BANGHAY ARALIN.docx lesson plan ni mela

CarmelaSanJuan 43 views 5 slides Dec 10, 2024
Slide 1
Slide 1 of 5
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5

About This Presentation

filipino


Slide Content

BANGHAY ARALIN
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag- aaral ay inaasahang:
I. LAYUNIN
a.Nahihinuha ang mga kahulugan ng parabula.
b.Nailalahad ang ang mensaheng nais iparating ng binasang paksa.
c.Nakabubuo ng sariling kwento ang mga mag-aaral hango sa totoong buhay.
II.PAKSANG ARALIN
PAKSA: Talumpati
SANGGUNIAN: Internet,Bibliya
KAGAMITAN:Tarpapel
ESTRATEHIYA: PICK a PICTURE, CRACK the EGG
PAGPAPAHALAGA: Ano ang mahalagang mensahe ang nais ipahiwatig ng parabulang( Ang
nagparumi sa Tao)
III.PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A.AKTIBI
a.Panimulang Gawain
●Panalangin
●Pagtatala ng liban sa klase
●Pagpapapulot ng basura sa silid-aralan
b.Balik-aral
Estratehiya:Get it read!!!
Panuto:May mga tanong na sasagutan ang
mag-aaral.
Magbigay ng ilang paksang
tinalakay sa mga nakalipas na
aralin?
Ipaliwanag ang kahulugan ng
talumapati?
Ang tinalakay po nong nakalipas na aralin at
tungkol sa bahagi ng talumpati.
Talumpati ito ay isang buod ng kaisipan o
opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng
entablado sa mga pangkat ng tao.

c. pagganyak
Estratehiya: Panonood
Panuto: Panoorin ang bidyu tungkol sa
wikang Pambansa.
https://youtu.be/VBXNB2fyJow
1.Paghahawan ng sagabal
Estratehiya: PICK A PIC
Panuto: Sa pamamagitan ng picture ay may
nakasulat na mga salita hanapin ang kahulugan
at gamitin sa pangungusap.
1.Si Anna ay eksperto sa mga gawaing kapag
ito ay nasisira.
2.Binigkas ni Romeo ang matatamis na salita
para kay Juliet.
3.Nagalak ako at nakarating ka sa aking
kaarawan Julia.
4.Pinagbuklod ng pari ang dalawang
magkasintahan na nag-iibigan.
1. Sanay sa mga gawaing bahay ang batang
ito.
2. Sinabi niya kay mellisa na mahal na mahal
ang kasintahan kahit ayaw ng mga magulang
nya.
3. Natuwa ang mga bata sa clown dahil sa
mga palaro nito.
4. Patuloy na Nagkaisa ang mga tao para sa
kalayaan noong unang panahon.

B.ANALISIS
a.Paglalahad
Estratehiya:Panonood
Panuto: Manunood ng maikling bidyu tungkol sa
wikang Pambansa.
https://youtu.be/WyBQfH8aFfE
b.Pagtatalakay
Estratehiya: crack the egg
Panuto: Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong sa
loob ng itlog.
1. Paano pinapahalagahan ang paggamit ng
wikang Pambansa ? Ipaliwanang.
2. Kung ikaw ay isang katulad ng
manunulumpati gagawin mo rin ba ang ginawa
nya?Pangatwiranan.
3. Paano naging mapanghamon o mahimok ang
isipan ng wakas ng talumpati?Ipaliwanag.
4.Sa kasalukuyan ang wikang pambansa ba ay
nanatili pa din ang paggamit?patunayan.
5.Bakit kailangan ipamulat sa mga tao ang
kahalagahan ng wikang pambansa.?
Ipaliawanag.
● Pinapahalagahan po ang wikang Pambansa sa
pamamagitan ng paggamit natin sa araw -araw na
pakikipag-usap isa pa ay kung walang
pagmamahal ang mga pilipino sa wika maaring
hindi sila magkaunawaan at walang pagkakaisa.
●Kung ako ay isang manunulumpati at may
kakayahan na sabihin ang saloobin tungkol sa
wika gagawin ko rin po ang ginawa nya
upang ang mga tao ay maging bukas ang
isipan sa paggamit ng sariling wika.
●Naging mapanghamon ito sapagkat gumawa
sila ng paraan upang at ipabatid sa
mamamayan ang tungkol dito.
●Sa kasalukuyan meron man nadagdag na
wika at itoy unti-unting pinag aaralan mas
nanatili pa din ang paggamit ng wika na ating
kinagisnan.
●kailagan ipamulat ang kahalagahan ng wika
sa mga tao lalo na kung ikaw ay isang
mamayang Pilipino dahil sa paggamit nito sa
araw-araw na pamumuhay at talastasan
makikita sayo ang pagpapahalaga sa wika.

B.ABSTRAKSYON
C.
a.Paglalahat
Bigyan ng reaksiyon kung ito ay
makatotohanan o hindi?
Bigyan ng reaksiyon kung ito ay
makatotohanan o hindi?
b.Pagpapahalaga
►Bilang isang mag-aaralPaano mo masasabi
na pinapahalagahan ang wikang Pambansa?
Patunayan.
D.APLIKASYON -
a.Pangkatang gawain(10minuto)
Panuto: Ang bawat grupo ay magkakaroon ng
isang taga representa para sa pagtatalumpati na
mabubunot ng bawat grupo.
Ating patunayan sa buong mundo na
kapag may ninanis ang isang pilipino
magagawa nya ito. - Josel Rizal
Katapatang mag-angat sa buhay ng
lahat.katotohanang tatagos sa bawat
puso sa bawat sulok ng bansa. Pag -
asa,pakikiisa.Dito tayo tataya. Dito tayo
tumitindig. Kaya ihanda natin ang ating
bisig,dahil tinitiyak ko: Walang kayang
tumumbas sa pinagbigkis nating lakas.-
Leni Robredo
Hindi ito magagawa sa isang araw, hndi
ito magagawa sa isang buwan o isang
taon lamang ngunit kailangan na nating
simulaan ngayon.
●Masasabi ko po na talagang
pinapahalagahan ang wika dahil sa panahon
ngayon kahit pa nadagdagan ng lenggwahe sa
ating bansa na wikang ingles at sinasabi na
dapat itong pag-aralan ay mas nagagmit pa rin
at hindi tinatalikuran ang sariling wika nating
mga pilipino.

b.PAMANTAYAN
Maayos at Malinaw
ang pagbigkas ng
salita.
Maayos na
prodyeksyon o
tindig .
Masasalamin ang
estilo ng sumulat.
Koneksyon sa
manunonood.
40%
30%
20%
10%
Kabuuan: 100%
IV. EBALWASYON
PANUTO: Ilagay sa patlang ang masaya
kung tama at malungkot kung mali ang
pangungusap.
1. Mahalaga na gamitin ang wika
pambansa sa pakikipag komunikasyon sa iba.
2. Ang wikang Pambansa ay dapat
kalimutan at pag -aralang bago ang wika.
3. Dapat na pahalagahan at tangkilikin
ang wika na ating kinagisnan at nakasanayan.
4. Ang wika ay nakatutulong sa
pagpaphayag ng saloobin ng isang tao.
5. Magkakaunawaan ang isat-isa kung
walang wika.
V.TAKDANG ARALIN
PANUTO: Manuod sa internet ng talumapati
na napapanahong isyu o paksa sa lipunan..
1.Paano napukaw ang iyong isipin na mula sa
paksa?
2.Bigyan ng reaksiyon ang talumpati na iyong
napanuod.
1.
2
3.
4
5.
Inihanda ni:
San Juan, Carmela D.
Tags