GRAPIKAL NA PRSESENTASYON.PIE GRAPH, BAR GRAPH LINEGRAPH AT ANG KANILANG REPRESENTASYON
Size: 28.04 MB
Language: none
Added: Sep 23, 2025
Slides: 19 pages
Slide Content
MAGANDANG UMAGA!
a. Nabibigyang-kahulugan ang mga datos empirical na grapikal gamit ang isang video at ang “concept map” b. Nakaguguhit ng isang pie graph gamit ang isang audio recording at nabibigyang diin ang kakayahan ng mga kapatid na bulag sa pamamagitan ng pagguhit na nakapiring ang mata . c. Nakapag-iinterpreta ng mga grapikal na representasyon d. Masayang nakikilahok sa mga gawain Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang ;
EKSWTLAT Paglalarawan sa datos sa paraang patalata.
Halimbawa : Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang naapektuhan nang dahil sa 2019 N Corona Virus sa buong mundo at 28 milyon naman ang naapektuhan sa Pilipinas.
ABLUTAR Paglalarawan sa datos gamit ang istatistikal na talahanayan .
Halimbawa :
Iguhit mo ang LARAWANG-DIWA mo ! 1.Hahatiin sa tatlong grupo ang klase . 2. Magpaparinig ng isang audio recording tungkol sa pie graph. 3. Iguguhit ang mga detalye na babanggitin sa audio recording na iparirinig . ( per group ) 4. Bawat isang grupo ay magkakaroon ng representative para iguhit ang detalye sa audio recording ngunit nakapiring ang mata . 5. Ang pinakaunang makaguguhit ng tamang detalye ay siyang panalo . At ang pinakamalapit sa katotohanang guhit ng pie graph mula sa mga nakapiring ay siyang panalo .
LARAWANG-DIWA mo Iguhit mo !
Ano ang tawag sa inyong naiguhit klas ? A nong nararamdaman ninyo kanina habang ginagawa natin ang activity na ating isinagawa lalong-lano na yung mga nakapiring kanina ?
CONCEPT MAP challenge GRAPIKAL NA REPRESENTASYON LINE GRAPH PIE GRAPH BAR GRAPH Katangian Katangian Katangian Gamit Gamit Gamit
SAGOT: BAR GRAPH
SAGOT: LINE GRAPH
SAGOT: PIE GRAPH
May maitutulong ba ang kaalaman mo sa grapikal na interpretasyon para mapabuti mo ang iyong mga Gawain sa pang- araw - araw mong buhay?ipaliwanag kung saan ito pwedeng magamit .
Panuto : Bigyang interpretasyon ang bar graph.
Ang Bar Graph ay tungkol sa bilang ng mga mag- aaral sa bawat track sa Senior High School sa tatlong pulo ng Pilipinas ( Luzon, Visayas, at Mindanao). Makikita sa bar graph na sa pulo ng Luzon ang may pinakamataas na nag- enrol sa sa track ng SHS ay ang Academic Track dahil ito ay may bilang na 500,000 . Pumapangalawa naman ang track na Technical-Vocational Livelihood na may bilang na 450,000 . Panghuli ang Sports and Arts Track sa bilang nitong 350,000. Samantalang sa Visayas parehong may pinakamataas na enrollees ang track na Academic dahil mayroon itong bilang na 400,000 . Pumapangalawa dito ang Sports and Arts Track dahil sa bilang nitong 350,000. Makikita na pumapanghuli sa hanay ang track na Technical-Vocational Livelihood dahil mayroon lamang itong bilang na 300,000 . Sa Mindanao naman makikita na pantay ang ang enrollees gaya ng sa Visayas sa track na Academic dahil mayroon din itong bilang na 400,000 . Sumunod ang Sports and Arts Track na may bilang na 250,000 at pinakahuli ang Technical-Vocational Livelihood Track sa bilang nitong 200,000. Sa kabuuan , ang may pinakamataas ng bilang ng enrollees ay makikita sa track na Academic dahil mayroon itong kabuuang bilang na 1,300,000 at parehong mayroong kabuuang bilang na 950,000 ang track na ang Sports and Arts at Technical-Vocational Livelihood .
Takdang-aralin Batay sa iyong natutunan sa ating talakayan , suriin mo ang mga sumusunod na aytem sagutin kun ito ay datos empirical, balangkas konseptwal o balangkas teoretikal . 1. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo , o isang milyong katao taon-taon , ang namamatay dahil sa paninigarilyo . 2. Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o mga teorya na aakma sa layunin ng pananaliksik . 3. Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa pangunahing baryabol ng pananaliksik . 4. Sa paglalarawan sa datos , maaaring gumamit ng biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph. 5. Ito ay mga teorya na magkakaugnay para sa proposisyon ng papel .