Cream and Pink Leaves Project Presentation.pdf

sheilaestares 0 views 7 slides Sep 29, 2025
Slide 1
Slide 1 of 7
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7

About This Presentation

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang


Slide Content

REBYU NG ILOVE LIZZY BY -GROUP 1 AND 2

Ang I Love Lizzy ay isang pelikulang Pilipino na pinamahalaan ni RC Delos
Reyes at prinodyus nina Erwin Blanco at Ellice Tuason. Ginampanan ni Carlo
Aquino ang papel ni Jeff, isang seminarista na nagbakasyon sa Albay upang
hanapin ang kahulugan ng buhay at pag-ibig. Si Barbie Imperial naman ang
gumanap bilang Lizzy, isang lokal na tour guide na masayahin ngunit may
tinatagong sugat mula sa nakaraan. Ang magandang tanawin ng Albay ang
nagsilbing backdrop ng kanilang kwento, na nagbigay ng mas makulay at
kaaya-ayang karanasan para sa mga manonood. PANIMULA

Malaki ang naging ambag ng mahusay na pag-arte at chemistry nina
Aquino at Imperial, na naging natural at kapanipaniwala ang kanilang mga
eksena at nagpalalim sa emotional impact ng pelikula. Damang-dama ng
audience ang mga temang pag-ibig, pananampalataya, at sakripisyo na
malinaw na naipakita. Isa ring positibong aspeto ang scenic
cinematography, kung saan kapansin-pansin ang mga tanawin ng Albay,
gayundin ang maayos na pacing ng pelikula na nagsimula nang magaan
bago unti-unting nagkaroon ng mas mabigat na emosyonal na bigat. Ang
lahat ng ito ay nakatulong upang mas maging invested at konektado ang
mga manonood sa kwento. KATAWAN

Gayunpaman, hindi rin nakaligtas ang pelikula sa ilang kahinaan. Medyo
predictable ang kwento at madaling mahulaan ang takbo at pagtatapos nito.
Mayroon ding shallow character development, partikular sa mga
pangunahing tauhan, kung saan may ilang desisyon at kilos na hindi
lubusang naipaliwanag. Dagdag pa rito, may mga pagkakataong flat o
awkward ang dialogue, kung saan naging corny o hindi akma ang ilang linya
sa emosyon ng eksena, na minsan ay nakabawas sa kabuuang impact ng
pelikula.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makukuha natin ang ating kagustuhan.
Sa pelikulang I Love Lizzy, ipinakita na kahit may pagmamahalan, may
mga pagkakataong kailangang piliin ang tama kaysa ang gusto. Dito natin
nakikita na hindi lahat ng kagustuhan ay makakamtan dahil may mas
magandang layunin ang Diyos para sa atin, at iyon ang dapat nating
pahalagahan at sundin WAKAS

Hindi sa lahat ng oras ay makukuha natin ang gusto natin, at ito ang malinaw na
ipinakita sa pelikulang I Love Lizzy. Kahit may pagmamahalan, ipinapakita na
may mga pagkakataon na mas mahalagang piliin ang tama kaysa ang sariling
nais. Dahil dito, mairerekomenda ko ang pelikula dahil nagbibigay ito ng
mahalagang paalala na hindi lahat ng gusto natin ay para sa atin, kundi mas
mabuti ang plano ng Diyos na dapat nating pahalagahan at sundin.

Thank
You
Tags