Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita . 1. makulay UNLAPI
2. mahina UNLAPI Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
3. kumain GITLAPI Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
4. sumakay GITLAPI Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
5. lupain HULAPI Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
6. kagandahan KABILAAN Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
7. masayahin KABILAAN Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
8. maintindihin KABILAAN Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
9. sumabay GITLAPI Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
10. maramihan HULAPI Panuto : Tukuyin kung Unlapi , Gitlapi , Hulapi , Kabilaan ang uri ng panlapi na ginamit sa sumusunod na mga salita .
Mahilig ba kayong makipag - usap ? Ano-ano ang mga bagay na inyong pinag-uusapan ?
Apat na Uri ng Pangungusap 1. Paturol o Pasalaysay - pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay . Ito ay nagtatapos sa bantas na tuldok .
Ang ubas ay kulay lila . Ang ubas ay matamis . Ang prutas na ubas ay matatagpuan sa La Union. Maraming bunga ang puno ng ubas .
2. Patanong - pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot . Ito ay nagtatapos sa bantas na tandang pananong (?).
Saan natin makikita ang bagoong? Saan natin ginagamit ang bagoong? Ano ang kulay ng bagoong? Saan natin madalas makita ang bagoong?
3. Pautos o Pakiusap – nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin . Nagtatapos ito sa bantas na tuldok . (.)
Bilhan mo nga ako ng buko . Lagyan mo nga ng sabaw ng buko ang aking baso . Pwede mo ba akong pitasan ng buko . Ubusin mo iyong iniinom mong buko .
4. Padamdam – nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng tuwa , takot at pagkagulat . Nagtatapos ito sa bantas na tandang padamdam (!).
Wow! Ang sarap ng durian! Naku ! Pwede akong matusok sa prutas na iyan ! Halla ! Ang laki ng durian!
Usapan ng Magkaibigan Ben: Wow! Ang ganda naman ng laruan mo. Lino: Padala ito saakin ni Tatay . Ben: Bakit parang hindi ka masaya ? Lino: Gusto ko na kasing makita si Tatay . Sa isang taon pa siya makakauwi . Gusto ko na siyang makasama sa darating na pasko . Ben: Malungkot ka pala . Halika at maglaro nalang tayo . Lino: Sige , mabuti pa nga . Ben: Hayan masaya kana.
Panuto : Kayo ay bubunot ng papel sa loob ng kahon at inyong tutukuyin kung anong uri ito ng pangungusap .
Pangkatang Gawain
Panuto : Ang bawat grupo ay mabibigyan ng 5 minuto upang sagutan ang gawain . Ang grupong pinaka mabilis matapos ang siyang mananalo .
Group I Panuto : Pag- aralan ang mga larawan . Ilarawan ang bawat larawan gamit ang apat na uri ng pangungusap . Group II Panuto : Ano-ano ang ang iba’t - ibang uri ng pangungusap ? Sumulat ng tig-isang halimbawa ng bawat uri . Group III Panuto : Lagyan ng angkop na bantas ang mga pangungusap .
Panuto : Pag- aralan ang mga sumusunod na pangungusap . Isulat sa patlang kung Pasalaysay , Patanong , Pautos, Padamdam ang uri ng pangungusap na ginamit . __________________1. Paano po kayo nakapagsimulang magtayo ng shop? Patanong
______________2. Noong nakaraang araw namasukan ako sa isang repair shop. ____________3. Naku ! Napakarami pala ang nagagawa ninyong jeep sa isang araw . Pasalaysay Padamdam
____________4. Maaari po bang malaman kung ilan pong jeep ang nagagawa ng kompanya ninyo sa isang araw ? _____________5. Nagkaroon ng maraming produksyon ang gaming shop. Patanong Pasalaysay
__________6. Sino po ang mga kasama ninyo sa paggawa ng jeep? ___________7. Nagtiyaga ako upang makaipon ng malaking halaga . Patanong Pasalaysay
__________ 8. Naku ! Ang jeep ay naitanghal na rin sa iba’t ibang paligsahan . ___________9. Saan naman po ang inyong motorshop ? __________10. Ilan pong jeep ang nagagawa ninyo sa isang araw ? Padamdam Patanong Patanong
Ano-ano ang apat na uri ng pangungusap ? Magbigay ng halimbawa ng pangungusap gamit ang apat na uri ng pangungusap .
I. Panuto : Basahin ang usapan ng magkapatid tungkol sa kanilang karanasan sa pamamasyal sa Sunflower Maze, Tayug , Pangasinan at tukuyin kung Pasalaysay , Patanong , Pautos, Padamdam ang uri ng pangungusap na kanilang ginamit sa bawat usapan . Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang .
Ella: Anong masasabi mo tungkol sa pinasyalan natin na Sunflower Maze sa Tayug Kuya ? Cardo : Sadya ngang nakabibighani ang ganda ng pook pasyalan na iyon . Napakaraming mga bulaklak . Ella: Pakikuha mo nga ang aking telepono kuya at ating tingnan ang mga larawan natin doon . Cardo: Aba! Ang ganda ng kuha mo dito sa may bisekleta na maraming bulaklak Ella. Ella: Siyempre naman kuya . Salamat at kinuhanan mo ako ng larawan ha. Cardo: Walang anuman .
____________1. Anong uri ng pangungusap ang ginamit ni Ella sa unang usapan ? ____________2. Anong uri naman ng pangungusap ang ginamit ni Cardo sa pangalawang usapan ? ____________3. Sa pangatlong usapan naman , anong uri ng pangungusap ang ginamit ni Ella? ____________4. Sa pang apat na usapan , anong uri ng pangungusap ang ginamit ni Cardo? ____________ 5. Sa pang limang usapan , anong uri ng pangungusap ang ginamit ni Ella? Patanong Pasalaysay Pakiusap Pasalaysay Padamdam
Takdang Aralin Magbahagi ng isang pangyayaring nasaksihan sa iyong paligid habang ikaw ay bumibili . Gamitin ang ibat-ibang uri ng pangungusap sa paglalarawan ng iyong nakita .