BIONOTE NI JUVELLIE A. MAYO PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG

JuvellieMayo 8 views 13 slides Sep 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 13
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13

About This Presentation

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Slide Content

INIHANDA NI: Juvellie a. mayo Dalubhasang Guro II

Sa paksang ito , ating alamin at tuklasin ang kahulugan ng tinatawag na bionote at ang dahilan , layunin , katangian , mga bahagi at halimbawa nito .

Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat . Ito rin ay isang nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal .

Ang kahulugan ng salitang bio ay buhay ” na nagmula sa salitang Greek Bios “ buhay “ na may kaugnayan sa salitang Latin na Vivus “ buhay ” at Sanskrit na “ jivas ”.( Dictionary.com) Ang layunin nito ay ito’y ginagamit para sa sariling profile ng isang tao parang katulad ng kaniyang academic career at iba pang nalalaman ukol sa kanya.

MGA BAHAGI NITO ▪ Personal na impormasyon – mga pinagmulan , ang edad , ang buhay kabataan hanggang sa kasalukuyan ▪ Kaligirang pang- edukasyon – ang paaralan , ang digri at karangalan ▪ Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at adbokasiya

MGA KATANGIAN NG AYOS NA BIONOTE Kinikilala ang mambabasa . Gumagamit ng baligtad na tatsulok mula sa pinakamahalaga hanggang sa hindi gaanong pinakamahalaga . Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. Binabanggit ang degree kung kailangan natapos . Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon . ▪

awto - biograpiya Ang awto - biograpiya ay isinasalaysay ang lahat ng tungkol sa may- akda - buhay at karanasan niya . Ang ipinapakilala naman sa biograpiya ay ang buhay ng ibang tao

Halimbawa ng Bionote : Si Gng . Carmela Esguera - Jose ay nagtapos ng Balediktoryan sa Elementarya at sa Sekondarya . Nakamit niya ang kanyang Digri ng Bachelor of Arts in Philippine Studies, Cum laude, at Master of Arts in Philippine Literature and Education sa University of the Philippines, Diliman. Kumuha rin siya ng kurso sa Sertipiko ng malikhaing pagsulat sa Filipino sa nabanggit ding unibersidad .

Nakasulat na siya ng mga tula at maikling kwento at mga pag-aaral sa literaturang pambata at pagpapahalagang pilipino , nakapagturo siya ng asignaturang F ilipino sa elementarya at sa sekondarya sa loob ng labingwalong taon at nakapaglingkod bilang Filipino Subject C oordinator sa Assumption Antipolo.

Nagturo rin siya ng Special Filipino Program sa mga non- tagalog speaker at Filipino Bridging Program para sa Senior HIgh -School sa nasabing paaralan sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang kaniyang doktorado sa Educational Management at patuloy pa ring nagtuturo ng Filipino. naniniwala siya na ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman bilang guro ay manunulat ay isang paraan ng paglilingkod sa Panginoong Diyos .( https://gawangfilipino.blogspot.com/

GAWIN MO Sumulat ng awto-biograpiya at bionote sa isang buong papel . B. Maghanap ng kapareha na kaklase upang makuha ang mahahalagang impormasyon upang makasulat ng isang biyograpiya , kunwari siya ay isang may- akda ng isang aklat .

Gamit ang Akrostik ng Bionote , sumulat mula sa tinalakay na mga kahulugan a at katangian nito . B _______________________________________________________ I ________________________________________________________ O _______________________________________________________ N _______________________________________________________ O _______________________________________________________ T _______________________________________________________ E _______________________________________________________

Maraming salamat sa pakikinig !
Tags