Blue and White Simple The Future Of The Arctic Presentation_20250829_223204_0000.pdf
jayarescueta1
0 views
20 slides
Sep 29, 2025
Slide 1 of 20
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
About This Presentation
Tanka
Size: 2.5 MB
Language: none
Added: Sep 29, 2025
Slides: 20 pages
Slide Content
TANKA AT
HAIKU
JAPAN : KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
Grade 9 FILIPINO
PAGLALAHAD NG PAGTATALAKAY KULTURA NG JAPAN TANKA HAIKU Magandang araw sa inyong lahat! Ngayon, sisikapin nating himayin ang dalawang mahalagang
bahagi ng kulturang Hapon: ang kanilang mayamang pamana at ang kanilang natatanging
kontribusyon sa mundo ng panulaan. Sa loob ng talakayang ito, tatalakayin natin ang kasaysayan at
mga katangian ng Haiku at Tanka, pati na rin ang kanilang kaugnayan sa ating sariling Tanaga sa
Pilipinas. Layunin ng presentasyong ito na bigyan kayo ng mas malalim na pag-unawa at
pagpapahalaga sa sining at kultura ng Silangan, na may partikular na pagtutok sa panulaan.
Ang panitikan ng Japan ay mayaman sa anyo ng panulaan
na nagsisilbing salamin ng kanilang kultura, damdamin, at
pananaw sa kalikasan at buhay. Dalawa sa pinakatanyag na
uri ng kanilang tradisyunal na tula ay ang Tanka at Haiku.
Introduction
ANG KULTURA NG
JAPAN Ang Japan ay isang bansa sa silangang asya, ito ay nasa hilagang kanluran ng karagatang
pasipiko na binbaybay ng karagatan ng Japan, na kadugtong ng karagatan ng Okhotsk,
Russio. Ito ay napapalibutan ng karagatang silangan ng Ching, karagatan ng pilipinas, at
Toiwon sa timog. Ito ay may lawak na 377,975 km na binubuo ng hindi kumulang sa 14,125 na
isla, na may limang pangunahing isla, ito ang: Hokkaido, Honshu, Shikoku, Kyushu at
Okinawa.
Lawak ng 377,975 km
Binubuo ng 14,125 na isla
limang pangunahing isla, ito ang:
Hokkaido, Honshu, Shikoku, Kyushu at
Okinawa.
Pinaka sikat na putahe
ng Japan
TONKATSU
TEMPURARAMEN
Explain more about some
facts related to the melting
of arctic ice here
Explain more about some
facts related to the melting
of arctic ice here
Ang kultura ng Japan ay kilala sa balanse ng
makaluma at makabago. Sa kabila ng pagiging
isa sa mga pinaka-advanced na bansa sa
teknolohiya, nananatiling buhay ang kanilang
pagpapahalaga sa sining, musika, at panitikan.
Ang anime at manga ay bahagi ng kanilang
modernong kultura na umani ng kasikatan sa
buong mundo, samantalang ang mga
tradisyonal na sining tulad ng kaligrapya,
ikebana (flower arrangement), at origami ay
patuloy na iginagalang. Malaki rin ang kanilang
pagpapahalaga sa disiplina, kaayusan, at
respeto, na makikita sa paraan ng kanilang
pakikisalamuha at pamumuhay araw-araw.
JAPAN
Sa larangan naman ng tradisyon, tampok ang
mga pista at seremonya na sumasalamin sa
kanilang kasaysayan at paniniwala. Ang tea
ceremony o chanoyu ay isang halimbawa, kung
saan ipinapakita ang kahalagahan ng pagiging
mahinahon at may respeto sa bawat kilos.
Bukod dito, kilala rin ang Japan sa kanilang mga
pista tulad ng Hanami kung saan namamangha
ang mga tao sa pamumulaklak ng cherry
blossoms tuwing tagsibol. Hindi rin mawawala
ang mga kaugalian sa pagkain tulad ng
paggamit ng chopsticks at pagyuko bilang
tanda ng paggalang. Ang mga tradisyong ito ay
nagpapatunay na kahit makabago na ang
Japan, malalim pa rin ang kanilang ugnayan sa
kanilang nakaugaliang pamumuhay.
