PiaMorilesMapili
44,293 views
8 slides
Aug 30, 2018
Slide 1 of 8
1
2
3
4
5
6
7
8
About This Presentation
Ito ay tungkol sa mga Diptonggo ang kahulugan,mga halimbawa at kahalagahan nito.
Size: 2.59 MB
Language: none
Added: Aug 30, 2018
Slides: 8 pages
Slide Content
Mga Diptonggo sa Filipino
Ano nga ba ang “DIPTONGGO”?
Ano nga ba ang “DIPTONGGO”? Ang diptonggo ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig ( a,e,i,o,u ) at malapatinig na w at y sa isang pantig .
May mga tunog na nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga patinig at malapatinig na / w / at / y /. Ang sikwens ng mga tunog na ito ay tinatawag na diptonggo.Sa wikang Filipino, kabilang ang mga ponemang / aw / , / iw / , / ay / , / ey / , / iy / , / oy / , at / uy / sa mga diptonggong ito.Tunghayan ang ilang halimbawa ng mga salitang nagtataglay ng mga tunog na diptonggo .
/aw/: aw tor gal aw -galawin hal aw / iw /: bal iw -baliwan gil iw / ay/: ay bol [eyeball] bah ay -bahayan gul ay / ey /: ey wan [ baryant ng ewan ] m ey ron [ baryant ng meron ] wal ey [ wala:balbal ] / iy /: kam i'y [ kami ay ] / oy /: lang oy -languyan bats oy / uy /: kas uy -kasuyan ar uy
Mahalagang banggitin na nagkakaroon lamang ng diptonggo kung ang isang patinig at isang malapatinig ay magkasunod sa isang pantig.Hindi maituturing na diptonggo kung ang tunog ay magkasunod lamang ngunit hindi nabibilang sa iisang pantig.Halimbawa nito ang salitang bayan kahit kakikitaan ito ng magkasunod na grapemang a at y dahil kung papantigan ang salita ay ba . yan .Maghihiwalay ang mga titik na a at y .