Araling Panlipunan Module Grade 8- Deped

jolinefontanilla 26 views 14 slides Mar 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 14
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14

About This Presentation

Araling Panlipunan


Slide Content

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 14: Ang Cold War
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Corneil Vincent P. Cruz
Editor: Cesar Y. Basilio/Nida A. Leaño
Tagasuri: Bernard R. Balitao
Tagaguhit: Glady O. Dela Cruz
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, Ed.D.
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 14
Ang Cold War

8

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Modyul 14
para sa araling Ang Cold War
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay -Lungsod Pasig na
pinamumunuan n g Nanunuparang Pinuno -Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag -aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pan g-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:






Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.







Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 Modyul 14 ukol sa araling
Ang Cold War
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na da pat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag -aaral.

MGA INAASAHAN

PAUNANG PAGSUBOK
BALIK-ARAL


Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nasasabi ang kahulugan ng Cold War
B. Naibibigay ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Cold War.
C. Nasusuri ang mga bansang nahati sa dalawang ideolohiya
D. Naiisa-isa ang mga naging mabuting at di-mabuting epekto ng Cold War




Sagutin ang mga katanungan, piliin ang sagot mula sa kahon

Apollo 11 Cold War Mao Tse
Tung
Salt I 17
th Parallel 38
th Parallel


________1. Pinuno ng kalakalang Tsina at nagtatag ng Komunismo sa bansa.
________2. Alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng armas.
________3. Paraan ng pagkakahati sa Vietnam.
________4. Kauna-unahang misyon sa kalawakan na nakapagdala ng unang tao sa
buwan
________5. Paraan ng paghahati sa Korea.





Panuto: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan

IDEOLOHIYA BANSA PINUNO
Russia
Italy
Germany

ARALIN










Ang Pananaw sa Cold War
Ang United States at Unyong Sobyet ay naging
makapangyarihang bansa matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang
ugnayan ng mga bansang ito na kapwa tinatawag
nasuperpower. Nauwi ito sa Cold War na bunga ng
matinding kompetensiya ng mga bansa noong 1940
hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian sa
kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang
dahilan nito. Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo
samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan
sa sosyalismo at komunismo. Malaki ang naging
papel ng Estados Un idos bilang pinakamakapangyarihang kapitalista sa
pagsasaayos ng daigdig matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Upang
mapigil nito ang paglaganap ng sosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng
iba’t ibang hakbang. Sa pamamagitan ng Marshall Plan, tiniyak ng United States
ang pagbangon ng kanlurang Europa bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan,
tiniyak din nito ang pagbangon ng Japan sapamamahala ni Heneral Douglas
MacArthur.

Mga Tunay na Sanhi
Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay dating magkakampi at kasama
sa mga bansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Ngunit dumating nga ang
pagkakataong sila’y nagkaroon ng Cold War o hindi tuwirang labanan. May mga
pangyayaring namagitan sa kanila at lumikha ng tension dahil sa pagkakaiba ng
ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang Estados Unidos ang pangunahing
bansang demokratiko, samantalang ang
Unyong Sobyet ay komunista. Ang kanilang
sistemang politikal ay nakaapekto sa
maraming bansa. Upang mapanatili ng
Unyong Sobyet ang kapangyarihan sa
Silangang Europa, pinutol nito ang
pakikipagugnayan sa mga kanluraning
bansa.
http://www.internationalaffairs.org.au
/australianoutlook/russiaphobia-perils-
new-cold-war/

Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan,
magasin, aklat, at programa sa radyo. Ito ang tinagurian ni Winston Churchill na
Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa
pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran. Lalo
pang umigting angdi pagkakaunawaan dahil
sa kawalan ng bukas na kalakalan ng mga bansang ito. Noong 1945, hiniling ni
Stalin na magtayo ng base militar sa bahagi ng Black Sea at Aegean. Bahagi ito ng
pagpapalawak ng Unyong Sobyet. Bilang tugon sa nagpalabas noong 1947ng
patakarang Truman Doctrine si Harry S. Truman, pangulo ng Estados Unidos.
Mga Bansang Nasa Ilalim ng Impluwensya ng Amerika at Russia
Pagkatapos mapasailalim sa impluwensya ng demokrasya at komunismo ang
mga bansa ay nanatiling tapat sa kanilang paniniwala. Hindi natapos sa Silangan
at Kanlurang Germany ang tunggalian ng dalawang bansa. Napunta ang tagisan nila
ng galing sa mga bansa sa Asya na nahati rin dahil sa kanilang mga ideolohiya.
Halimbawa nito ay Korea. Ang mga Ruso ang namahala sa mga nakatalaga sa hilaga
38° latitud (38th parallel) sa Korea samantalang ang mga Amerikano naman ang
nasa timog. Bago pa man nahati ang Korea, napagkasunduan na ng Estados Unidos
at Unyong Sobyet na gawin nilang isang malayang bansa ang Korea at bigyan ito ng
malayang halalan upang makapagtatag ng isang sentral na pamahalaan. Ngunit ang
kasunduang ito ay hindi sinunod ng mga Ruso at sa halip, nagtayo pa sila ng
komunistang pamahalaan sa Hilagang Korea. Ang Vietnam ay nahati sa Hilaga (17th
parallel) sa pamumuno ng mga Ruso at ang Timog sa pamumuno ng mga Amerikano.
Ang Tsina ay nahati rin sa dalawa. Ang isa ay sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Sen at
ang isa ay sa pamumuno ni Mao Zedong.