JAPAN
Ang kultura ng Japan ay nakabatay sa
pagpapahalaga sa pagkakaisa at respeto sa
kapwa. Kilala sila sa pagiging masinop, maingat,
at organisado sa lahat ng aspeto ng buhay, mula
sa simpleng pamumuhay hanggang sa
pagtatrabaho. Ang sining ng Japan ay makikita
rin sa kanilang arkitektura tulad ng mga templo
at hardin na sumasalamin sa katahimikan at
pagkakaisa ng tao at kalikasan. Bukod dito, ang
kanilang wika at panitikan, gaya ng tanka at
haiku, ay nagiging paraan upang maipakita ang
ganda ng kalikasan at lalim ng damdamin.
JAPAN
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na
pinahahalagahan ng panitikang Japan, Ginawa
ang Tanka noong ikawalo siglo at ang Haiku
noong ika-15 sigio. Sa mga tulang ito layong
pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan
ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection
of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na
naglalaman ng iba't ibang anyo ng tula na
karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
Sa panahong lumabas ang Manyoshu,
kumawala sa makapangyarihang impluwensiya
ng sinaunang panitikang Tsino ang mga
manunulat na Japan. Ang mga unang makatang
Japanese ay sumusulat sa wikang Tsino
sapagkat eksklusibo lamang ang wikang
Japanese sa pagsasalita at wala pang sistema
ng pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang
ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng
Japanese ang nillinang na mula sa karakter ng
pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng
Japanese. Tinawag na Kana ang ponemikong
karakter na ito na ang ibig sabihin ay "hiram na
mga pangalan
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
Noong panahong nakumpleto na ang
Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga
makatang Japanese ang wika nila sa
pamamagitan ng madamdaming
pagpapahayag. Kung historikal ang
pagbabatayan, Ipinahahayag ng mga Japanese
na ang Manyoshu ang simula ng panitikan
nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-
sarili nila.
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
Maikling awitin ang ibig sabihin ng Tarika na
puno ng damdamin. Bawat Tanka ay
nagpapahayag ng emosyon o kaisipan.
Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-
iisa, o pagibig. Tatlumpu't isa ang tiyak na bilang
ng pantig na may limang taludtod ang
tradisyunal na Tanka. Tatio sa mga taludtod ay
may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5
pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging
daan ang Tanka upang magpahayag ng
damdamin sa isa't isa ang nagmamahalan (lalaki
at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng
aristocrats ang Tanka, kung saan liilikha ng
tatlong taludtod at dudugtungan naman ng
ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo
ang isang Tanka.
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi
ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang
bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga
Japanese. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag
na Maiku.
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi
ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang
bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga
Japanese. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag
na Maiku.
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas
ng taludtod na may wastong antala o paghinto
Kiru ang tawag dito o sa English ay cutting. Ang
kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan.
Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o
cutting word. Ito ay kadalasang matatagpuan sa
dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat
berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig
ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan
upang makapagbigay-daan na mapag-isipan
ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang
berso. Maaari rin namang makapagbigay daan
ito sa marangal na pagwawakas.
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
Ang mga salita na ginagamit ay maaaring
sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang
salitang kawazu ay "palaka na nagpapahiwatig
ng tagsibol, Ang shigure naman ay unang ulan
sa pagsisimula ng taglamig. Mahalagang
maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang
kultura at paniniwala ng mga Japanese upang
lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob
sa tula.
Estilo ng
Pagkakasulat ng
Tanka at HaikuParehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng
mga Japanese. Malikling awitin ang Tanka na
binubuo ng tatiumpu't isang pantig na may
limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa
mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring
magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig
ay tatlumput isang pantig pa rin.
Estilo ng
Pagkakasulat ng
Tanka at HaikuSamantala, ang Haiku ay mas pinalkil pa sa
Tanka. May labimpitong bilang ang pantig na
may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng
pantig sa mga taludtod ay. 5-7-5 o maaaring
magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig
ay labimpito pa rin.
Estilo ng
Pagkakasulat ng
Tanka at HaikuKaraniwang paksa ng Tanka ay pagbabago,
pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit
naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-
ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing
damdamin ang Tanka at Haiku