araling panlipunan second quarter exam 5 q2 pt.docx
OlayaSantillana
15 views
9 slides
Dec 04, 2024
Slide 1 of 9
1
2
3
4
5
6
7
8
9
About This Presentation
exam
Size: 223.63 KB
Language: none
Added: Dec 04, 2024
Slides: 9 pages
Slide Content
Department of Education
Schools Divisions of Nueva Ecija
Santa Rosa North District
San Isidro Elementary School
SY: 2024-2025
PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan:__________________________ Iskor_________
Lagda ng Magulang:______________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
patlang.
_______1. Ano ang tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa?
A. kapitalismo
B. kolonyalismo
C. komunismo
D. sosyalismo
_______2. Kailan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?
A. Marso 2,1521
B. Marso 6,1521
C. Marso 16,1521
D. Marso 31,1521
_______3. Sino ang pinuno ng Cebu na bininyagan bilang tanda ng pagiging Kristiyano?
A. Lapu-Lapu
B. Rajah Humabon
C. Rajah Kolambu
D. Rajah Sulayman
_______4. Sino ang pinuno ng mga Espanyol na nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila?
A. Juan Garcia
B. Miguel Lopez de Legazpi
C. Ruy Lopez de Villalobos
D. Saavedra Ceron
_______5. Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na napasailalim sa kapangyarihan ni Legazpi
maliban sa isa. Ano ang lugar na ito?
A. Albay B. Cavite
C. Masbate D. Mindoro
_______6. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang .
A. espirito B. kaugalian
C. sulat D. wika
_______7. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang
Pilipino ang mga sumusunod na maipagmamalaki natin ngayon maliban sa isa. Ano ito?
A. Awit at sayaw
B. Katapangan
C. Kristiyanismo
D. Paraan ng pagsulat
_______8. Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa
mga yumaong pamilya, ito ay isa sa mga ng ating mga ninuno o sinaunang kabihasnansa ating
lipunan.
A. Ala-ala
B. Katuwaan
C. Kontribusyon
D. Simbolo
_______9. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating
mga ninuno sa ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit
B. Sistema ng pagsulat
C. Paraan ng pakikipagdigma
D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha
_______10. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay
may sariling kultura, paniniwala, wika, at pagsulat.
A. Tama
B. Mali
C. Hindi ako sigurado
D. Hindi ako naniniwala
_______11. Kailan nagsimulang palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo sa bansa?
A. pagdating ng mga Hapon
B. pagdating ng mga Espanyol
C. pagdating ng mga Amerikano
D. pagdating ng mga Austronesyano
_______12. Ang nanguna sa pagpapalaganap ng Relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas ay
mga
A. katutubong bininyagan
C. misyonerong Espanyol
B. pinunong Espanyol
D. sundalong Espanyol
_______13. Ito ay isang maliit na isla sa Samar na kauna-unahang napuntahan nila Magellan.
A. Bohol
B. Cebu
C. Homonhon
D. Limasawa
_______14. Sa ilalim ng kapangyarihang panghukuman, ang prayle ay may kapangyarihang .
A. magpasya kung sino ang ititiwalag sa simbahan
B. mamahala sa halalang lokal at gawaing pambayan
C. magtala ng bilang ng mga ipinanganganak at inililibing
D. mangasiwa sa sakramento tulad ng binyag, kumpil, at kasal
_______15. Ang mga sumusunod ay batas na dapat sundin sa pagpapabinyag maliban sa isa.
A. dapat may pangalan na hango sa santo
B. dapat pormal na tinatanggap bilang kasapi ng relihiyon
C. dapat may dugong Espanyol ang pamilya ng nagpapabinyag
D. dapat may huling pangalan o apelyido ng Espanyol ang bibinyagan
_______16. Ito ay bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga lupain ang paglaganap
ngRelihiyong Kristiyanismo.
A. Gold
B. God
C. Glory
D. Rosary
_______17. Itinuturing na kayamanan ang mga lupaing nasakop ng Espanyol sapagkat
napapakinabangan nila ang yamang tao at kalikasan nito.
A. Gold
B. God
C. Glory
D. Rosary
_______18. Isang karangalan ng mga mananakop ng makapangyarihang na bansa ang
pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop na lupain.
