CATCH -UP FRIDAY PRESENTATION SLIDESHARE

LynnRoaDagsaMiniao 1 views 6 slides Sep 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 6
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6

About This Presentation

SAMPLE OF CATCH UP FRIDAY PRESENTATION


Slide Content

CATCH-UP FRIDAYS

Maging Handa sa Lindol ni Ronnel C. Adani Ang lindol ay ang pagyanig ng lupa mula mahina hanggang sa malakas bunga ng biglaang paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa. Dahil sa paglindol, maaaring magkaroon ito ng iba’t ibang epekto sa ating paligid gaya ng pagyanig, pagbiyak ng lupa, paglambot ng lupa, pagguho, at tsunami. Tandaan na habang lumalakas ang lindol, mas lumalawak at lumalaki rin ang pinsalang maaaring idulot nito. Kung mapapansin, madalas na nakararanas ng paglindol ang Pilipinas.

Ito ay dahil matatagpuan ang ating bansa sa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan aktibo ang mga bulkan at madalas ang paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa. Bumabaybay sa 15 bansa sa buong mundo ang Pacific Ring of Fire. Dahil madalas na nakararanas ng paglindol ang Pilipinas, Marapat na may sapat na kaalaman kung ano ang gagawin sakaling magkaroon ng lindol. Ilan sa paghahanda na dapat gawin ayon sa PhilVocs ay alamin ang posisyon ng bahay o paaralan kung ito ay nakatayo sa fault line, maghanda ng emergency kit na naglalaman ng mahahalagang pangangailangan sakaling magkalindol, maging pamilyar sa paligid at alamin ang pinakamabilis na daan palabas ng bahay o paaralan, at tandaan na dumapa (duck), magtaklob (cover), at humawak (hold).

Sakaling magkaroon ng lindol, dapat tandaan ang mga sumusunod. Una, huwag mag-panic o mataranta. Ikalawa, kung naabutan sa loob ng gusali, agad na hanapin ang pinakamabilis na ruta palabas at maglakad nang mabilis. Ikatlo, huwag pumasok sa loob ng mga gusaling may nasirang bahagi. Ikaapat,magmasid at pag-aralan ang kapaligiran. At ikalima, sumunod at makinig sa inyong mga magulang o nakatatanda gaya ng inyong guro. Walang nakaaalam kung kailan at saan maaaring magkaroon ng lindol kaya mabuti na may alam at handa tayo sa lahat ng pagkakataon upang makaiwas sa pinsalang maaaring idulot nito.

Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga sumusunod na katanungan. 1.Ano -ano ang maaaring maging epekto ng paglindol? 2.Ano ang dapat tandan habang lumalakas ang lindol? 3.Ano – ano ang mga paghahandang dapat gawin upang makaiwas sa pinsala ng lindol? 4.Bakit nakararanas ng paglindol sa Pilipinas? 5.Ano -ano ang dapat mong gawin sakaling makararanas ng paglindol sa: a.sa loob ng gusali sa labas ng tahanan.

  Epekto ng Lindol Paghahanda sa Lindol Tamang Pagkilos Habang Lumilindol
Tags