Paglalarawan / Deskriptibong Komposisyon Ang deskriptibong pagpapahayag ay isang anyo na naglalayong makabuo sa isipan o imahinasyon ng mambabasa o nakikinig ng isang malinaw na larawan ng tao , bagay , pook , damdamin o pangyayari na nakita o sa guni-guni ng manunulat o nagsasalita .
Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Deskriptibong Komposisyon ANG LAYON - ipinapakita ang kaibahan ng isang bagay sa kauri nito . Hal: Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga-ibang pook . ANG KATANGIANG NAMUMUKOD - ipinapakita ang katangiang namumukod sa mga bagay na kauri nito . Hal: Sa simula pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyahin .
ANG ABOT-TANAW - inilalarawan ang sadyang nakikita mula sa kinatayuan ng naglalarawan . Hal: Nakikita ko siyang gumagawa ng tahimik at nag- iisa – umiiwas sa iba . ANG ANYO NG BAGAY SA KABUUAN - pangungusap na nagpapalagay ng laki , hugis , at kulay ng bagay na inilalarawan . Abstrak – bagay na nadarawa , nasa isip , diwa at damdamin Kongreto – bagay na nakikita o nahahawakan
1. Pagpili ng Paksa 2. Pagpili ng Pananaw (Point of View) 3. Pagbibigay ng Pangunahing Larawan 4. Pagpili ng mga Sangkap 5. Pagsasaayos ng mga Sangkap a. Pagmamasid b. Agwat c. Mapa o Krokis ( guhit ) Sa pagsusunod-sunod ng mga detalye sa paglalarawan ay dapat isaalang - alang ang sumusunod ( Dillague et. al, 1995):
Ang Mahahalagang Kasangkapan ng Masining na Paglalarawan o Deskripsyon A. Imijri o Paglalarawang-Diwa o Mapapandamang Salita - Pagpukaw ito sa mga pandama kaya dapat gamiting pananalita ay ang nararamdaman , nakikinig , nakikita , nalalasa , naaamoy at nahihipo . B. Paghahambing o Metafor -Malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis sa paglilinaw ng mga bagay-bagay na inilalarawan . Higit ang impak ng nararamdaman ng kinauukulan kung sa konkretong larawan naipahayag ang inilalarawan .
C. Pag-aangkop ng mga Salita - Pinipili ang paggamit ng mga salita . Kailangan iyong tiyak na katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi man yaong mapagpahiwatig ng bagay . Dito nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal . D. Pagtatambis - Ang mga sawikain o kawikaan ay ang mga popular na idiyomang bukambibig ng madla sa pagsasalita . Tulad sa pag-unawa sa kahulugan ng tula , ang sawikain upang lubos na maintindihan ang isinasaad na kahulugan ay kailangang basahin o pakinggan sa pagitan ng mga linya .
1. Naipakita ba sa paglalarawan ang ikinatatangi ng bagay na inilalarawan sa ibang mga kauri? 2. Inilarawan ba lamang ang mga bagay na sadyang makikita ? 3. Malinaw bang naipakita ang anyo , hugis , kulay at iba pang kailangan sa lubos na ikauunawa ng nakikinig o bumabasa ? Mga Dapat Isaalang-alang sa Paglalarawan
4. Bukod sa pagpapakita ng pagkakaiba nito , iniharap din ba ang pagkakatulad sa mga bagay na alam ng bumabasa o nakikinig ? 5. May kaugnayan ba ang mga bagay-bagay ayon sa dapat na pagkakasunod-sunod ? 6. Maingat ba ang pagkakapili ng mga salitang nagbibigay-turing sa bagay na inilalarawan ? 7. Nakapupukaw ba ng pagkakawili ng nakikinig o bumabasa ang ginawang paglalarawan ?
Obhektibo o Kongkretong Deskripsyon Kilala rin bilang Karaniwang Deskripyon Ibinibigay nito ang makatotohanang ayos o anyo ng bagay na inilalarawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga tiyak na impormasyon batay sa pisikal na katangian . Hindi isinasangkot ng manunulat ang kaniyang damdamin . Uri ng Deskripsyon :
Halimbawa : Si Kapitan Tiyago ay pandak , maputi-puti , bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa kabataan . Siya ay mukhang bata kaysa sadya niyang gulang . Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal. Maganda si Matet . Maamo ang mukha lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi . Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang . Balingkinitan ang kanyang katawan na binabagayan naman ng kanyang taas .
2. Subhektibo o Malikhaing Deskripsyon Ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin , imahinasyon at pananaw ng manunulat at binibigyang-buhay ang paglalarawan batay sa pagmamasid . Ito ay naglalayong makaantig sa kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat na makiisa sa guni-guni na inilalarawan o ipinapahayag ng manunulat .
Mga Halimbawa : - Ang maamo niyang mukha ay tila anghel na sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Ang kutis niyang kasing kinis ng labanos at labing mapupula tulad ng rosas . - Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag- iinit na noo ni Danding . ( Mula sa “ Lupang Tinubuan ” ni Narciso G. Reyes)
3. Ang Teknikal na Deskripsyon isang masusing pagsusuri sa bawat detalye kaya madalas na ginagamit dito ay ang mga grap o ilustrasyong ispesipikong matutukoy ang mga katangian ng nais ipaliwanag . Halimbawa nito ay ang anatomiya ng tao .