A. Gold
B. God
C. Glory
D. Rosary
_______19. Siya ang itinalaga ng mga Espanyol sa paglaganap ng Kristiyanismo sa mga lungsod.
A. Datu
B. Prayle
C. Alipin
D. Madre
_______20. Lugar kung saan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas.
A. Cebu B. Bohol
C. Limasawa D. Manila
_______21. Ang malaking papel sa pagpapatupad ng Kristiyanismo ay ginampanan ng
A. gobernadorcillo
B. pamahalaan
C. simbahan
D. tahanan
_______22. Ano ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop ng mga katutubo?
A. pagpapayaman ng mga katutubo
B. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
C. pagtatag ng pamahalaang sultanato
D. paglalakbay sa mga magandang tanawin
_______23. Paano naakit ang mga Pilipino sa Kristiyanismo?
A. Binigyan ng sertipiko ang mga Pilipino.
B. Binigyan sila ng mga lupaing sasakahin.
C. May libreng pabahay ang mga dayuhan.
D. Gumawa ng paraan ang mga prayle para matanggap sila.
_______24. Paano ipinakita ni Magellan ang Pwersa Militar ng Espanya sa pagpasok nila sa Pulo
ng actan?
A. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan.
B. Nagsanduguan sina Lapu-lapu at Magellan.
C. Nagdadala sila ng mga pagkain galing sa Cebu.
D. Nagdaraos ng pagpupulong si Magellan sa kanilang pinuno.
_______25. Sino ang unang itinalagang pinuno ng Pwersang Militar ng Espanya sa Maynila?
A. Andres de Urdaneta
B. Ferdinand Magellan
C. Martin de Goiti
D. Rajah Matanda
_______26. Sa pananakop ng mga Espanyol , ang simbolo ng hukbong sandatahan ay______
A. espada B. ginto
C. krus D. pera
_______27. Sino ang pinuno ng Cebu nang sakupin ni Legaspi ang kanilang lugar?
A. Humabon
B. Kolambu
C. Lapu-lapu
D. Martin de Goite
_______28. Ano ang kadalasang nangyari sa mga lumaban sa mga Espanyol?
A. binibiyayaan
B. pinaparusahan
C. nagiging opisyal
D. nagiging sundalo
_______29. Ano ang ginagawa ng mga Espanyol kung hindi sila tinatanggap ng mga katutubo sa
kanilang lugar?
A. lumisan sila
B. nagpaalipin sila
C. nagmamakaawa sila
D. gumagamit sila ng puwersa
_______30. Bakit natalo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. duwag sila
B. kulang sa armas
C. maawain sila sa dayuhan
D. marunong silang gumamit ng baril
_______31. Ang relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol ay ____.
A. Animismo
B. Budismo
C. Kristiyanismo
D. Paganismo
_______32. Ito ay patakarang sapilitang ipinatupad ng mga Espanyol para lumipat ng tirahan ang
mga katutubo.
A. Doctrina Ekspedisyon
B. EkspedisyonReduccion
C. Kristiyanisasyon
D. Reduccion
_______33. Ano ang simbolong Kristiyano ang ipinatayo ng mga Espanyol para maipalaganap
ang Relehiyong Kristiyanismo?
A. Espada
B. Krus
C. Simbahan
D. Tubig
_______34. Sa paggawa ng seremonya, ano ang ginamit ng mga Espanyol kapalit ng mga bagay
sa kalikasan?
A. Imahen ng Pari
B. Imahen ng Gobernador
C. Imahen ng Santo at Santa
D. Imahen ng Hari ng Espanya
_______35. Ang sapilitang pagpapatupad ng Kristiyanismo ay naging daan para sa_________.
A. Kanonisasyon
B. Kolonisasyon
C. Komunikasyon
D. Komunyon
_______36. Ano ang katibayang papel na pinanghahawakan ng mga Pilipino na sila ay
nagbabayad ng buwis sa Pamahalaang Espanyol?
A. bandala
B. cedula personal
C. listahan
D. resibo
_______37. Ang taunang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na kailangang ibenta ay
tinatawag na_____.
A. bandala
B. encomienda
C. real situdo
D. tribute
_______38. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng sapilitang paggawa sa Pilipinong
polista?
A. Naging mapagkumbaba sila.
B. Natuto silang magtipid ng pagkain.
C. Sila ay naging matiyaga sa pagtatrabaho.
D. Nawawalay sila sa kanilang pamilya nang matagal.
_______39. Ang pinakamapangyarihang opisyal sa bansa sa pamahalaang sentral ay___.
A. Alcalde Mayor
B. Cabeza de Barangay
C. Corrigedor
D. Gobernador-Heneral
_______40. Ang tawag sa ibinayad na halaga ng isang polistang hindi makapagtatrabaho sa
sistemang polo.
