Layunin (Objectives) Natutukoy ang kahulugan at layunin ng Deskripsyon ng Produkto . 2. Naiisa -isa ang mga mahahalagang hakbang sa pagsasagawa ng sulating teknikal-bokasyunal . 3. Nakasusulat ng maikli ngunit malinaw na Deskripsyon ng Produkto batay sa napiling halimbawa .
SIMULA Tanong : βKung ipapakilala mo ang produktong ito sa iba , paano mo ito ilalarawan ?β
Ano ang Deskripsiyon ng Produkto ?
Halimbawa : Pangalan ng Produkto : Oster Classic Blender 600W
Katangian o Features: May malakas na 600-watt motor na kayang durugin maging ang yelo . May matibay na stainless steel blade na hindi agad kinakalawang . May 10 bilis ng pagpili para sa ibaβt ibang uri ng paghahalo at pagdurog . Kasama ang 1.5 litro na heat-resistant glass jar na madaling linisin . Paraan ng Paggamit : Ilagay ang nais na sangkap sa loob ng jar. Isara nang maayos ang takip bago buksan . Pumili ng tamang bilis gamit ang control knob.
Benepisyo o Pakinabang : Pinadadali ang paggawa ng fruit shakes, smoothies, at iba pang inumin . Nakakatipid ng oras at effort sa kusina . Matibay at pangmatagalang gamit para sa pamilya o negosyo . * Mapapansin na ang deskripsyon ay malinaw , tiyak , organisado , at propesyonal ang tono , tulad ng makikita sa brochure o product manual.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Sulating Teknikal-Bokasyunal : Tukuyin ang Layunin β Alamin kung bakit isusulat ang sulatin ( hal . paglalarawan , pagbibigay-gabay , o pagbebenta ng produkto ). Suriin ang Halimbawa β Magbasa muna ng mga modelo ng sulating teknikal-bokasyunal (manual, product description, brochure). 3. Organisahin ang Impormasyon β Ilista ang mahahalagang detalye : Pangalan ng produkto Katangian / features Paraan ng paggamit Benepisyo o pakinabang
4. I sulat ang Deskripsyon β Gumamit ng malinaw , tiyak , at propesyonal na wika . 5. Suriin at Rebisin β Basahing muli , ayusin ang pagkakasunod-sunod , at siguraduhing madaling maintindihan .
Gawain (20 minuto ) 1. Hahatiin ang klase sa 4β5 grupo . 2. Bawat grupo ay pipili ng isang produkto ( pwedeng bagay na dala nila , ballpen , bag, shampoo, sapatos , cellphone). 3. Gamit ang mga hakbang na tinalakay , bubuo sila ng Deskripsyon ng Produkto sa manila paper o sa isang papel * Pagkatapos ng 20 minuto , Ipapakita ng bawat grupo ang kanilang output.
Tanong ? 1. Ano ang natutuhan mo tungkol sa Deskripsyon ng Produkto ? 2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na hakbang sa paggawa ng sulating teknikal-bokasyunal ?
WAKAS
Mga Katawagang Teknikal
Layunin : Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng isang produkto . Nakikilala ang pagkakaiba ng teknikal at pangkaraniwang salita .
Panimula Balik- aral : Ano ang deskripsyon ng produkto ?
Ano ang Teknikal na Termino? π Ang teknikal na termino ay mga salitang ginagamit sa isang partikular na larangan , propesyon , o industriya na may tiyak at espesipikong kahulugan . Karaniwang ginagamit ito sa teknikal-bokasyunal na sulatin , product description, manuals, at iba pa. Mas eksakto at mas detalyado kaysa karaniwang salita . Ginagamit para maging malinaw , propesyonal , at tiyak ang paglalarawan .
Simpleng Salita Teknikal na Termino Paliwanag Memory ng cellphone Storage Capacity (e.g., 128GB) Mas eksaktong sukat at unit of measurement Tagal ng gamit Shelf Life Tumutukoy sa panahong ligtas pang gamitin o inumin ang produkto Tagal ng baterya Battery Life Eksaktong termino sa electronics Laki ng TV Screen Size (e.g., 42 inches) Mas malinaw at may unit of measurement Timbang Net Weight / Gross Weight Ginagamit sa packaging at label Timpla ng kape Blend Teknikal na salita sa industriya ng kape Kulay Color Code (e.g., Hex Code #0000FF) Eksaktong kulay para sa design at printing Tibay Durability Ginagamit sa engineering/manufacturing Laki ng hardin Land Area (sqm) Eksaktong sukat gamit ang unit ng measurement Bagong labas Latest Model / Version Karaniwang gamit sa electronics at tech
Gawain Bawat mag- aaral ay gagamit ng produktong dinala at maglilista ng 5 teknikal na termino . Pair sharing: Ipaliwanag sa kapareha kung ano ang ibig sabihin ng mga ito .
Instruksyon : Ilabas ang produktong dala . Isulat ang 5 teknikal na termino kaugnay nito . Ipaliwanag sa kapareha ang ibig sabihin ng mga termino . Halimbawa 2: Shampoo 5 Teknikal na Termino pH Level β Antas ng acidity/alkalinity na akma sa anit Active Ingredient β Keratin ( nagpapatibay ng buhok ) Net Content β 200ml ( sukat ng laman sa bote ) Shelf Life β 2 years (tagal bago mag-expire) Formulation β Sulfate-free ( uri ng pinaghalo-halong sangkap ) Pair Sharing: βAng pH level ay mahalaga para hindi mangati ang anit . Ang keratin naman ay sangkap na nagpapakinis at nagpapalakas ng buhok .β
Halimbawa 3: Instant Coffee 5 Teknikal na Termino Net Weight β 25g per sachet ( timbang ng produkto ) Caffeine Content β 60mg ( sukatan ng caffeine sa bawat tasa ) Blend β 3-in-1 ( kape , asukal , at gatas) Shelf Life β 1 year ( panahong ligtas pang inumin ) Serving Suggestion β Hot or cold ( rekomendadong paraan ng paggamit ) Pair Sharing: β Kapag sinabi nating blend 3-in-1, ibig sabihin pinagsama na ang tatlong sangkap : kape , gatas, at asukal . Ang caffeine content naman ay nagsasabi kung gaano karaming caffeine ang iniinom natin kada tasa .β
Pagtataya (Performance-based) Rubric (30 pts): Pasalitang pagpapaliwanag (10 pts) Sulating nakasulat (10 pts) Demo o aktwal na presentasyon (10 pts)
Pagtataya Panuto : Basahin ang bawat salita o parirala . Isulat ang T kung ito ay teknikal na termino at H kung ito ay hindi teknikal na termino . Storage Capacity Malakas Battery Life
4.Screen Resolution 5. Magaan 6. Shelf Life 7. Net Weight 8. Maganda ang kulay 9. Processor Speed 10. Operating System 11. Mabango 12. Tip Size (0.5mm)