Mga Kaganapan sa Bawat Bansa
Ang Kanlurang bahagi ng Alemanya ay sumailalim sa pinagsanib na
kapangyarihan ng Pransya, Gran Britanya, at Estados Unidos sa tinawag na
pamamahala ng “Federal Republic of Germany”. Ginamit nito ang parliyamentaryong
uri ng pamahalaan. Ang Silangang Alemanya naman ay sumailalim sa komunismong
pamumuno ng Unyong Sobyet na kinilala bilang “German Democratic Republic”.
Laban sa nakibakang Tsino sa pamumuno ni Mao, sinuportahan ng Estados Unidos
ang pamahalaang Chiang-Kai-Shek. Ganoon din ang Vietnam, Cambodia, at Laos.
Sa Timog-Kanluran at Timog Asya, sinikap nitong magkaroon ng maiinit na ugnayan
sa Turkey, Iran, at India. Malakas ang suportang ibinigay ng USSR sa mga
pamahalaang sosyalista sa Silangang Europa, Mongolia, at Hilagang Korea. Ganoon
din sa Asya, Aprika, at Latin Amerika.




Truman and Churchill
https://www.historytoday.com/churchill-god-and-
bomb

Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA
Naunahan ng Unyong Sobyet (USSR) ang United States (US) sa pagpapadala
ng sasakyang pangkalawakan. Sinimulan ng paglipad ng Sputnik I noong Oktubre
1957 ang Panahon ng Kalawakan (Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa
kalawakan ang USSR, si Yuri Gagarin na unang
cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng Vostok I
noong 1961. Ngunit nahigitan pa ng US ang USSR
nang nakaikot sa mundo nang tatlong beses noong
1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7.
Sinundan pa ito ng matagumpay na misyon noong
Hulyo 20, 1969 nang unang makat apak sa buwan
ang mga Amerikanong astronaut na sina Michael
Collins, Neil Armstrong, at Edwin Aldrin. Hindi rin
nagpahuli sa mga imbensiyon ang Estados Unidos.
Nakagawa ito ng unang submarino na
pinatatakbo ng puwersang nukleyar, ang USS
Nautilus. Hindi lamang sa gamit pandigma
ginagamit ng US ang lakas atomika kundi pati sa
panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa
medisina, agrikultura, transportasyon, at komunikasyon. Noong ika-10 ng Hulyo,
1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar, isang pangkomunikasyo ng satellite.
Nagulat ang buong mundo sa nagawangito ng US. Sa pamamagitan nito, maaari
nang makatanggap ng tawag sa telepono at makakita ng palabas sa telebisyon mula
sa ibang bansa

Mabuting Epekto ng Cold War
Ang Estados Unidos at Unyong
Sobyet ang nagpasikat sa pagpapalaganap
ng kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan
ng militar, tiniyak din ng Estados Unidos
na maayos ang takbo ng ekonomiya ng
pandaigdigang sistemang kapitalista.
Binuo ang International Monetary Fund (IMF)
upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan
sa mundo. Kasabay ring inayos ang
International Bank for Rehabilitation and
Reconstruction (IBRR) o World Bank upang
tumulong sa gawaing rehab ilitasyon at
rekonstruksyon. Samantala, pagkamatay ni
Stalin ng USSR ay hiniling ni Khrushchev
ang Peaceful Co-existence o Mapayapang
Pakikipamuhay sa halip na
makipaglaban pa sa digmaan. Isinulong
ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagi
https://en.wikipedia.org/wiki/Iron_Curtain
https://sites.google.com/site/thecoldwarinberlin/ho
me/cold-war-technology/military-technology
https://science.howstuffworks.com/nasa-space-race.htm

MGA PAGSASANAY

ging bukas ng pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng
pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at
Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race upang maituon angbadyet
sa ekonomiyaat pangangailangan ng nakararami. Maraming imbensiyon ang
naisagawa ng dalawang panig: ang pagpapalipad ng Sputnik I ng USSR, at Vostok I,
sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid sa mundo. Ang US naman ang
nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang nukleyar na hindi lang
ginamit sa digmaan kundi pati na sa medisina at komunikasyon.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War
Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika,
pang-militar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga
manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang -
ekonomiya. Dahil sa matinding sigalot bunga ng Cold War, iginigit ng dalawang
puwersa ang kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na
pagkakaisa.Nagkaroon pa ng banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahan
pansandatahan tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW
Treaty Organization o Warsaw Pact, atikatlong puwersa o kilusang non-aligned.