A. encomienda B. falla
C. reduccion D. tribute
_______41. Bakit mahalaga ang tungkulin ng Royal Audiencia sa panahon ng Espanyol?
A. Ito ang nagsisilbing hukumang pambarangay noon.
B. Ito ang sumasaklolo sa mga Pilipinong nagkakasala
C. Ito ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng Espanyol
D. Ito ang nagbibigay ng sweldo sa mga opisyal ng pamahalaan.
_______42. Sino-sino ang nagtatrabaho sa Polo Y Servicio?
A. babaeng walang asawa
B. mga hindi lumipat sa poblacion
C. mga lalaking walang asawa
D. mga lalaking 16 hanggang 60 taon
_______43. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ng mga polista noon?
A. pagkakaingin
B. pagtitinda ng alahas
C. pagtatrabaho sa mga pamilihan
D. pangunguha ng mga ligaw na hayop at prutas
_______44. Sa pagpapatupad ng patakarang bandala, ang mga magsasaka ay____
A. Binabayaran kaagad ang kanilang mga produkto.
B. Kinukumpiska ang mga produkto ng mga katutubo.
C. May kapalit na produkto rin galing sa mga Espanyol.
D. Binibigyan ng premyo ng mga Espanyol kung makukuha ang mga produkto.
_______45. Ang paglikom ng buwis ay napupunta sa tungkulin ng ___
A. pamahalaang lokal
B. kataas-taasang hukuman
C. pamahalaang sentral
D. pampublikong pamahalaan
_______46. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?
A. Para maging pari din ang mga Pilipino
B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
C. Para ganap na maipatupad ang kolonyalismo
D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino
_______47. Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para magtagumpay
ang kanilang pananakop sa bansa?
A. pakikipagkaibigan sa mga katutubo
B. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
D. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba pa.
_______48. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino
dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
A. divide and rule B. kolonyalismo
C. merkantilismo D. sosyalismo
_______49. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentro
ng populasyon?
A. Falla B. Polo Y Servicio
C. Reduccion D. Residencia
_______50. Alin sa mga gawaing nakatala sa ibaba ang hindi ginawa sa Simbahang Katoliko
noon?
A. Pagmimisa sa pamumuno ng pari
B. Pagsasaulo ng mga dasal at rosaryo
C. Pag-awit ng mga awiting pansimbahan
D. Pag-aayuno ng anim na buwan
SUSI SA PAGWAWASTO: ARALING PANLIPUNAN 5
1. B 26. A
2. D 27. A
3. B 28. B
4. B 29. D
5. B 30. B
6. B 31. C
7. C 32. D
8. C 33. B
9. D 34. A
10. A 35. B
11. B 36. B
12. C 37. A
13. C 38. D
14. A 39. D
15. C 40. B
16. B 41. C
17. A 42. D
18. C 43. A
19. B 44. B
20. C 45. A
21. C 46. C
22. B 47. C
23. D 48. A
24. A 49. C
25. C 50. D
Department of Education
Schools Divisions of Nueva Ecija
Santa Rosa District
San Isidro Elementary School
SECOND QUARTER EXAM IN ARALING PANLIPUNAN 5
TABLE OF SPECIFICATION
S.Y. 2024-2025
Most Essential Learning
Competencies
No. of
Days/
Bilang
ng Araw
Percentag
e/
Porsyento
ng Aytem
No. of
Items/
Bilang
ng
Aytem
Kinalalagyan ng Bilang batay sa Bloom’s Taxonomy Level of Learning( Item Placement)
Rememberi
ng
Pagbabali
k- tanaw
o Kaisipan
Understandin
g
Pag-unawa
Applying
Paglalapat/
Paggamit
Analyzing
Pag-analisa
Evaluation
Pagtataya
Creating
Paglikha
maipapaliwanag at
mapapahalagahan mo
ang mga dahilan at layunin
ng pananakop ng mga
Espanyol.
16
40%
20
1-4 5-12 13-15 16-18 19 20
Makasusuri ng mga paraan
sa pagsasailalim ng
katutubong populasyon sa
kapangyarihan ng Espanya
sa pamamagitan ng
Pwersang Militar/ divide
12 30% 15 21-24 24-29 30-31 32-33 34 35
and rule, at Kristiyanisasyon.
inaasahang makapagsusuri
sa mga epekto ng mga
patakarang kolonyal na
ipinatupad ng Espanya sa
bansa
12
30%
15
36-39 40-44 45-46 47-48 49 50
Kabuuan
40
100% 50
Submitted by: Checked by:
Olaya D. Santillana Teodoro P. Santos Jr.
Teacher I Teacher in Charge