Nang umahon si Hesus mula sa tubig,
isang kamangha-manghang bagay
ang nangyari.
Ang Banal na Espiritu ay bumaba mula
sa langit tulad ng isang magandang
kalapati at dumapo kay Hesus at ang
Diyos ay nagsalita mula sa langit. “Ito
ang aking Anak at mahal ko siya. Ako
ay lubos na nalulugod sa Kanya.”
Noong si Hesus ay 30 taong gulang,
alam Niya na oras na para simulan ang
natatanging gawaing ibinigay sa Kanya
ng Diyos.
Ang unang lugar na pinuntahan ni
Hesus ay kung saan niya matatagpuan
ang kanyang pinsan na si Juan, sa ilog
ng Jordan.
Si Juan ay abala sa pangangaral sa
mga tao na kailangan nilang magsisi at
magpabautismo.
14
Hindi makapaniwala si Juan nang
hilingin ni Hesus na magpabautismo.
Alam ni Juan na si Hesus ay hindi
kailanman nagkasala.
Ngunit sinabi ni Hesus kay Juan na
tama ang magpabautismo at nais
niyang ipakita sa lahat na nararapat
itong gawin.
Kaya, pumayag si Juan na bautismuhan
si Hesus sa Ilog Jordan.
Nang makita ni Juan si Hesus, itinuro
niya ito at sinabi sa lahat, “Tingnan niyo,
ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan!”
Alam ni Juan na ang pinakamahalagang
bagay na magagawa niya ay dalhin ang
mga tao kay Hesus.
32