barangay health worker as health education and promotion officer Lecture

rhuluisiananip 8 views 23 slides Aug 27, 2025
Slide 1
Slide 1 of 23
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23

About This Presentation

BHW HEPO


Slide Content

PROVINCIAL HEALTH OFFICE Public Health Services

Ang mga BHWs bilang Barangay-Level Health Education and Promotion Officers

BHW Reference Manual Topic Outline Social Determinants of Health Interpersonal na Komunkasyon Social and Behavioral Change Communication (SBCC) Risk Communication Social Listening and Feedbacking 7 Health Priority Areas & 7 Healthy Habits

Ang mga BHWs bilang Barangay-Level Health Education and Promotion Officers Ang mga BHWs ay mahalagang parte ng health system na nagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa mga komunidad , at nagsisilbi ding tulay sa pagitan ng mga tao at ng mga serbisyong pangkalusugan . Inaasahan na may sapat at tamang kaalaman ang mga BHWs bilang healthcare service providers, educators, at community organizers. Dahil sa UHC Act of 2019 na nagpapaigting sa health promotion sa bansa , itinatalaga din ang mga BHWs bilang mga barangay-level health promotion officers. Ibig sabihin , hindi lang pagbibigay ng serbisyo ang tungkulin ng mga BHW, kundi pati na din ang pag -e-educate, pag-oorganisa , at pagmomobilisa ng mga komunidad upang mapabuti ang kanilang kalusugan , mabawasan ang mga panganib o risk factors, at maiayos ang kanilang kapaligiran upang makamit ang pinakamataas na antas ng kalusugan .

Ang mga BHWs bilang Barangay-Level Health Education and Promotion Officers Upang maging epektibong health promotion officers, kinakailangan na may kasanayan ang mga BHWs sa pagkilala sa mga social determinants of health, pagkakaroon ng interpersonal communication, social and behavioral change communication, risk communication, at social listening.

Social Determinants of Health Ang social determinants of health ay ang mga non-medical factors na nakaiimpluwensiya sa kalusugan ng isang indibidwal sa kanyang komunidad . Kasama dito ang maayos na tirahan , pagkain at nutrisyon , kaligtasan mula sa karahasan at kapahamakan , lebel ng edukasyon , hanapbuhay o livelihood, at sanitation o kalinisan ng kapaligiran .

Social Determinants of Health Importanteng maunawaan ng mga BHWs na ang kalusugan ng isang tao o miyembro ng komunidad ay naaapektuhan hindi lamang ng serbisyong pangkalusugan , ngunit pati na din ng mga bagay na nakakaapekto sa kanyang pang- araw - araw na pamumuhay . Mahalagang alam ng BHW na hindi lang sakit at mikrobyo ang nakakaapekto sa kalusugan ng isang tao , kundi pati na din ang mga bagay na nagtataas ng posibilidad na magkasakit sila .

Bilang BHW, mahalagang inaalam ang mga sumusunod : ●   Kalagayan ng pamumuhay (housing o pabahay /basic sanitation) at kung paano ito nakakaapekto sa pangkalahatang kalusugan ●   Kaligtasan ng kapaligiran mula sa kapahamakan o sakuna ●   Pagkakaroon ng masustansyang pagkain ●   May karunungan o kaalaman sa kalusugan at pagkakaroon ng basic education dito ●   Estado ng hanapbuhay at pagkakaroon ng kabuhayan o livelihood

Interpersonal na Komunikasyon Ang interpersonal communication ay ang pagpapalitan ng impormasyon at damdamin sa pagitan ng dalawa o higit pang indibidwal sa pamamagitan ng verbal o non-verbal na komunikasyon . Mahalaga para sa mga BHWs na magkaroon ng kasanayan sa tamang pakikipag-usap sa ibang tao upang makabuo ng magandang ugnayan at maayos na relasyong interpersonal sa mga kasapi ng komunidad , at upang maging epektibo ang pagpaparating ng mga impormasyon pangkalusugan .

