PATRICKJOSEPHBRIONES
0 views
38 slides
Oct 21, 2025
Slide 1 of 38
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
About This Presentation
KJHGFDSAASDFGHJK
Size: 6.2 MB
Language: none
Added: Oct 21, 2025
Slides: 38 pages
Slide Content
TEKSTONG PROSIDYURAL G. PATRICK JOSEPH S. BRIONES Guro sa Filipino
MELC Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB – IIId – 99)
MELC Natatalakay ang proseso sa paghahanda ng tekstong prosidyural; Naipapaliwanag ang mga uri ng tekstong prosidyural.
Isulat ang pagkakasunod-sunod na proseso kung paano magsaing o magluto ng kanin.
Ano nga ba ang sikreto ng masarap na Fried Chicken !
TEKSTONG PROSIDYURAL Isang espesyal na uri ng tekstong expository Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan Sa tekstong ito , pinapakita ang mga impormasyon sa “Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod .
LAYUNIN NG TEKSTONG PROSIDYURAL Maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa ; Magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng maayos ang isang gawain ; Mapagtagumpayan ang isasagawang bagay .
Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural . Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto . Sa paraan ng pagluluto , kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan .
Crispy Fried Chicken (Tagalog Version) INGREDIENTS: 1 kilogram chicken, serving size 2 cups all-purpose flour, divided 1 tablespoons garlic powder 1 tablespoon paprika** 1 teaspoon ground pepper, divided 1-1/4 teaspoon chicken broth cube or powder 2 eggs 3/4 cups water salt, to taste (adjust as needed because broth powder is already salty) Oil for deep-fat frying
Crispy Fried Chicken (Tagalog Version) Sa isang malaking mangkok , paghaluin ang 2 cups ng arina , garlic salt, paprika, pepper at chicken powder. I-roll ang manok sa manipis na arina . Isantabi ang natirang arina Sa isang mangkok , batihin ang itlog , lagyan ng asin , paminta at natitirang arina at tubig upang makagawa ng batter. (3/4 cups water + 1-1/2 harina para sa ratio ng batter) Ilubog ang manok sa nagawang batter at pagkatapos ay ilubog ang manok upang ma coat ( mga 1-2 piraso at a time).
Crispy Fried Chicken (Tagalog Version) Sa isang kawali na maraming mainit na mantika , i-prito ninyo ang manok mga 1-2 pieces hanggang mag golden brown. I-transfer sa lalagyan na may paper liner upang matangal ang sobrang mantika . Serve hot and enjoy!
Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o likhain ang isang bagay .
Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin .
Paglalaro ng Patintero Bumuo ng dalawang pangkat na magkapareho ang bilang . 2. Gumuhit ng mga linyang pahaba at pahalang na pantay ang mga sukat . 3. Pumili n glider o patotot sa bawat grupo . Alamin kung sino muna ang tayang grupo . Ang patotot lamang ang maaaring tumaya sa likod ng kahit sinong kalaban . 4. Ang tayang pangkat ay tatayo sa mga linya . Susubukang lampas an ng kabilang grupo ang bawat bantay ng linya nang hindi nakatapik ang anumang bahagi ng katawan . Kung may natapik na bahagi ng katawan , magpapalit ng tayang pangkat . 5. Kailangang makapasok at malampasan ng pangkat ang unang linya , hanggang sa huling linya , at pabalik upang makapuntos . 6. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos sa loob ng takdang oras ang panalo
Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin , paganahin at patakbuhin ang isang bagay . Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at appliances.
Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural Mga eksperimento – Sa mga eksperimento , tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam . Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain .
LAVA LAMP Ingredients Required: A plastic bottle, fizzing tablets, vegetable oil, water, food coloring. How to Set Up: Fill a plastic bottle with water (1/4th part) and vegetable oil (remaining amount). Add food coloring and wait for a few minutes before putting a fizzing tablet in the bottle. Then, turn off the lights and flash a light on a lava lamp to observe colorful blobs building.
Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan .
Paano pmunta sa SALINAP NHS? Magpunta sa paradahan (Bonifacio) Lumiko pakanan sa may unang shed ng brgy . Agdao Baybayin ang daan mula baldog hanggang sa makarating sa brgy . Salinap Lumiko pakaliwa sa Sitio Tococ papasok ng Sitio Cabagbag
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga sumusunod: Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain . Tinutukoy rin nito ang dapat maging resulta ng susunding prosidyur . Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na “ Paano ”.
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga sumusunod: Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para maisakatuparan ang gawain .
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga sumusunod: Hakbang (steps)/ Metodo (method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur .
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga sumusunod: Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural , ang konklusyon ay nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur .
Suriin ang kahalagahan ng mga tekstong prosidyural sa sumusunod na mga aspekto. Isulat ang kahalagan sa bawat kahon. SARILI PAMILYA KOMUNIDAD BANSA DAIGDIG
Tanong Ko, Sagot Mo! Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga sa buhay mo o ninyo ang tekstong prosidyural?
PAK! GANERN !
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Sabihin ang PAK! kung tama ang pahayag asyon sa binasa at kung hindi naman ay GANERN! 1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng gawain upang matamo ang inaasahan .
2. Hindi mahalagang hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang sa ito basta’t nasusundan .
3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong itinitinda .
4. Sa pagsusulat ng tekstong prosidyural kailangang malawak ang kaalaman ng sumusulat tungkol sa ipapagawa .
5. Kailangang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang nito upang sa tulong lamang ng pagbabasa , kahit walang aktuwal na demonstrasyon ay maisagawa ito .
Panuto: Isulat sa patlang ang hinihinging kasagutan ng bawat pahayag. ______________1. Isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain . ______________2. Ibinibigay para makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan . ______________3. Kailangang maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain .
______________ 4. Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin , paganahin at patakbuhin ang isang bagay . ______________5. Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin . ______________6. Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto . ______________7. Tinutukoy rin nito ang dapat maging resulta ng susunding prosidyur .
______________8. Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para maisakatuparan ang gawain . ______________9. Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur . ______________10. Nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur .
TAKDANG ARALIN Panuto : Bumuo ng sariling flower pot gamit ang recycled bottles. Panoorin ang video sa youtube para sa tamang hakbang . Narito ang link https://www.youtube.com/watch?v=pTDDrm3iYTo