ARALIN Sariling pagpapahalaga sa mga yaman mula sa kapaligiran
1. Magbigay ng paraan / gawain ng tamang pag-iingat sa yaman mula sa kapaligiran . BALIK-ARAL 2. Ano ano ang mga dapat tandaan / gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran ?
Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?
Kapag binigayn kayo ng isang regalo ano ang inyong ginagawa o sinasabi?
Ano ang inyong gagawin sa binigay sa inyo?
Dapat ba na pahalagahan o ingatan ang mga binigay sa inyo?
Ngayon ay matutuklasan ninyo paano naipapahayag ang pasasalamat sa yaman sa kapaligiran ng mga tao sa araw araw na pamumuhay.
Panoorin at pakinggan natin ang awiting “Masdan Mo ang Kapaligiran” ng Asin
MGA TANONG 1. Ano pamagat ng awiting inyong napakinggan ? 2. Ano ang pakiusap ng may akda ng kanta patungkol sa mga puno , ilog at dagat sa ating kapaligiran ?
3. Bakit kailangan nating ingatan ang mga bagay na nabanggit sa awit ? 4. Sino ba ang may likha sa mga ito ? 5. Ano ang dapat nating gawin upang pagdating ng panahon ay may mga puno , ilog , dagat pa na makaabutan ang susunod na mga bata ?
6. Bakit kailangan nating magpasalamat sa mga biyayang ating tinatamasa ? 7. Ano ang dapat gawin ng mga tao upang hindi mawala ang mga nilkhang ito ng Diyos ?
8. Bakit binanggit sa kanta na may mga puno pa kayang aakyatin , ano ang ibig nitong ipahiwatig o ipabatid sa mga nakikinig ? 9. Sa inyong palagay lahat ba ng pamayanan o lugar ay malinis tulad ng pamayanan na inyong ginagalawan ?
TANDAAN Panatilihin ang kalinisan sa paligid. Iwasan ang pagtapon ng basura sa kung saan saan.
Ugaliin ang pagtatanim ng mga halaman at puno upang magsilbing lilim, nagbibigay ng dagdag na kita, at nakakatulong upang magkaroon ng sariwang hangin.
Pagiging responsable sa mga yaman sa kapaligiran.
Matutong magpasalamat sa lahat ng mga biyaya na tinatamasa maliit man o malaki.
Bilang isang bata, paano mo ipahahayag ang pasasalamat sa mga yaman sa kapaligiran?
Paano mo ipahahayag ang pasasalamat sa mga yaman mula sa kapaligiran?
Bilang pasasalamat sa mga yaman mula sa kapalirigan dapat nating gawin ang pagtatanim ng mga puno at halaman, pag-aalaga, pagpapagawa ng recycling at pagsusulong ng conservation.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaari mong mapangalagaan ang mga yaman ng kapaligiran.
Iguhit ang puso sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pasasalamat sa mga yaman mula sa kapaligiran at hugis bilog kung hindi. TAYAHIN 1 Panuto: Ikatlong-araw Iprint ang Day 3 Tayahin 1
TAYAHIN 2 Pagguhit Ikaapat na araw Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng pagbibigayan.