Maaaring maipakita ang epektibong interpersonal na komunikasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod : ●   Ipakita ang pagmamalasakit kapag nakikipag-usap sa mga kasapi ng komunidad . Maging maasikaso o matulungin , gawing komportable ang kausap , magkaroon ng eye contact, at ipakita ang pakikiramay upang makabuo ng magandang ugnayan . ●   Bumuo ng tiwala . Hindi dapat pinagsasabi sa iba ang mga impormasyon na ibinibigay ng mga miyembro ng komunidad , at siguraduhin na ang mga nakalap na impormasyon ay mananatiling confidential. ●   Maging magalang sa isa’t isa at panatilihin ang magandang samahan sa mga miyembro ng komunidad upang mahikayat ang magandang komunikasyon at maging bukas sila sakaling mangailangan sila ng tulong . ●   Para matulungan ang mga miyembro ng komunidad sa pangangailangan ng kanilang kalusugan , magtanong ng kinakailangan nilang tulong at makinig para makuha ang tamang impormasyon . ●   Gumamit ng mga salitang angkop base sa kung sino ang kausap . Isaalang-alang din sa pagsasalita ang mga bagay na sensitibo sa kausap , gaya ng kasarian , edad , at lahi . ●   Gumamit ng mga epektibong paraan ng non-verbal na pakikipagkomunikasyon . Gumamit ng tamang tono at postura sa pagsasalita upang ihatid ang mensahe na gustong iparating .

Maaaring maipakita ang epektibong interpersonal na komunikasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod : ●   Maaaring isama ang I-LEARN Method na ginagamit upang maging sensitibo sa kultura ng kausap : ○   Itanong ang mga dahilan ng konsultasyon o pagtatanong . Gumamit ng mga open-ended questions. ○   Pakinggan ang concern ng bawat pasyente tungkol sa kanilang karamdaman , at tanungin ang kanyang interpretasyon base sa kanilang kultural na pananaw . Hayaang magsalita ang pasyente , at iwasang magtanong kung ito ay hindi pa tapos magsalita . ○   Ipaliwanag ang sariling opinyon (base sa mga tamang impormasyon ) sa problema ng kausap , subalit isaalang-alang din ang kanyang pangangailangan bago bumuo ng sariling pananaw . ○   Kilalanin ang pananaw at isyu o problema ng kausap at talakayin kung may pagkakaiba ito sa sariling pananaw ng BHW. ○ Kasama ang pasyente , gumawa ng plano kung ano ang mga susunod na hakbang . Dapat naiintindihan ng pasyente ang kahalagahan ng kanyang partisipasyon sa pagdedesisyon sa kanyang kalusugan .

Social and Behavioral Change Communication (SBCC) Ang SBCC ay isang mahusay na pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon (messages, channels or media platforms, materials, at aktibidades ) na may layuning i -promote ang positibong pagbabago sa kaalaman , values ( pagpapahalaga ) at saloobin , pag-uugali , at social norms ( pamantayang panlipunan ) upang mapabuti ang estado ng kalusugan ng mga miyembro ng komunidad . Ang mga halimbawa ng SBCC ay ang pag-oorganisa ng mga tao , paggamit ng mga angkop na flyers, brochures, at posters, paggamit ng social media kung kinakailangan , meeting, mga pagtitipon , at mga aktibidad sa komunidad .

Social and Behavioral Change Communication (SBCC) Bilang mga barangay HEPOs, ang mga BHWs ay inaasahang makakatulong sa pagtitiyak na maipatupad sa komunidad ang mga gawaing SBCC upang makamit ang mga layunin ng mga gawaing ito .

Ang BHW ay inaasahang ginagawa ang mga sumusunod : Kilalanin ang kakulangan sa kamalayan , kaalaman , pag-uugali , at mga kasanayan ng mga tao sa kanyang nasasakupan , at sa pagtukoy sa mga dahilan ng mga pagkukulang na ito . Alamin ang iba’t ibang sektor ng mga tao sa komunidad . Matukoy ang iba’t ibang audience segments sa komunidad . Halimbawa , ang mga nakakatanda ay sa radyo at flyers nakakakuha ng impormasyon , habang sa social media naman babad ang mga kabataan . Gumamit ng mga paraan ng pagpapakalat ng impormasyong pangkalusugan na angkop sa audience segment na gustong bahaginan ng mensahe . Magsagawa ng mga gawain tulad ng town hall meetings, public forum, assemblies, dialogue, public consultations, at iba pa, sa pakikipag-ugnayan sa barangay officials at sa local midwife, nurse, o physician na magsisilbing tagapagsalita . Panatilihin ang magandang relasyon sa mga miyembro ng komunidad upang mas maengganyo silang sumali sa mga gawaing inoorganisa ng mga BHWs.