Panuto: Isulat ang M kung mabuti at DM kung di-mabuting epekto ng Cold War.
_____1. Pag-unlad ng Scientific Research at Invention.
_____2. Gumawa ang U.S noong 1996 ng multiple warheads na pinantayan ng
SovietUnion sa loob ng 2 taon.
_____3. Natulungan ang mga bansa sa kanilang ekonomiya sa pinsala ng digmaan.
_____4. Tungkulin ng Pamahalaan na bigyan ng proteksyon at seguridad ang
kanyang nasasakupan.
_____5.Banta ng Nuclear Weapons.
_____6.Mas maraming produkto at serbisyong mapagpipilian ang mga mamimili.
_____7.Kapag may hinalang gumawa ng mas malakas na bomba ang kaaway, gagawa
ng mas malakas pa nito ang kabila.
_____8. Nanguna ang U.S sa paggawa ng unang bomba atomika noong 1949 at
Pagpaparami ng Armas.
_____9. Mas mababang presyo ng bilihin dahil sa mas malayang kompetisyon
_____10.Takot at pangamba ng bawat bansa.

PAGLALAHAT
PAGPAPAHALAGA







Panuto: Buin ang sumusunodna Organizer. Bigyang kahuligan ang salitang Cold
war. Isulat ang mga konsepto na nakapaluob sa salitangito.









Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Magbigay ng dalawang patakaran na ipinatupad ng Estados Unidos sa Pilipinas
nang masakop nila ito? Ano ang opinion mo tungkol sa mga patakarang iyon?
Nakabuti ba o nakasama?Bakit?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.


maikling paliwanag tungkol
sa COLD WAR
dalawang ideolohiyang nag
laban
dalawang bansa na
nagtulak ng mga ideolohiya
mabuti at di mabuting epekto

PANAPOS NA PAGSUSULIT







Sagutin ang mga katanungan, piliin ang sagot mula sa kahon

Apollo 11 Cold War Mao Tse
Tung
Salt I 17
th Parallel 38
th Parallel


________1. Kauna-unahang misyon sa kalawakan na nakapagdala ng unang tao sa
buwan.
________2. Paraan ng paghahati sa Korea.
________3. Paraan ng pagkakahati sa Vietnam.
________4. Pinuno ng kalakalang Tsina at nagtatag ng Komunismo sa bansa.
________5. Alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng armas.

SUSI SA PAGWAWASTO






Sanggunian

A. Aklat
• Blando, Rosemarie C., Mercado, Micheal M., Cruz, Mark Alvin M., Esperitu,
Angelo C., De Jesus, Edna L., Pasco, Asher H., Padernal, Rowel S., Manalo
Yorina C., Asis, Kalenna Lorene S., 2014 Modyul sa Araling Panlipunan:
Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon, Pasig City, Philippines, Vibal Group,
Inc.


PAUNANG PAGSUBOK
1. Mao tse Tung
2. Cold war
3. 38
th
parallel
4. Apollo 11
5. 17
th
parallel

Balik aral

Komunismo - Lenin
Fascismo - Mussolini
Nazismo -Hitler

PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. Apollo11
2. 17
th
parallel
3. 38
th
parallel
4 mao tse tung
5. Col war




Pagsasanay
1.M
2.DM
3.M
4.M
5.DM
6.M
7.DM
8.DM
9.M
10.DM



Paglalapat at Pagpapahalaga

Maaring magkakaiba ang sagot, isangguni ito sa gurong tagapayo.

• Mateo, Grace et. al, 2012, Araling Panlipunan Serye III: Kasaysayan ng
Daigdig, Quezon City, Phillipines, Vibal Publishing House, Inc.

• Soriano, Cella D., Antonio, Eleanor D., Dallao, Evangeline M., Imperial,
Consuelo M., Samson, Carmelita B. 2017, Kayamanan: Kasaysayan ng
Daigdig, Quezon City, Philippines, Rex Bookstore

B. Module
Project EASE G9 Araling Panlipunan Module 19 Unang Edisyon 2014

C. Elektronikong Sanggunian

• http://www.internationalaffairs.org.au/australianoutlook/russiaphobia-
perils-new-cold-war/
• https://www.historytoday.com/churchill-god-and-bomb
• https://en.wikipedia.org/wiki/Iron_Curtain
• https://sites.google.com/site/thecoldwarinberlin/home/cold-war-
technology/military-technology
• https://science.howstuffworks.com/nasa-space-race.htm
Tags