MGA PAMANTAYAN SA KLASE: S Sumunod sa mga sinasabi ng guro; M Makinig nang mabuti sa guro at sa kaklase na nagsasalita; A Aktibong makilahok sa mga gawain; R Respetuhin at igalang ang opinyon o sagot ng inyong k a klase; T Tulungan ang kaklaseng nangangailangan ng tulong .
Gawain 1: SIMBO-UIN MO! Panuto: Ang mag aaral ay bubuo ng dalawang grupo, mamimili ng numero ang bawat grupo na kung saan ang bawat numero ay may nakalakip na mga piraso ng papel o puzzle pieces na bubuuin ng mga mag- aaral. Magpapaligsahan ang bawat mag aaral na makatapos sa pagbuo nito sa loob ng 15 seconds pagkatapos ay ang bawat grupo ay sasagot ng inihandang mga tanong.
Pamprosesong Tanong: 1. Pamilyar ba kayo sa simbolo na nabuo? 2. Ano ang mga ipinakikita ng mga simbolo na nabuo sa larawan? 3. Base sa larawang nabuo ano kaya ang ating naging nakaraang talakayin?
“LARAW-SURI” Panuto: Bumuo ng apat na pangkat, at sa bawat pangkat ay susuriin ang mga larawang nakadikit sa pisara upang masuri ng mabuti ng mga magaaral ang mga larawan.
Pamprosesong Tanong: 1. Sa larawan na inyong nakita sa unahan, ano ang larawan na iyong nakita? 2. Ilang kasarian ang nakita niyo sa mga larawan? Ano an o ang mga ito? 3. Ano sa mga larawan ang masasabi ninyong sexual orientation ? 4. Ang mga larawang inyong nakikita ay mga nabibilang sa iba’t ibang kasarian, sa inyong palagay ang bawat personalidad na mga ito ay nakakaranas kaya ng mga pangunugutya mula sa kanilang lipunan na ginagalawan?
LAYUNIN: Nabibigyan kahulugan ang salitang diskriminasyon. A Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan, kababaihan at mga kasapi ng LGBT. B Nakakagawa ng iba’t ibang gawain na may layuning isulong ang karapatan ng bawat kasarian C
GAWAIN: WHAT’S ON YOUR MIND? Panuto: Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa Diskriminasyon.
Ano nga ba ang Diskriminasyon?
Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anuman paguuri, ekslusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkakilala, paggalang at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan .
NASUSURI ANG DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN, KALALAKIHAN AT LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender
GAWAIN: Panuto: Bumuo ng tatlong grupo at ang leader ng grupo ay bubunot sa loob ng kahon ng numero na may kakaakibat na topic at katanungan na inyong ipepresenta sa unahan Isusulat sa manila paper ang kasagutan. Sa loob ng 15 minuto ay ang 10 minuto ang pagsagot sa katanungan at 5 minuto naman sa presentasyon.
RUBRIK SA PAGKATUTO Batayan Puntos Ideya ng Nilalaman 20 Partisipasyon ng bawat isa 10 Kaugnayan ng sagot sa tanong 10 Kabuuan 40
Pangkat 1 : Ano ang nararanasang Diskriminasyon ng mga kalalakihan? Pangkat 2 : Ano ang nararanasang Diskriminasyon ng mga kababaihan? Pangkat 3 : Ano-ano ang karahasan na nararanasan ng kababaihan, kalalakihan at ng mga LGBT?
Diskriminasyon sa Kalalakihan Mataas ang pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila ay nakararanas ng diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng 'House husband' sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga gawaing pantahanan.
Diskriminasyon sa Ka babaihan Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan, batay sa kasarian sa lugar ng trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong kakayahang umangkop sa trabaho.
Diskriminasyon sa LGBT Nararanasan ng mga ito ang diskriminasyon na humahantong sa bullying at ang mas malala ay sa mga pisikal na pananakit.
Karahasan sa Kalalakihan Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal.
Karahasan sa Kababaihan Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal .
Karahasan sa LGBT Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na Anti- Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo .