Talk Number 7 of the Bagong Landas ng Espiritu Santo Seminar
Size: 1.5 MB
Language: none
Added: Sep 15, 2025
Slides: 31 pages
Slide Content
TAHANAN NG PANGINOON Bagong Landas sa Espiritu Santo Seminar (BLESS)
PANGINOON –NARITO PO AKO PAGHAHANDOG
Mahikayat ang mga kasapi na matiyagang maisabuhay ang Bagong Buhay sa Espiritu Santo at maituro sa kanila ang mamuhay sa Tahanan Ng Panginoon . Layunin :
Panimula : Nang kayo ay bautismuhan sa Espiritu Santo, at matanggap ninyo ito , ibat-ibang karanasan ang inyong naramdaman . Naranasan ninyo rin ang maipanalangin kayo sa ating Panginoon
-- PANALANGIN -- PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS --- SAKRAMENTO --- KRISTIYANONG PAGLILINGKOD
Apat na Sangkap upang mapaunlad at yumabong ang Bagong Buhay sa Espiritu: 1. Panalangin 2. Pag- aaral o Pagbabasa ng Bibliya 3. Fellowship o Kristiyanong Paglilingkod
4. Palagiang pagtanggap ng Sakramento lalo na ang PANGUNGUMPISAL at BANAL NA KOMUNYON -Kasama rin ang Binyag , Kumpil at Kasal . - kahulihulihan ang PAGPAPAHID NG LANGIS sa may sakit . At siyempre ang MAGING PARI O MADRE . -
PANALANGIN TATLONG PRINSIPYO MATAPAT DAPAT ANG ATING PANALANGIN -- MAGLAAN NG PANAHON SA DIYOS ARAW-ARAW ( KAILAN , SAAN , GAANO KA HABA ) -- ISAAYOS ANG PANALANGIN –ACTS ( ADORATION , CONTRITION , THANKSGIVING & SUPPLICATION ) or 4P’S ( PAPURI , PAGHINGI NG KAPATAWARAN, PASASALAMAT AT PAGSUSUMAMO )
PANALANGIN 2. ANG BANAL NA ESPIRITU SANTO ANG DAPAT NANGUNGUNA . 3.ANG PANALANGIN AY DAPAT NAKA-SENTRO SA RELASYON SA PANGINOON . TAYO AY DAPAT NAKIKINIG
PAGBABASA NG BIBLIYA Ang Bibliya ay ang salita ng Diyos Dapat tayo nag- ukol ng panahon araw-araw para basahin / making , intindihin at isapuso
Hindi ito ang katapusan
1. Ang Katapusan ng BLESS ay isang simula ng pag-aaral natin sa buhay espiritu tungo sa kabanalan . Sa tulong ng lakas dulot ng Espiritu Santo, hahakbang tayo tungo sa ikababanal at ikalalapit natin sa Diyos . Ito ang simula ng Buhay sa Diyos .
2. Juan 14:26 “ Ang Espiritu Santo na susuguin ng ama sa pangalan ko ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo .”
Ang Halaga ng pagtuturo ay nasa pagsasagawa .
ISABUHAY ANG MGA TURO NG PANGINOON A. Ang itinuturo ng Panginoon ay gawing gabay sa buhay ang lahat ng natutuhan . Hindi ito paraan upang madagdagan lamang ang ating kaalaman . Ito ay paraan kung paano tayo magiging banal at higit na mapapalapit sa ating Panginoon .
K . Huwag mag-alala at matakot , “ Ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pag-asa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban .”. Filipos 2:13
Makakaasa tayo ng pagsubok at kahirapan habang tayo ay patungo sa kabanalan .
TAHANAN NG PANGONOON . Sa ating kahirapan , ang suliranin ay pangkaraniwan at normal na dapat nating harapin at asahan .
Ang sanggalang . Roma 8:28 A. Mayroon tayong bagong lakas sa pagharap sa ating kahirapan . B. Tuturuan tayo ng Panginoon na maharap at malampasan ang anumang pahghihirap . Thes . 5:16-18 K. Naririyan din ang pagdamay mula sa mga pinuno ng Tahanan ng Panginoon . D. At sa mga suliranin na nangangailangan ng payo , kumunsulta lamang sa mga lider o pinuno ng TNP.
PAGTATAPOS * Marami pa tayong dapat gawin upang umunlad tayo sa ating buhay Kristiyano * Marami pang pag-aaralan . Magsama-sama tayo , magdamayan at magsuportahan ang bawat isa * Ang pagtatalaga natin sa bawat-isa ay mahalaga . * Ikumit o ilaan natin ang ating buhay sa Tahanan Ng Panginoon .
Katulad ng isang walis , kung isa-isa ay walang lakas . Ngunit kung sama-sama ay lumalakas at nagagamit sa paglilinis . Gayun din tayo , nasa ating pag-kakaisa ang ating lakas
PAGLALAHAD NG LIMANG PANGAKO
1. Mananalangin at magbabasa ng bibliya araw-araw : * Maglalaan ako ng oras . * Matapat kong isasagawa ito . * Isasagawa ko ring mapaunlad ang aking buhay espirituwal sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga babasahin ukol sa Diyos .
2. Iiwasan ang kasalanan at lahat ng pinagmumulan nito . * Magiging mapagtimpi ako . * Magiging ” bukas ” ang puso ko sa aking kapwa , lalo na sa mga kapatid sa Tahanan ng Panginoon . * Magiging mabuting ka- barangay ako At magiging mabuting halimbawa .
3. Magiging matapat na miyembro ng tahanan ng panginoon . * Matapat akong dadalo sa lahat ng pagtitipon na isasagawa ng Tahanan Ng Panginoon , tulad ng : A. Care Group Meetings B. Prayer Meeting K. Malakihang Pagtitipon D. Mga aral na itinuturo . * Matapat kong igagalang ang mga lider . * Isasabuhay ko ang lahat ng aral .
4. Maglilingkod sa tahanan ng panginoon at tutulong maGHIKAYAT ng bagong miyembro . * Matapat na susunod sa anumang service na ipagkakaloob sa akin. a. Punong team ng BLESS. b. Naatasang maging Care Group head. k. Taga-ayos ng pasilidad para okasyon tulad ng BLESS,mga pagpupulong at iba pa * Ibabahagi ko ang mga bagay na natutuhan ko sa aking mga kaibigan at ka- barangay . * Magbabahagi rin ako ng pananalapi para sa ikasusulong ng Tahanan ng Panginoon .
5. MaGIGING MATAPAT SA KRISTIYANONG PAMUMUHAY AT PAKIKIPAG-UGNAYAN. - Isasabuhay ko ang mga aral ng Simbahang Katoliko . a. Pangungumpisal b. Pangungumunyon . c. Pakikinig ng aral ng misa . d. Pag-aabuloy - Makikiisa ako at susuporta sa mga gawaing pamparokya . - Igagalang ko ang mga alituntunin ng ating pamahalaan .
Tulungan nawa ako ng Panginoong Hesus na maisabuhay ang mga pangako sa Tahanan Ng Panginoon tungo sa lalo Niyang ikararangal , at ikabubuti ng aking mga kapatid sa komunidad na ito .
Maraming Salamat po
Tahanan ng Panginoon Tahanan ng Panginoon Tahanan ng Panginoon ay kaligtasan Panginoon ituro mo ang daan tungo sa’yo at bigyang liwanang ang buhay ko . Action Title
Purihin Siya awitan Siya paligid ay gumaganda sa piling nya Panginoon dinggin mo bawat awit sinasambit kay Hesus inaalay ang aming buhay . Action Title