FILIPINO 5 Paggamit ng Pang- abay at Pang- uri sa Paglalarawan QUARTER 3 WEEK 2 DAY 1
Balik-aral : Ano ang pang- abay ? Ano ano ang tatlong uri ng pang- abay ? Bigyan ng pagkakataon ang mga mag- aaral na makapagbigay ng halimbawa ng pang- abay .
Kilala ba ninyo ang mang-aawit na ito ?
Matapos mapanood ang pagtatanghal ni Lea Salonga sa Broadway, dalawang Pilipina ang nag- usap . Mila: Kumare, ang galing talagang kumanta ni Lea, ano ? Riza: Oo nga . Napakahusay niya ! Maganda siyang kumanta .
Mila: Tama ka. Maganda ang kanyang boses . Riza: Kanina habang nasa loob tayo ng tanghalan ay malinis na malinis tumugtog ang orkestra . Mila: Malinis nga ang mga tugtog nila .
Riza: Kailan kaya muling magtatanghal si Lea? Masarap makinig sa kanyang tinig,e . Mila: Ewan ko lang. Sana nga ay makapanood tayong muli . Tunay na masarap ang karanasan nating ito .
Sino ang pinag-uusapan sa dayalogo ? Paano nila inilarawan ang pagtatanghal ni Lea Salonga ? Sa iyong palagay , gaano kasaya bilang mga Pilipino ang dalawang nag- uusap ?
Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa dayalogong binasa. Ang mga sumusunod na salita ay dalawang beses na ginamit.
Sa mga unang pangungusap , ang salitang may salungguhit ay ginamit upang magbigay-turing sa mga pandiwa . Samantalang sa mga ikalawang pangungusap ay ginamit naman ito upang magbigay - turing sa mga pangngalan . Sa madaling salita , ang mga salitang ginamit sa mga unang pangungusap ay ginamit bilang pang- abay habang ang salitang ginamit sa mga ikalawang pngungusap ay ginamit bilang pang- uri .
Pangkatang Gawain :
Pangkatang Gawain :
Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na sumayaw sa kanyang kaarawan dahil alam niyang magaling kang sumayaw , ano ang iyong dapat gawin ?
Tandaan : Ang mga pang- abay ay ginagamit upang magbigay-turing sa pandiwa , pang- uri at kapwa pang- abay . Ang mga pang- uri naman ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa mga pangngalan .
Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit ay isang pang- uri o pang- abay batay sa gamit nito sa pangungusap . Isulat ang PU kung ito ay pang- uri at PA naman kung ito ay pang- abay . _______1. Masayang tumulong ang mag- aaral sa paglilinis ng kapaligiran sa paaralan .
_______2. Si Miko ang pinakamatalinong mag- aaral sa klase . _______3. Biglang binigyan ni Ramon ng pagkain ang kaklase niyang walang baon . _______4. Matiyagang pinababasa ni Lerma ang kapwa niya mag- aaral . _______5. Nakangiting mukha ng bagong kaklase ang dumungaw mula sa pintuan ng silid-aralan .
FILIPINO 4 Paggamit ng Pang- abay at Pang- uri sa Paglalarawan QUARTER 3 WEEK 2 DAY 2
Balik-aral : Kaholaman : Kumuha sa loob ng kahon ng pangungusap at basahin ito ng malakas . Tukuyin ang uri ng pang- abay na ginamit sa salitang may salungguhit sa pangungusap .
Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ay bibigyan ng mga salita at gamitin ito bilang pang-uri o pang-abay
Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit ay isang pang- uri o pang- abay batay sa gamit nito sa pangungusap . Isulat ang PU kung ito ay pang- uri at PA naman kung ito ay pang- abay . _______1. Ang mga mag- aaral ay labis na naaapektuhan sa mga nangyayari sa paligid .
_______2. Iniingatan ng mga bata ang bagong aklat . _______3. Mabusisi si Bb. Pia sa mga gawain ng kaniyang mag- aaral . _______4. Paisa-isa kung bumili ang mag- aaral sa kantina ng paaralan . _______5. Madala s pumunta sa silid-aklatan sina Sarah at Donna.
Mag- isip ng isang pang- uri at pang- abay na maglalarawan sa inyong sarili .
Ang mga pang-abay ay ginagamit upang magbigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Ang mga pang-uri naman ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa mga pangngalan.
Magsulat ng isang talata tungkol sa pag-aaral. Gumamit ng pang-uri sa paglalarawan at pang-abay sa paglalarawan ng kilos. Bilugan ang pang-uri at salungguhitan naman ang pang-abay na ginamit.
FILIPINO 5 Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa Tekstong Napakingggan QUARTER 3 WEEK 2 DAY 3
Balik-aral : Ano ang pang- uri ? Ano naman ang pang- abay ?
Ano ang tawag natin sa larawan? Ano ano ang mga makikita natin sa globo ?
Basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba . Ang ating daigdig ay binubuo ng mga kontinente . Kontinente ang tawag sa malalaking dibisyon ng lupain sa daigdig . Binubuo ang daigdig ng pitong kontinente . Ang pinakamalaking kontinente ay ang Asya . Dito napabibilang ang ating bansa . Ang sumunod na pinakamalaki ay ang
Africa. Sa Africa matatagpuan ang pinakamaraming bansa kung ihahambing sa iba pang mga kontinente . Ang Hilagang Amerika at Timog Amerika ang sumunod sa listahan ng mga malalawak na kontinente .
Sinusundan naman ito ng Antarktika . Ang Europa naman ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente at ang pinakamaliit ay ang Australia.
Pangkatang Gawain : Basahin ang teksto sa ibaba Paghahanda sa Bagyo Ang ating bansa ay madalas dalawin ng bagyo . May mga bagyong mahihina lamang subalit mayroon ding mga mapaminsala kaya mahalaga na handa tayo kapag may bagyong paparating .
Unang- una , sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balitang tungkol sa panahon . Pangalawa , ay mag- imbak ng pagkain sa bahay at mga emergency kits. Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng sandal upang makaiwas sa dagdag na sakuna . Panghuli , kailangang makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng panahon .
Punan ng wastong datos bawat bilang batang sa tekstong binasa . Mga Tanong : 1. Anong mga katangian ang dapat nating taglayin kapag may mga kalamidad katulad ng bagyo ? ________________________________________
2. Sa paghahanda sa pagdating ng bagyo , anu- ano ang mga dapat gawin ? Una: __________________________________________ Pangalawa : __________________________________________ Pangatlo : __________________________________________ Pang- apat : ______________________________________
Bilang isang batang mag-aaral na tulad mo, dapat ka rin bang maging alerto at makibalita sa mga balita sa iyong paligid lalo na kapag may parating na bagyo ?
Kronolohikal na Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari Sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod , ang paksa ay ang tao o kung anongbagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad , taon , distansiya , tindi , halaga , lokasyon ,
posisyon , bilang , dami at iba pangimpormasyon at mahalagang pangyayari ayon sa petsa gaya ng tiyak na araw at taon .
Sa loob ng kahon isulat ang mahahalagang pangyayari sa inyong pamilya nitong mga nagdaang buwan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod . Maaring maglagay ng petsa at lokasyon upang mailahad ang kronolohikong pagkakasunod-sunod ng mahahalagang pangyayari .