BUWAN NG WIKANG PAMBANSA.docAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAx
AsielynSamson
242 views
1 slides
Nov 26, 2024
Slide 1 of 1
1
About This Presentation
POE
Size: 27.97 KB
Language: none
Added: Nov 26, 2024
Slides: 1 pages
Slide Content
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA
(AKROSTIK)
Gavina Pandongan Delfin
The Modern Teacher Edition
B- Bawat Filipino ay may tungkulin , Wikang Filipinoay dapat mahalin
U-Uunlad ang lahat pati boung bansa, Magkakaunawaan dahil sa
iisang wika
W- Wikang Filipino ay sariling atin, Na dapat sinupin at laging gamitin
A- Ang Wikang Pambansa’y sagisag ng bayan, Ating ipagmalaki nang
pag-unlad ay makamtan
N- Nararapat ipagdiwang Buwan ng Wikang Pambansa, Bilang tanda
ng pagmamahal ng bansang Malaya
NG- Ngayon ay Buwan ng Wikang Pambansa, Ng Wikang Filipinong
bigkis ng lahing dakila
W- Wikang Filipino ating tangkilikin, Dahil ito ay sariling atin
I -Ilonggo at Ilokano ka man, At ako ay Bikolano.
K- Kaming mga kabataan ay pag-asa ng bayan, Sariling wika’y gamitin
para nagkakaunawaan.
A- Ang wikang sarili ay ating itaguyod, Kahit saan, sa bundok man,
nayon o lungsod.
N-Narito kaming mga kabataan, Handang ipaglaban an gating
kalayaan
G -Gabay ng ninuno an gating kailangan, Mga bayani ng lahi’y
pagsikapang matularan
P Pinoy ang bansag sa mga Pilipino, Sa pagkamaginoo, kilala sa boung
mundo
A Ating ipagbunyi ang sariling wika, Tagumpay ng lahat ay tagumpay
rin ng bansa
M Manuel L. Quezon ang Ama ng Wika, Huwag kalimutan itong
pangulong dakila
B Bayani ng bayan ating minamahal, Ang kanilang patnubay ating
ikarangal
A Atin ang tagumpay kung wikay tangkilikin, Wikang banyaga’y di
dapat pairalin
N Ninuno ng bayan ang nagpalaganap, Ng wikang pambansa sa
baying pinapangarap
S Sariling Wika’y huwag kalimutan, Nang pag-unlad ng baya’y ating
makamtan
A Ating pagyamanin ang wika ng bayan, Para sa Kasaganaang ating
inaasam