Punan ang mga kahon ng angkop na kasingkahulugan ng mga sumusunod na parirala . nagdadalantao imperyo sensus emperador sabsaban 1. pinuno ng imperyo 2. opisyal na pagbibilang ng tao sa isang lugar 3. kulungan ng mga hayop 4. bansa na pinamumunuan ng emperador 5. buntis
Kapanganakan ni Hesus Nang mga araw na iyon , nagpalabas ng kautusan si Emperador Agusto na magpalista ang buong imperyo . Naganap ang unang sensus na ito nang si Quirino ang Gobernador ng Siria . Dahil dito , kailangang maglakbay ang bawat isa para sa kanya-kanyang bayan upang magpalista .
Umahon din si Jose mula sa bayan ng Nazareth sa Galilea . Mula siya sa angkan at lahi ni David. Nagpunta siya sa Judea upang sa bayan ni David, na tinatawag na Betlehem , magpalista . Kasama niya si Maria na ipinagkasundo na sa kanya na nagdadalantao noon.
Habang naroon sila , dumating ang sandali ng panganganak ni Maria. Sila ay naghanap ng bahay na matutuluyan , ngunit walang nagpatuloy sa kanila . Hanggang sa napuntahan nila ang huling tahanan na nag- alok sakanila ng sabsaban dahil wala nang lugar para sa kanila sa bahay . At nagsilang si Maria ng isang lalaki na kanyang panganay . Binalot ng lampin at inihiga sa sabsaban .
Sino ang nagpalabas ng kautusan na magpalista ang buong imperyo ? __________________________ Kailan naganap ang unang sensus na ito ? __________________________ Ano ang tawag sa bayan ni David na pinagpalistahan ng pangalan ni Jose? __________________________
Sino ang kasama ni Jose nang siya ay magpalista ng kanyang pangalan sa Betlehem ? _________________________ Saan ipinanganak ni Maria si Hesus ? _________________________ Bakit sa sabsaban ipinanganak ni Maria si Hesus ? _________________________
Anong aral ang natutunan mo sa ating binasang kuwento ? ___________________________ Paano mo isasabuhay ang aral na natutunan mo sa kuwento ? ___________________________
ar aw pangan ay maglakb ay bah ay ing ay kah oy sis iw Bub uy R ey
Ang diptonggo ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig ( a , e , i , o , u ) at malapatinig na w at y sa isang pantig .
Panuto : Ang mga sumusunod na larawan ay may tunog diptonggo . Isulat ang pangalan nito sa maliit na pisara .
apoy
ilaw
tinapay
sabaw
bahay
sisiw
suklay
kalabaw
palay
langoy
sayaw
baboy
aw iw ay ey iy oy uy
Piliin ang mga salitang may diptonggo . 1. kulay bata palaka 2. nanay kabayo ahas 3. pagong bubuyog dilaw 4.kasabay daan hipon 5. isda sayaw yelo
Disyembre 11, 2015 Takdang - aralin : Magbigay ng 5 salitang may diptonggo at gamitin ito sa maayos na pangungusap .