Subcontracting Scheme Ang subcontracting scheme ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang pangunahing kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon .
Mga Bahagi ng Iskemang Subcontracting Pangunahing Kontraktor (Principal) : Ang orihinal na kumpanyang may kontrata at nagkuha ng serbisyo . Subcontractor : Ang kumpanya , ahensiya , o indibidwal na kinuha upang gawin ang trabaho . Trabaho o Serbisyo : Ang napagkasunduang gawain o proyekto na ipapagawa sa subcontractor. Panahon at Presyo : Ang napagkasunduang tagal ng trabaho at ang kabayaran dito .
May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting: ● Ang Labor-only Contracting - ang subcontractor ay walang sapat na puhunan para gawin ang trabaho o serbisyo kaya ang pinipiling manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya .
Mga Mahahalagang Punto: Walang Sapat na Puhunan ang Subcontractor: Ang subcontractor ay walang sariling kagamitan , materyales , o sapat na pondo upang maisagawa ang kontrata nang mag-isa. Direktang Kinalaman sa Gawain ng Kompanya : Ang mga manggagawa na ipinadala ng subcontractor ay direktang gumagawa ng trabaho o serbisyo para sa prinsipal na kumpanya . Ang Prinsipal ang May Kontrol : Sa halip na ang subcontractor, ang prinsipal na kumpanya ang direktang nagdidikta at kumokontrol sa mga manggagawa , kasama na ang pagbibigay ng kanilang benepisyo at pagbabantay sa kanilang mga gawain .
Ipinagbabawal ng Batas: Ang labor-only contracting ay labag sa batas dahil ito ay isang paraan ng pag-iwas sa mga tungkulin ng pagiging tunay na employer. Dapat Iparehong Employer: Kung mapatunayan ang labor-only contracting, itinuturing na ang prinsipal na kumpanya ang tunay na employer at pananagutin sa lahat ng benepisyo at karapatan ng mga manggagawa .
Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor.
Sa job contracting, may tatlong pangunahing partido : Principal – Ang kumpanyang nangangailangan ng serbisyo . Contractor / Subcontractor – Isang legal na negosyong kumukuha ng mga tao para gampanan ang trabaho para sa principal. Manggagawa – Ang mga empleyado ng contractor na siyang gumagawa ng aktwal na trabaho .
Mga Legal na Katangian ng Lehitimong Job Contracting ( ayon sa Labor Code ng Pilipinas ): May sapat na kapital o investment ang contractor (e.g., kagamitan , tools, lugar ng negosyo ). May kontrol ang contractor sa pamamalakad sa mga manggagawa , hindi ang principal. May employer-employee relationship sa pagitan ng contractor at ng manggagawa — hindi sa principal.
Unemployment (WALANG TRABAHO) ● Ito ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho . ● Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho . Underemployment (HINDI AKMA ANG PAGTRATABAHO) ● Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon , karanasan , at kasanaya n na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho .
Mga Karapatan ng mga Manggagawa (Ayon sa International Labor Organization (ILO)
1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa . 2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho , lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan . Dagdag pa rito , bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan . Samakatuwid , mayroong nakatakdang edad at mga kalagayan pang – empleo para sa mga kabataan . 5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho : pantay na suweldo para sa parehong trabaho .
Mga Batas na Nangangalaga sa mga Karapatan ng mga Manggagawang Pilipino