dahil dito , ang pagbabago ng demand ay magbubunga ng paglipat ng kurba sa kanan o sa kaliwa . Ang paglipat ng kurba sa kanan (right ) ay nangangahulugan ng pagtaas sa demand. Habang , ang paglipat ng kurba sa kaliwa (left) ay nagpapakita ng pagbaba sa demand. Ang paglipat ay mula D1 patungong D2. Pansinin mo ang mga sumusunod na grap sa ibaba .

Pagbabago ng Kurba ng Demand (Shift of the Demand Curve)

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbabago ng Demand

Panuto : Buuin mo ang mga salita sa Hanay A at ipaliwanag ang kahulugan ng bawat nabuong salita sa Hanay B.
Tags