Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig ( a,e,i,o,u ) at isang malapatinig ( w,y ) sa loob ng isang pantig . Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig , ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig , kaya’t hindi na maituturing na diptonggo . Ang “ iw ”, halimbawa , sa “ aliw ” ay diptonggo . Ngunit sa “ aliwan ” ay hindi na ito maituturing na isang diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan na sa dalawang patinig . Ang magiging pagpapantig sa “ aliwan ” ay a- li -wan at hindi a- liw -an.
Ang / iy / sa kami’y , halimbawa , ayaw tanggapin ng iba bilang diptonggo sa katwirang dinaglat lamang daw ang “ay” at ikinabit pagkatapos sa “ kami ”. Paano raw ang kudlit (‘)? Linawain nating hindi binibigkas ang kudlit , na ang ating pinag-uusapan ay bigkas at hindi bantas . Pansinin na ang magiging transkripsiyon ng “ kami’y ” ay / kamiy /. Dito ay litaw ang diptonggong / iy /. Kung may salita tayong maibibigay upang lumitaw ang / ew /at / uw /, may pagdadaglat mang naganap o wala , tatanggapin nating diptonggo ang mga ito
Tsart sa Pagbigkas ng Diptonggo Harap Sentral Likod Mataas / iw / , /ay/ / uy / Gitna / ey / / oy / Mababa /aw/ /ay/ Iba’t ibang tunog ng Diptonggo
Pares Minimal
Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran .
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala . Nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa pusisyong inisyal : na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang / pala at bala /, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad – ala at ala.
Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita . Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala , nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita .
Halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang magkahiwalay na ponema Inisyal Midyal Pinal p ala – b ala e wan – i wan s ipag – h ipag b angkay – l angkay w ari - y ari b e lo – b i lo t e la – t i la i p a – i b a b o tas – b u tas ba s ag – ba h ag sapa t – sapa d taluka p – taluka b titi k – titi g saba w – saba y ula n - ula ng
klaster
Ang klaster ay ang dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang salita . Katulad ito sa kambal-katinig sa Tagalog ( mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at KATINIG). Subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokonsider na ganito ( sa Tagalog ). Walang kasing higit sa tatlong magkakatabing konsonant sa isang silabol sa Tagalog hindi tulad sa Filipino na posible ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat .
/ bl / bl oke bl usa bl eyd / br / br a br uha br aso /hw/ hw eteng hw ego hw es /mw/ mw elye mw ebles mw estra / dr / dr ayber dr akula dr am / dw / dw ag dw eto dw ende / gl / gl orya gl adyola gl osa / gr / gr ipo gr ado gr upo / ny / ny ebe ny og ny ugan /pl/ pl astik pl aster pl atito / sw / sw eldo sw erte sw apang / kr / kr us kr imen kr ema