Layunin: •Malaman kung paano gamitin ang Bionote at alamin ang mga katangian nito. •Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. •Natutukoy ang kahulugan, at halaga ng bionote.
ANO BA ANG BIONOTE?
BIONOTE Nagbibigay ng mga Impormasyon tungkol sa isang indibidwal para maipakilala sa mga tagapakinig o mambabasa. Isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at/ o sa gig).
BIONOTE • Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak, ng mga sulating papel, websites at iba pa. (Duenas, at Sanz, 2012) • Ito din ay maituturing isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Likuran ng mga pabalat ng libro, kadalasan ay may kasamang litrato ng awtor o ng may-akda. Sa event brochure o seminar program. Saan pa ba makikita ang bionote? Sa research paper o akademikong journal.
Karaniwang dalawa hanggang tatlong talata lamang na naglalarawan sa taong paksa ng bionote na naglalaman ng: Pangalan Propesyon o ginagawa Mahahalagang nagawa o tagumpay BIONOTE
para saan ba ginagamit ang bionote? Aplikasyon sa trabaho Paglilimbag ng mga artikulo Aklat o blog Pagsasalita sa mga pagtitipon Pagpapalawak ng network
N I L A L A M A N Personal na Impormasyon Kaligirang Pang-Edukasyon Ambag sa Larangang Kinabibilangan
KATANGIAN Maikli ang Nilalaman Kadalasang hindi binabasa nang buo ang isang mahabang bionote. Pakatatandang hindi talambuhay ang iyong isinusulat, kaya huwag nang ilagay ang mga walang kaugnayang impormasyon.
KATANGIAN Gumagamit ng Pangatlong Panauhang Pananaw Tandaang kahit ang nilalaman ng bionote ay patungkol sa iyo, mananatiling nasa pangatlong panuhaing pananaw ang panghalip.
KATANGIAN Kinikilala ang Mambabasa Marapat na isaalang-alang ang magbabasa ng iyong bionote. Kinakailangang hulmahing mabuti ang pagsulat.
KATANGIAN Nakatuon lamang sa mga Angkop na Kasanayan/katangian Mamili lamang ng iyong kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.
KATANGIAN Maging Matapat sa Pagbahagi ng Impormasyon Walang masama sa pagbubuhat ng sariling bangko basta ito ay totoo. Huwag na huwag mag-iimbento dahil labag ito sa etikal na pamantayan at maaring mabahiran ang iyong reputasyon.
MGA HAKBANG Tiyakin ang Layunin Pagdesisyunan ang Haba ng Susulatin Ikatlong Panauhang Perspektib Simula sa Pangalan Ilahad ang Propesyong Kinabibilangan
MGA HAKBANG Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay Idagdag ang hindi inaasahang detalye Isama ang contact information Isulat uli ang Bionote
Halimbawa ng Isang Bionote : Source: Bb. Jeska Lampa
Source: Bb. Jeska Lampa
Dapat isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang na naglalahad ng kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin or isang propesyunal. Tandaaan
Maraming Salamat! Ulat nina : Sofia, Gualdajara , Catienza , Mondalis , Minor, Tio