Risk Communication Isa din sa mga mahahalagang ginagawa bilang BHW ang pagsisiguradong handa ang komunidad sa anumang krisis , disaster, o sakuna na maaaring maranasan sa barangay.’ Dahil dito , isang kasanayan na kailangan ay ang tamang paraan ng pagpapaliwanag sa mga tao ng mga posibleng panganib na mayroon sa komunidad . Ito ay upang mas maintindihan ng mga tao ang kahalagahan ng paghahanda at ng mga ginagawa ng barangay upang maiwasan ang mas matinding epekto ng mga sakuna .

Bilang barangay HEPO lalo na sa oras ng krisis , kailangang may kakayahan ang mga BHW sa pagpapaliwanag ng mga panganib at sa pag-eengganyo sa partisipasyon ng komunidad upang : ●   Matulungan ang mga tao na maintindihan ang panganib at kanilang kalagayan , at maging handa upang protektahan ang kanilang mga sarili , ang kanilang mga pamilya , at ibang tao sa komunidad . ●   Masiguro ang komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng komunidad at mga autoridad , kasama ang mga BHW at lider ng barangay. ●   Makapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga ginagawang aksyon sa oras ng sakuna .

Social Listening and Feedbacking A ng social listening ay ang proseso ng pag-oobserba ng mga nangyayaring talakayan at usap-usapan sa komunidad na may kinalaman sa kanilang kalusugan . Kasama dito ang pakikinig sa mga pananaw o opinyon sa kasalukuyang isyu sa kalusugan , kung ano ang kanilang negatibong ugali sa kanilang kalusugan , at ano ang mga mga maling impormasyon tungkol sa kalusugan na kumakalat sa komunidad na dapat itama . Mahalaga na makuha ang feedback ng komunidad upang malaman kung katanggap-tanggap ba sa kanila ang mga health services na ibinibigay . Mahalaga ito para sa pagpaplano at pagpapaunlad ng health promotion interventions at strategies na tumutugon sa pangangailangan ng mga tao .

Inaasahan sa mga BHW ang mga sumusunod : Maunawaan ang mga bagay , tradisyon , at paniniwala na pinapahalagahan ng komunidad . Alamin ang mga impluwensyal na personalidad , grupo , at organisasyon sa komunidad na pinapakinggan ng mga tao . Magpakita ng mabuti at magalang na pakikipag-usap ( halimbawa , pagsagot ng tawag sa telepono , magsagawa ng house visits, makisali o makilahok sa usapin ng mga kasapi ng komunidad , alamin at isulat ang kanilang mga concern). Iulat o ireport ang mga nakolektang impormasyon ng maaga sa midwife ng BHS o nurse supervisor ng health facility. Magbigay ng insight kung paano magagamit ang mga nasagap na mga impormasyon sa social listening at feedbacking upang mas mapabuti ang pag -promote ng kalusugan , at mas maprotektahan ang mga mamamayan .

Mga Priority Areas ng Health Promotion Upang makadagdag sa paghahatid ng mga serbisyong medikal para sa mga priority program, ang mga BHW ay dapat na may mga sumusunod na kakayahan : ●   Matukoy ang mga kasama sa komunidad na may mataas na panganib na magkaroon ng mga sakit para mabigyan ng karampatang impormasyon tungkol sa kanilang kalusugan ●   Maituro ang mga sanhi ng sakit at mga panganib na nagpapataas ng tyansang magkasakit . ●   Magturo tungkol sa mga partikular na pagbabago sa pag-uugali o pamumuhay upang maiwasan ang mga panganib na magkaroon ng mga sakit . ●   Mag- organisa ng mga aktibidad sa komunidad at ma- engganyo ang pakikilahok ng mga tao upang masolusyonan ang mga panganib sa kalusugan at mga social determinants of health. ●   Madagdagan ang kaalaman sa mga serbisyong pangkalusugan , at paano ito makukuha ng mga kasama sa komunidad .

Mga Priority Areas ng Health Promotion Upang mas maging simple ang lahat ng health promotion activities, tinukoy ng DOH ang pitong prayoridad ng health promotion, at ang bawat isa ay tumutugma sa isang healthy behavior. Hinihikayat ang lahat ng local government units na ihanay ang mga health promotion activities sa pitong prayoridad na ito .

7 Priority Areas Priority area 1: Move more, eat right Priority area 2: Be clean, live sustainably Priority area 3: Get vaccinated Priority area 4: Don’t smoke, lessen alcohol, say no to drugs Priority area 5: Care for yourself, care for others Priority area 6: Practice safe sex Priority area 7: Do no harm, put safety first

7 Healthy Habits

-END- Maraming Salamat Po!
Tags